ALI'S POV
Dalawang linggo na kaming nandito sa Ospital. Magaling na ako at stable na rin ang baby ko. Yun nga lang, bawal talaga akong ma-stress ulit dahil pwede ulit magka bradycardia si baby or low heart rate. Pag nangyari yun, baka magkaron ako ng early pregnancy. Hindi pa yun pwede dahil hindi pa kakayanin ng baby ko kung iti-terminate ang pregnancy ko ng ganito kaaga.
Hindi pa siya fully developed at mahihirapan siyang maka survive pag nagkataon. Kahit sabihin pa nila na kumpleto ang ospital na 'to. Ayokong i-risk. Nadala na ako nung maaga akong nanganak kay Haven.
Pagagalitan din ako ni Dane kapag nalaman niyang nagpabaya ako. Kaya kahit sobrang hirap sa akin na makita si Dane sa ganitong sitwasyon, tinitibayan ko ang loob ko. Nilalakasan ko ang loob ko. Para sakanila ni Baby. Para sa kanila nila Blaze.
Palagi kong kinakausap si Dane kahit na hindi siya sumasagot. Sabi kasi ng Doctor niya, naririnig naman daw niya ako. Hindi lang talaga maka respond sa akin si Dane dahil nasa state of comatose siya.
Miss na miss ko na ang boses mo.
Palaging masasaya at magagandang nangyari lang ang kinukuwento ko sa kanya pero minsan, hindi ko maiwasan ang hindi umiyak. Hindi ko maiwasan na sabihin sa kanya lahat ang nararamdaman ko. Lalo na sa tuwing nalulungkot ako, naiinis, nagagalit. Lahat iniiyak ko kay Dane.
Humingi na rin ako ng clearance sa mga doctor lalo na sa Pedia ni Blaze para maka-dalaw siya sa Daddy niya. Feeling ko kailangan ni Dane na marinig ang boses ni Blaze para magising na siya. Sana magising ka pag narinig mo si Blaze.
Pero kabaligtaran non ang nararamdaman ko. Natatakot ako na baka si Blaze na lang ang inaantay niya T_T
"Baby..." masaya kong tawag sa kanya habang hinihimas himas ang noo niya.
Next week tatanggalin na ang benda niya sa ulo. Nag light na rin ang mga pasa niya sa mukha, particularly yung mga pasa niya sa right eye niya at sa gitna ng ilong niya. Chineck ko pa ang ilong niya ng makita ko siya, ang ilong at mga mata ni Dane ang pinaka magandang parte ng mukha niya. Kaya nagaalala ako ng makita kong basag yun. Buti na lang, hindi nasira ang ilong niya. Nagkaron lang ito ng cut.
Maya maya, may pumasok sa kwarto.
Si Brix. "Ma'am Ali, eto na po yung lunch niyo."
Kahit labag sa loob ko, kumain ako na parang ini-enjoy ko ang kinakain kahit na ang totoo, naiiyak ako. Sa ganitong oras, kasabay ko si Dane mag lunch. Susubuan ko siya, minsan naman ako. Masakit sa akin na ang pagkain niya ay kailangan dumaan sa NGT tube.
Hayaan mo baby, pag gising mo. Iluluto ko lahat ng paborito mong pagkain.
Nahirapan akong lumunok dahil sa mga luhang pinipigilan kong pumatak. Napalingon ako ng marinig ko si Brix, akala ko kasi umalis na siya.
"Ma'am... tatagan mo loob mo. Kaya po ni Sir Dane yan. Hindi po yan papayag na maging mag-isa ka kaya alam ko po na lalaban yan." Kahit tumatawa, ramdam ko ang sobrang pagaalala ni Brix at ang sinseridad sa sinasabi niya.
Tumayo ako at niyakap si Brix. "Thank you, Brix. Thank you kasi hindi mo pinabayaan si Sir mo. Palaging kang nandiyan para sa kanya. Ikaw na halos gumagawa ng mga trabaho niya."
"Malaki po ang naitulong ni Sir sa pamilya ko. Siya po ang dahilan kung bakit gumaling sa Cancer ang nanay ko. Kaya kulang pa po itong kabayaran sa lahat ng naitulong ni Sir sa akin at sa pamilya ko. Wag po kayong magalala, kahit kailan po... hindi po papasok sa isip ko ang lokohin si Sir Dane lalo na po pagdating sa pera."
"Wag ka magalala Brix, kahit kailan, hindi kita pagiisipan ng ganyan. Salamat ha?"
"Wala yun ma'am." Nagpahid si Brix ng luha niya. "Kahit palaging masungit yan, hindi naman ako itinuring na iba niyan. Niyakap niya ako sa pamilya niya kaya masakit din sa akin na makita si Sir na ganyan. Sungitan na lang niya ako at pagalitan buong araw kesa naman ganyan siya mam."
BINABASA MO ANG
One True Love R18 (ON GOING)
Roman d'amourMay mga tao talaga na akala natin ay para sa atin. Mga tao na sinanay natin ang ating mga sarili. Minsan nga, akala natin... SIYA na talaga. Yun pala, siya lang pala ang magiging tulay at daan para matuto tayo sa buhay at makilala ang totoong nakala...