Chapter 45

36 0 0
                                    

DANE'S POV

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa ng marinig ko ang sinabi ni Ali.

"Tama na please..." pagmamakaawa niya kay Chino.

"Tama na... ibibigay ko na ang gusto mo. Itigil mo lang... pipirma na ako. Pipirmahan ko na." hindi ako makapaniwala sa naririnig ko.

Wag kang panghinaan ng loob, babe. Kaya ko 'to. Gusto kong sumigaw... gusto kong sigawan si Alissandra sa sinasabi niya. Wag kang bibitaw dahil sayo na lang ako nakakapit. Kaya kong harapin ang lahat ng ito, pero hindi ang iwanan mo.

Tangina... wag kang magpa blackmail diyan! Hindi ako kayang patayin niyan. Sa sobrang duwag ng letseng yan, baka matae pa yan sa shorts pag binugbog ko yan.

Binitawan ako ng mga asungot nito ni Chino kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na gumapang at makalapit kay Ali. Nakaupo siya ngayon sa isang kahoy na upuan. Pinilit kong makalapit sa kanya kahit hirap na hirap ako.

Kinangina nito nila Kenzo kasi... asan na ba 'tong mga letseng 'to? Ang tagal nilang dumating... para hindi na makapirma 'tong asawa ko sa kung ano man ang kalokohan nila Chino at Alyce. Bilib din ako sa kakapalan ng mga mukha ng mga 'to. Akalain mong meron ng naka-ready na Annulment papes? Pirma na lang ni Ali ang kailangan. Hindi ko alam kung paano nila napa-expedite yan ng ganun ganun lang.

Lumuhod ako para makapatong ako sa mga hita ni Ali. Pinatanggal ni Chino ang mga tali niya sa kamay. Sunod sunod ang naging pag patak ng luha niya.

"Dane..." iyak lang siya ng iyak. Takot na takot and I hate myself dahil wala akong magawa para sa kanya.

"Stop crying..." bulong ko sa kanya. "Please don't sign it. I'd rather die than lose you."

Lalo lang siyang umiyak. "Dane, hindi ka nila titigilan. Ayokong mamatay ka. Ayoko."

"Dane mahal na mahal kita. Please, iuwi mo na ako." Hinawakan niya ang pisngi ko ng dalawang kamay niya.

"Takot na takot na ako. Yung baby natin, Dane... ang sakit na sobra, Dane." halos pabulong niyang sabi, iniiwasan na marinig kami nila Chino.

Sobra sobra na akong nagalala... nagtatakha nga ako kung paano ko pa kinakayang makapag-isip ng maayos sa sobrang pagaalala ko sa kanya at sa baby namin. I told her to be strong, kailangan niyang maging matatag this time. Para sa amin, para sa kanila ng baby namin.

Abot abot langit ang dasal ko na sana wag siyang atakahin...

"Don't sign it. I will risk my life, mailabas lang kita dito. Iuuwi kita. Hindi mo yan kailangan pirmahan... you have to trust me." pilit kong pinapalakas ang loob niya.

Kailangan kong ipakita sa kanya na kaya ko, dahil pag inisip niya ang kapakanan ko. I know that she will sign it. Gagawin niya yan kahit ayaw niya wag lang akong masaktan.

"Dane, kanina narinig ko sila. May yateng nagaabang na sa amin sa Port. Ayokong sumama kay Chino. Please baby... ayoko." Humahagulgol na siya sa sobrang takot. "Ayokong malayo sayo."

Gusto ko siyang yakapin kaso masyadong masakit ang dibdib ko sa pagsipang ginawa sa akin ng mga tarantado. I was about to speak again when Chino shouted...

"Sandy ano? Pipirmahan mo ba yan o puputokan ko na si Dane para matigil na yang drama niyo!"

Inilabas ni Chino ang baril niya at tsaka ikinasa. Kahit tatlong metro ang layo niya ay sa akin nakatutok ang baril nito.

"Wag. Please... naguusap lang kami. Pipirma ako."

She is already shaking. Iniabot ng tauhan ni Chino ang ballpen kay Ali. Sobra sobra ang pagmamakaawa ko na wag niyang pirmahan iyon. Hindi yun kailangan dahil naka plano na ang lahat ng ito bago pa kami pumunta nila Kenzo at Blake dito.

One True Love R18 (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon