Chapter 11

65 2 0
                                    

***SPG ALERT: BAWAL SA BATA WAG MAKULIT

Ali's POV

Naguumusok ang ilong ni Dane sa galit. Nasa likod niya ako. Nakapulupot ang mga kamay ko sa braso niya, pinipigilan siya sa pag sugod kay Ken.

Tsk! Bakit ba naman kasi hindi ko naisip na mangyayari 'to eh.

"What the fucking fuck are you talking about?! Naguusap pa kami ni Sandy! Wag ka ngang umepal diyan!!!" galit na rin si Kenzo.

Lumapit siya at tinulak si Dane dahilan para mahatak niya ako, hinatak naman ako pabalik ni Dane sa kanya. 

Aray ha! Nasasaktan ako. Wag niyo akong hila-hilahin. Kingina!

"What am I talking about? Off limits na 'tong si Alissandra Kenzo! Tigilan mo na yang mga the moves mong bulok!" sarcastic na sabi ni Dane. Ramdam na ramdam ko ang galit niya. Hindi ko alam kung saan nanggagaling. 

Pinapatigil ko talaga si Dane eh. Hinihimas himas ko yung braso niya pero sinamaan niya lang ako ng tingin. Ano nanaman ba! Tss. Dadaanin na naman ako nito sa galit galitan niyang effect e.

"Kapal naman ng mukha mo! Sino ka para limitahan si Sandy ha?" maangas na tanong ni Kenzo. 

Ang kaninang paiyak iyak na si Kenzo, ay tila naging leon na galit na galit na rin. Ipinagdarasal ko talaga na h'wag silang magpangabot dahil hindi ko kakayanin na awatin silang dalawa.

"Dane please, wag dito. Magusap usap tayo ng maayos." feeling ko maiiyak na ako eh. Ayokong may nagaaway. Kinakabahan talaga ako.

Nag smirk naman si Dane. Kumalas siya sa pagkakahawak ko at lumapit kay Ken. Sumunod ako dahil baka mamaya ay sapakin niya ito.

Sobrang lapit ng mga pagmumukha nila. Konting maling kilos, maghahalikan na sila eh.

Omooo! Type siguro nila ang isa't isa?!

"Sino ako? Ha? Gusto mong malaman? Baka magpakamatay ka pag nalaman mo!" maangas na tanong ni Dane.

Shit Dane... Wag muna ngayon. Ayokong mas masaktan si Ken. Ayoko talaga, dahil self destructing siya. Alam ko na hindi niya kakayanin.

"Dane... Halika na kasi. Umalis na tayo." halos mag makaawa ako kay Dane.

"Bakit Ali?! Ayaw mong masaktan to? Bakit kasi mahal mo pa? And what did you say?! Hindi mo rin kayang mawala siya? So ano ako?!!!" napahilamos siya sa kanyang mukha. Umatras sandali tsaka bumalik sa akin. "PAANO AKO!?"

"Dane please..." pakiusap para tumigil na siya.

"Ano nga ba siya sayo Sandy?" Sobrang lungkot ng boses ni Ken.

Hindi ako makasalita. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sakanya. Ayaw na ayaw ko ang nasasaktan siya pero anong magagawa ko? Tanging pagkakaibigan na lang ang kaya kong ibigay sa kanya. Bakit kasi ngayon lang Kenzo? Bakiti kung kailan meron ng ready na magmahal sa akin? Bakit ngayon lang!!!! 

Hindi na ako pinasagot ni Dane. Hinaltak niya ako palayo sa lugar niya yun. Ramdam ko pa rin ang galit niya pero hindi ko siya masisisi. Nilingon ko si Kenzo, bagsak ang balikat niyang napasandal sa pader, pinagmamasdan kami habang unti unting lumalayo sa kanya.

Hindi ko mapigilan ang takot ko dahil kitang kita ko at damang dama ang galit ni Dane. Nakita niya kasi na magkayakap ni Ken, at narinig niya ang mga sinabi ko. Sasabihin ko sana kay Kenzo na bilang kaibigan, hindi ko rin siya kayang mawala. Na kung ano man ang natitira pa sa amin ay tanging pagkakaibigan na lang. 

Eh kaso papansin 'tong isa. Nakalimutan ko kasi na pinaglihi siya sa kabute na basta basta na lang susulpot ng di inaasahan.

"Sakay" walang emosyon niyang utos ng tumunog ang alarm ng kotse niya, kahit na galit ay pinagbuksan pa rin ako ng pinto pero malakas niyang sinarado yun.

One True Love R18 (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon