Ken's POV
I got up from bed immediately when she said goodnight. Hindi ko naman to intensyon pero damn! Hindi kasi ako maka-hindi kay Caryl because I owe her bigtime! Kung hindi dahil sa kanya baka college drop-out na ako ngayon. Malaki ang naging part niya sa thesis namin, halos siya na rin ang gumawa nung sa akin.
Bakit kasi hindi ako maintindihan ni Sandy? Mabait si Sandy. Maalalahanin, maintindihin pero SELOSA. Napaka selosa. Lahat pinagseselosan niya. Hindi siya pala-away pero walang siyang inuurongan. Mapagpasensya siyang tao pero PUMAPATOL siya. Hindi siya matapang at lalong hindi siya duwag. Mapagmahal si Sandy sa kanyang pamilya, lalo na yung mga kapatid niya. Halos lahat ng sweldo niya ay nilalaan niya sa mga 'yon.
Lumabas ako ng bahay at binuksan ang garahe.
I hopped in into my car and drove myself to QC kung saan gaganapin ang birthday ni Caryl.
*cellphone rings*
Jethro Calling...
"Hello Ken, asan ka na ba? Pfft. Ang pabebe mo naman. Hindi ka nanaman pinayagan noh?"
Tch. Ang gago nangasar pa. Alam kasi nila na lahat ng bagay ay sinasabi ko kay Sandy, pero hindi ang kaisa isang lihim ko.
"Ulul! On the way na ako. Chillax! Nagdadrive ako. Bye!" I ended the call not waiting for his response.
=======================================
It took me some minutes to reach my destination. The place was dark. Nahihilo ako sa mga ilaw. I approached them when I saw them encircled on a VIP lounge besides the DJ's booth.
"Ken!" Putcha anong ginagawa nito dito? Bigla ay nawala ako sa mood.
"Hi! I knew you'd come! Alam ko namang bored na bored ka na sa buhay mo eh. So, later?" Said the girl with her irritating voice. Bored na bored? Tsh.
"Really? What do you know about me?" Inis kong tanong.
"Wala naman masyado. Basta ang alam ko, bored ka na sa buhay mo kasi boring ang girlfriend mo." Nakakairita ang paghalakhak niya habang tumitingala pa.
Lumipat ako sa tabi ni Caryl dahil hindi ko matagalan ang presensya niya. Hindi ko na rin matagalan ang pangiinsulto niya kay Sandy, pero wala akong magawa.
"Anong ginagawa ni Hope dito? I thought she's not invited?" Caryl is like a sister to me. Pero I never got the chance to introduce her to Sandy kaya ganun siya magisip. Mabait si Caryl, she treats me like a big brother.
"Yeah, she's not" she said while drinking the tequila.
"Then why the hell she's here???" I asked her curiously. Hindi pala invited eh.
"Jethro told her that I'm having this party."
Ahhh. Ang kinginang tropa ko pala ang nagsabi. Tsss.
Nagpatuloy si Caryl.
She texted me yesterday about it. In-invite ko na lang para walang masabi Hindi ko naman alam na sasama talaga." mukhang kahit si Caryl ay ayaw siya dito. Well, for the record. Hopelyn is our classmate. Clingy na ang babaeng yan. Tch. Matagal ng may crush sakin kaya nagkaka ganyan. Tss.
Kasalana ko rin 'to. Pinagbigyan ko ang kabaliwan niya.
* Fast Forward >>>> *
Pucha ang traydor talaga ng Jack Daniels eh. Nahihilo na ako. Parang hinahanap na ng katawan ko yung higaan. Ramdam ko ang pagmamanhid ng pisngi ko at init sa katawan ko dulot ng iniinom namin.
BINABASA MO ANG
One True Love R18 (ON GOING)
RomanceMay mga tao talaga na akala natin ay para sa atin. Mga tao na sinanay natin ang ating mga sarili. Minsan nga, akala natin... SIYA na talaga. Yun pala, siya lang pala ang magiging tulay at daan para matuto tayo sa buhay at makilala ang totoong nakala...