Chapter 21 -

58 1 1
                                    

DANE'S POV

Naiwan ako sa kwarto. Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko sa tuwing maiisip ko na magkasama sila ni Kenzo sa kwarto. Sumisikip ang dibdib ko sa isipin na iyon.

Nagtext ako kay Ken. If this the right thing to do... makikipagusap ako sa kanya. Lalake sa lalake.

SMS to Kenzo Lacsamana

Brad, are you free tonight? Inom tayo.

Wala pang ilang minuto nag reply siya.

From Kenzo Lacsamana

Yes. Sama daw si Sandy.

Tch. Ayaw lubayan?! Kailangan laging kasama?

SMS to Kenzo Lacsamana

Tayong dalawa lang sana.


Sa isang bar kami nagusap at naginom ni Ken. Umorder ako ng Whiskey, yun daw ang gusto niyang inumin. Hindi ko alam kung bakit gusto ko siyang makainuman pero... I just felt na kailangan ko ito.

"Oh? Anong atin?" Nakangiting bati niya ng dumating siya. Tinignan ko pa kung meron siyang kasunod. Bumagsak ang balikat ko ng wala akong nakita.

Natatawa siyang nagsalita. "Akala ko ba tayong dalawa lang? Bakit parang may hinahanap ka?" Pangaasar niya. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano na naman ginawa mo kay Sandy pre?" Nabigla ako sa pagiging seryoso niya. Ako agad ang may ginawa?

"Ha? Wala akong ginagawa sa kanya. Siya nga yung nananakit sa akin." Nagiwas ako ng tingin.

"Pumunta sa kwarto ko, iyak ng iyak. Ano na naman ginawa mo dun? Tss. Lagi mo na lang pinapaiyak." Punong puno siya ng sisi sa akin.

"Wala nga akong ginawa sa kanya!" Depensa ko. "Siya nga yung umalis... kinakausap ko pa siya... Hay..." buntong hininga ko.

"Hindi ko kayo maintindihan dalawa. Pareho niyo naman mahal ang isa't isa, di ko alam kung bakit pinapahirapan niyo pa ang mga sarili niyo."

"Exactly pre! Nadale mo. Ganyan din ang sinabi ko sa kanya." Asik ko. See? Pati si Kenzo ay pareho ng sentimyento ko!

"Look pare, kung alam mo lang kung gaano siya ka destructive noon nawala ka... you have to be patient with her.. Yes... 2 years na ang nakalipas pero sariwa at masakit pa rin sa kanya yun. I could have easily decline your offer para maging client namin at sa proposal mong business convention na ganito... pero hindi ko ginawa. Because I wanted Sandy to figure out to herself na ikaw ang mahal niya. Hindi ako tanga pare... alam ko na ikaw pa rin ang mahal ni Alissandra..."

"Bakit ka nagtiis? When you could've just make her fall in love again with you. Ikaw naman ang nauna sa atin dalawa." Tanong ko sa kanya.

"You're correct. I could've done that when you are gone. God knows how much I've tried to make her fall in love with me again. But that woman is really into you. I know from the start na wala akong mapapala sa kanya dahil ibang klase ang pagmamahal na meron siya para sayo but I chose to be by her side... dahil iyon ang kailangan niya nung mga panahon na tinalikuran mo siya."

Hindi ako makapagsalita sa tuloy tuloy niyang pagsasalita. I don't want to interrupt him. Pakiramdam ko ay napakasama kong tao. Bakit hindi ko man lang nakita yung klase ng pagmamahal na meron siya para sakin? Bakit nagpabulag ako sa pagmamahal ko sa kanya at nakalimutan ko na nasasaktan din sya?

"Ikaw ang mahal niya, and even if it means heartache to me. Okay lang. Makita ko lang siyang ulit masaya." Nangilid ang luha ni Ken at nagpatuloy. "Kung nadidiktahan lang ang puso Dane, matagal ko ng inutos kay Sandy na mahalin ako... ulit.

One True Love R18 (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon