Chapter 31

63 1 1
                                    

KENZO's POV


Mabilis kong binyahe ang daan papunta kila Dane. Halos mag beating the red light ako sa sobrang inip. Gusto kong malaman kung ano ang nangyari sa kanya. Kinuha ko ang phone ko sa glove box ko. 

Shit. Napakaraming missed call ni Dane. Nung tumatawag kasi siya sa akin ay sinalpak at iniwanan ko dito sa kotse ang cellphone ko. Halos pigain ko ng sobra ang silinyador para lang makarating ako agad agad sa bahay nila.

Hindi ko na nga maayos na-park ang sasakyan ko. Pumasok ako agad sa bahay nila. Nakita ko si Dane at Sandy na nakaupo sa sala. Mukhang kakarating lang din nila. May naririnig akong mga tao sa kanilang dining area pero wala na akong balak alamin kung sino ang mga nandoon.

Ang kaninang sasabog kong puso ay tila ba kumalma ng masilayan ko siyang muli... simula kasi ng umalis siya ay palaging sa malayo ko na lang siya tinatanaw at palaging pinagmamasdan ang kanyang litrato. Sandaling nangilid ang mga luha ko pero napigilan ko ang pagtulo ng mga ito ng lingunin niya ako.

"K-Ken???" Gulat na gulat niyang tanong na agad napalitan ng tuwa ng marealize niya na ako nga ito. Tumayo siya at tumakbo papunta sa akin. "KEN!!! AHHHH!" 

Mabilis akong kumilos para saluhin si Sandy dahil akmang napaluhod ito at napahawak sa dibdib niya.

Tumawa siya pero hindi ko ito pinansin. Sobra akong nagaalala sa kanya. 

 "Anong nangyari sayo?" Tanong ko dito. 

Yakap ang naging sagot niya sa akin. Mahigpit na yakap! "Gago ka! Miss na miss kita!!!" Natatawa niyang usal. Tss.

Niyakap ko rin siya pabalik. Miss na miss rin kita babae. Gusto kong sabihin pero hindi ko magawa. Inayos ko ang sarili ko ng makita ko si Dane na kunot na kunot ang noo at paniguradong selos na selos na sa amin ngayon. Bagay, na iniiwasan ko...

"Bakit ngayon ka lang nagpakita?" Malungkot niyang tanong sa akin. 

Walang malisya sa kanya yan, ginagawa niya yan dahil kaibigan ang tingin niya sa akin... pero sa akin, meron. Yun ang masakit na katotohanan sa buhay ko. Ako na lang ang nagmamahal sa amin dalawa, dahil siya... mahal na mahal niya ang lalakeng nasa likuran niya ngayon. Dalawang taong nagmamahalan... kaya sino ba naman ako para guluhin ang buhay niya? Hindi ko kakayanin na maging dahilan ako para mawala ang mga ngiting yan. 

"Syempre busy ako sa company! Sitting pretty kasi yang asawa mo!" Biro ko kay Dane.

"Siraulo! Nagkasunod sunod lang problema." Depensa ni Dane. 

Nakayakap pa rin si Sandy sa akin. Ang kamay ay nakapulupot sa bewang ko habang ang mukha ay nakatingala sa akin... hindi yun nagustuhan ni Dane kaya pasimple niyang hinatak si Sandy sa akin. Sa sobrang simple ay hindi yun napansin ni Sandy.

"She haven't eaten yet. Mama Mae!!!" Sigaw nito. Lumabas ang Mama ni Sandy sa dining area nila Dane... kasunod ang Daddy ni Sandy.

"KENZO!" Masayang sigaw ni Tita Mae. "Naku, anak! Miss na miss na kita. Hinahanap ka rin ni Xander at Xia sa akin." Bumeso ako kay Tita at nag-bless kay Mr. Icasiano. "Bless you!" Tugon niya sa pag-bless ko sa kanya. 

"Nasaan po pala si Xia?" Pansin ko kasi ay walang maingay dito. Napaka kulit kasi ng batang yun. 

"Naiwan muna sa kuya niya. Siya muna ang magbabantay. Ako muna dito kay Sandy hanggang sa maging okay siya." Malungkot niyang paliwanag pero agad din naman siyang bumawi ng ngiti.

Batid ko na nahihirapan siya, ang isang anak ay nakaratay sa ospital habang ang isa naman ay may dinaramdam. 

"Salamat sa mga tulong mo anak ha?" Niyakap ako ni Tita Mae. "Hindi mo pinapabayaan ang mga anak ko. Hindi mo iniwan simula noon, hanggang ngayon." 

One True Love R18 (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon