**** SUPER BAWAL SA BATA. AS IN.
DANE'S POV
Bumaba na lang ako ulit ng maramdaman ko na wala naman balak si Ali na kausapin at kibuin ako. Alam ko na kung anu-ano ang tumatakbo sa isip niya. Alam ko rin na nagtatampo siya sa akin dahil hindi ako nakapag paalam na iinom ako.
Kitang kita ko ang pagkadismaya sa mukha niya ng makita niya ang baso ng beer na hawak ko. Mas lalong lumala yun ng makita niya si Lyla, na andito sa bahay namin para i-celebrate ang birthday niya.
Hindi ko naman alam na dito sila mag-iinom. Nagaya sila ng inuman, sabi ko hindi ako pwede dahil nagaalaga ako ng mga anak namin ni Ali. Akala okay na at nakapagdesisyon na lang na uminom somewhere else.
Nagulat na lang ako ng sabay-sabay silang dumating dito sa bahay. Dito na lang daw magiinom para makapag reunion na rin daw kaming magkaka-barkada. Hindi ko nga dinidikitan si Lyla. Si Blake ang katabi niya magdamag dahil ayokong makita kami ni Ali magkadikit.
Hindi ko na alam kung paano pa babalik ang tiwala ng asawa ko sa akin. Hindi ko na alam kung paano ko pa siya mapapaniwala na hinding hindi ko na siya lolokohin at sasaktan dahil ayokong mawala siya sa akin.
Mahal na mahal ko ng sobra si Ali. Hindi ko na nakikita yung bukas ko na wala siya sa buhay ko. Mahal na mahal ko sila ng mga anak ko. Ayokong mawala sila sa akin. Hindi ko kakayanin...
Kanina, hindi niya ako kinakausap. Alam ko sinasadya niyang sa dulo siya mahiga at igitna ang dalawang anak namin para hindi ko siya matabihan pag natulog ako.
Nasasaktan ako babe... alam ko iniisip mo na tinitiis kita o binabalewala kita. Hindi ganun yun babe. Kahit kailan hindi kita kayang tiisin.
Bagsak ang balikat kong naupo sa sofa. Napansin yun ng mga tropa ko.
"Pre, okay ka lang?" Tanong ni Hubert.
Nag peke ako ng ngiti bago sumagot. "Oo pre." Tsaka uminom ulit ng beer.
Pero ang totoo... gusto ko ng umiyak. Kakaiba ang mga tingin ni Ali sa akin kanina... walang laman. Walang emosyon. Blanko... nakakatakot ang mga tingin niya sa akin.
Hindi na ako nag enjoy simula nung bumaba ako ulit. Chat ako ng chat sa kanya pero hindi niya man lang ako sini-seen. Paulit ulit lang ang sinasabi ko, mahal ko siya.
Nagsalita si Xander. "Ate Ly, pasensya ka na sa Ate ko ha? Alamat ng masungit kasi yun e." Nahihiyang paumanhin ni Xander sa kaibigan namin.
Tumawa si Lyla. "It's fine. Okay lang sa akin. Don't worry, no hard feelings." at tsaka nginitian si Xander.
"Sana magkasundo kayo ng ate ko. Mabait naman yun... kaso hindi kayang pigilan yung sarili sa gustong sabihin. Wala siyang pakielam kung may matamaan sa sinasabi niya." Pahabol ni Xander.
"I can see that naman kasi mabait ka naman. Baka hindi niya lang talaga ako feel or hindi niya lang gusto na may babaeng kaibigan ang asawa niya kaya naiintindihan ko siya."
Bakit si Xander nakasundo agad si Lyla? Siya pa nga 'tong humihingi ng paumanhin sa ugali ng Ate niya. Hayyyy. Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari sa asawa ko.
Past 2:30 AM ng umuwi si Hubert at Howard. Si Jerson nagpaalam na rin kasabay na si Blake. Si Blake at Jerson na raw ang maghahatid kay Lyla.
Si Xander ganun din, sasabay na lang daw kina Kenzo at Brie.
Tumayo si Kenzo habang hawak ang kamay ni Brie tapos lumapit sa akin.
"Dane, may problema ba kayo ni Sandy?" Hindi ko inaasahan ang tanong niya. Napahinto si Xander sa paglalakad ng marinig ang tanong ni Kenzo.
BINABASA MO ANG
One True Love R18 (ON GOING)
Roman d'amourMay mga tao talaga na akala natin ay para sa atin. Mga tao na sinanay natin ang ating mga sarili. Minsan nga, akala natin... SIYA na talaga. Yun pala, siya lang pala ang magiging tulay at daan para matuto tayo sa buhay at makilala ang totoong nakala...