ALI'S POV
7 AM WEDNESDAY
7 AM talaga ako nagising para ayusin ang susuotin ni Dane. Today ang presentation nila para sa bagong account na sobrang pinaglaanan nila ng sobrang laking investments ni Kenzo.
Sana naman maging successful yun para matapos na ang problema ni Dane. Ang laki na rin kasi ng pera na inabono nila ni Kenzo dito, hindi naman kasi pwedeng iurong pa yun dahil nagsimula na. Masasayang ang lahat ng pinagpaguran nila.
Ako na ang pumili ng Suit na gagamitin ni Dane. I chose his Tom Ford suit for his meeting. Ang daming mamahalin suit nito ni Dane pero itong pinili ko ang sobrang bagay sa kanya. Ewan ko ba dito, kapag bumibili ng suit daan daan libo lagi ang presyo.
Pagtapos kong ayusin, bumaba na ako para magluto ng breakfast niya. I cooked boneless bangus for my husband and too many eggs para naman may gana siyang mag-work and hindi siya gutom. Mas makakapag isip daw kasi ng maayos ang isang tao kapag busog ito.
Saktong patapos na akong mag-sangag ng rice ng bumaba si Dane. Kukusot kusot pa ng mata. Lumapit ito sa akin. Hinapit ako sa bewang at tsaka hinalikan ako.
"Good morning my beautiful wife. I love you." Sambit niya pagtapos niya akong halikan. Wala talaga 'tong pinipiling lugar. Yung mga maid nila nandito lahat sa kusina. Nakaramdam ako ng hiya kaya hindi ako agad nakasagot.
"I said I love you, wife." Titig na titig si Dane sa mga mata ko.
Kingina... nakakatunaw. Napaka gwapo. Sobrang gwapo. Bakit naman ganito? Wala na atang mas ga-gwapo pa kay Dane sa paningin ko.
Hinaplos ko ang dibdib niya. Bababa kasi dito ng naka boxer lang e.
"I love you so much, Dane." He kissed me again. "Wait mo na ako dun, kumain ka na."
.
.
.
Habang kumakain, sinabi ni Dane na ihahatid niya muna ako sa bahay bago pumasok sa opisina.
"Ha? Bie, ang layo. Alabang pa tapos babalik ka ng Makati. Baka ma-late ka."
"Bie lagi ka na lang naka kontra sa gusto ko." Nakabusangot niyang sagot sa akin.
Dinikit ko ang upuan ko sa kanya at humilig sa braso niya. "Baby, wag kang magalit. Magpapahatid ako kay Brix. Promise..."
"Promise ha?" Paninigurado niya habang nanguya.
"Opo. Basta kumain ka lang ng mabuti at marami." I kissed him, may dumi pa sa gilid ng labi kaya pinunasan ko ito.
"Of course, ang sarap sarap kayang magluto ng asawa ko." Kumislot ang puso ko sa sinabi ni Dane.
"Thank you babe." Sabi ko habang naka lingkis pa rin sa braso niya.
Hindi ko nga alam kung nakakain pa siya ng maayos eh. Ayoko lang mawalay kay Dane. Mamimiss ko na naman siya. Hindi ko na ata kaya na wala siya sa tabi ko. Lalo na ngayon kasi na nahihirapan na ako sa pagbubuntis ko, kahit maliit lang ang tiyan ko ang hirap hirap kumilos. May times na sumasakit ang tiyan ko, hindi ko lang sinasabi sa kanya because I don't want him to worry.
Saktong pumasok si Brix sa kitchen. "Oh Brix. Halika, sabayan mo si Dane mag breakfast."
Umiling iling si Brix. Nahihiya ata. Kaya nagpakuha ako ng isa pang plato sa mga maid nila Dane. Ayun, wala siyang choice kung hindi kumain dahil pinagsandukan ko pa siya ng kanin at ulam.
"Hindi ka na lang kasi kumain. Napagod pa Ma'am Ali mo." Sita ni Dane sa kanya.
"Sorry sir." paumanhin ni Brix at parang nahiya ng kumain. Kulit ko kasi eh.
BINABASA MO ANG
One True Love R18 (ON GOING)
RomanceMay mga tao talaga na akala natin ay para sa atin. Mga tao na sinanay natin ang ating mga sarili. Minsan nga, akala natin... SIYA na talaga. Yun pala, siya lang pala ang magiging tulay at daan para matuto tayo sa buhay at makilala ang totoong nakala...