ALI'S POV
SUNDAY
Ang weekend ko ay naging pagtatalo lang namin ni Dane. Talagang ayaw niya akong payagan bumalik sa trabaho. If I know, nagiisip lang siya ng kung ano ano. Lakas ng tinama sa ulo. Daig pa buang. Selos ng selos, wala naman dapat pagselosan. Palaging masungit, pero tuwang tuwa naman kapag sinusuyo ko.
Kung alam niya lang, siya lang ang gwapo sa paningin ko. Hehehe. Pero kung si Joong-Ki ang kaharap ko, aba... talagang pagtataksilan ko siya ng bukal sa loob ko. HAHAHAHA
Dito magla-lunch ang family ko. Kasama na si Xander at Xia hehe. Ngayon pa lang sila makakapunta kina Dane.
Ayaw nga sumama ni Xander. Naaalala niya kasi nung pinaalis kami ng mga guards dito. Haha. Galit siya sa mga guards pa rin, pero sabi niya ay okay naman na daw siya sa Parents ni Dane. Gusto lang daw niya sapokin yung mga guards na nagtaboy sa amin noon. Buti na lang napaki-usapan ko na kumalma na. Akala mo ang tapang, eh mukha nga siyang Panda. Hahaha.
10 AM.
Nagtext ang Mama.SMS from Mama: Papunta na kami anak. Ang tagal kasi ng mga kapatid mo.
Isinilid ko ulit sa bulsa ko ang cellphone ko pagkabasa ng text ni Mama. Kahit text ay parang naririnig ko ang inis niyang tono. Haha.
Si Dane, nagtatampo pa rin sa akin. Hindi na raw ako nakikinig sa kanya pero pag ako daw ang nagsabi agad agad ay sinusunod niya. Paano ko naman ba kasi tatanggihan eh daddy ko ang nakisuyo? Hindi naman tama na ikulong niya lang ako dito sa kanila.
Kasalukuyan siyang nasa sala. Si Blaze naman ay nakay Daddy Franco. Si Mommy kasi ay abala sa tanghalian namin. Nilabas niya ang mga kubyertos niya na mamahalin. Hindi daw kasi pwede na basta basta lunch lang dahil family gathering daw ito. Tss.
Pumunta ako sa sala. Kung saan nakaupo si Dane habang nagsi-cellphone. Bukas ang centralized aircon nila ngayon dahil si Blaze ay nagwawala dahil sa init. Hay bata. Hindi na sanay na walang aircon.
Malapit na siya mag 1 month. Sobrang saya ng puso ko. Sabi ni Mommy Gina, siya na raw ang bahalang magasikaso.
"Babe." Tawag ko sa kanya pero hindi ako pinansin. Patuloy lang sa pag swipe swipe ng phone niya habang may nakasubong lollipop. Tss.
Dinudungaw ko kung ano ginagawa niya.
"Ano yan ha?" Paguusisa ko.
Nilalayo niya kasi yung phone niya sa akin.
Salubong ang kilay niya ng tinignan niya ako.
"Oh!" Hinarap niya yung phone niya. Sumimangot ako.
Mga gamit ng baby ang tinitignan niya.
"Akala mo na naman nambababae ako." Nakanguso niyang sabi. "Bumibili ako ng mga laruan ni Blaze." Paliwanag niya kahit hindi ko naman tinatanong. Defensive much ha.
Bumulong ako. "Tss. Eh paano babaero ka naman talaga" pero narinig niya.
Nag smirk siya. Nagsisimula na naman siyang mag sungit. Bahala siya diyan. Padabog akong tumayo at naglakad paakyat ng kwarto. Pa ismid ismid pa. Bahala siya kung ayaw niya akong pansinin edi hindi ko rin siya kakausapin. Abnormal!
Humiga ako sa kama. Nalulungkot ako. Kasi ngayon lang nangyari na si Dane naman ang nagtatampo sa akin. Hindi ko napansin na pumasok at sumunod si Dane sa akin sa dami ng iniisip ko.
Tumalikod ako sa kanya at humarap na lang sa veranda. Naramdaman ko na umupo siya sa kama. Hinawakan niya ang braso ko.
"Are you mad at me, wife?" Malungkot niyang tanong. Ako pa talaga ang tinatanong kung ako ba ang galit.
BINABASA MO ANG
One True Love R18 (ON GOING)
RomanceMay mga tao talaga na akala natin ay para sa atin. Mga tao na sinanay natin ang ating mga sarili. Minsan nga, akala natin... SIYA na talaga. Yun pala, siya lang pala ang magiging tulay at daan para matuto tayo sa buhay at makilala ang totoong nakala...