DANE'S POV
Hapon din ng nakaalis kami sa bahay. Kinakabahan ako sa mga tingin niya sa akin kanina. Parang anytime ay susugudin si Alyce. Hindi ko rin kasi maintindihan kung bakit nandoon siya.
Kanina, napansin ko ang pag ngiti ni Ali sa tuwing lalapit si Jake sa baby namin, sinasabi nilang anak ko yun pero kahit ano ay wala akong maramdaman na kahit anong lukso ng dugo. Wala akong maramdaman na kahit ano dahil nakilala ko siya bilang pamangkin, hindi bilang anak.
Nagda-drive ako ngayon papunta sa ospital. Dadalaw kasi kami kay Xander.
Nasa harap si Babe buhat ang baby namin kaya sobrang ingat ko magmaneho.
Napalunok ako sa biglang tanong ni Ali. "Pinangakuan pala ha." Madiin ang pagbigkas niya sa bawat salita.
"Babe..." tawag ko sa kanya pero hindi siya kumikibo. Saglit ko siyang nilingon bago ibinalik sa daan ang paningin ko.
Hinawakan ko ang kamay niya. "By..." nagsusumamo kong tawag sa kanya.
Kahit hindi niya sabihin sa akin ay alam kong nagseselos pa rin siya kay Alyce.
"Babe naman... don't tell me pagaawayan natin yun?" I asked while my eyes are still on the road.
"Sige nga Dane." Seryoso niyang sambit. "Ilan kaya kaming pinangakuan mo ng kasal?" She smirked. "Sa sobrang daming babae na dumaan sayo... hindi mo matandaan kung sino sino kami noh?" Pang-aasar niya sa akin.
"Babe naman. Wag mo naman pinaparinig kay baby yang mga ganyan." Natatakot ako sa kanya. Kakaiba na naman siyang tumingin.
"Bakit? Nahihiya ka sa anak mo? Ayaw mong malaman niya na sobrang babaero ng tatay niya?" Inis ko siyang nilingon. Hindi ako makapaniwala sa inaasal niya.
"Babe! That was because you left me!" Sumbat ko sa kanya. Bumabagsak ang balikat ko sa trip nito ni Alissandra.
Tumawa siya. "Wow!" Hindi makapaniwalang usal niya habang umiirap sa ere.
"Look at what you're daddy is doing. Isinisisi kay Mama ang kagag---" hindi ko na siya pinatuloy. Don't tell me magmumura siya sa harap ng anak namin.
"Wife!" Sinamaan niya ako ng tingin.
"Please... tama na." Hindi niya napansin na naka park na kami sa parking lot ng hospital.
"Sobrang mahal kita babe. Wag mo na akong awayin. Please? Mahal na mahal kita." Hinalikan niya ako at tsaka tumungo.
Nakita ko ang pagbagsak ng luha niya pero pilit nililibang ang sarili habang hinahaplos ang mukha ng anak namin. Nasa anak lang namin nakatuon ang kanyang paningin.
"Babe..." tawag ko sa kanya. Suminghot siya.
Umurong ako ng bahagya at inakbayan siya. "Why are you crying?" Alala kong tanong sa kanya.
"Wala Dane... nagseselos lang ako." Ngumiti ako pero hindi ko pinakita sa kanya. Baka lalong magalit. Hehe.
"Wag ka ng magselos baby. Please? I love you." Pakiusap ko na para bang madaling gawin... na kahit nga ako ay hindi ko magawang hindi magselos sa tuwing maiisip ko na magmamahal siya ng iba.
Tinignan niya ako at tsaka ngumiti.
"Sorry by!" She kissed me on the lips.
================================
Magkahawak ang mga kamay namin na naglalakad papunta sa room ni Xander. Nai-alis na siya sa ICU. Kapag tinitignan ko si Ali ay napapanatag ako, pakiramdam ko hawak ko ang buong mundo.
BINABASA MO ANG
One True Love R18 (ON GOING)
RomanceMay mga tao talaga na akala natin ay para sa atin. Mga tao na sinanay natin ang ating mga sarili. Minsan nga, akala natin... SIYA na talaga. Yun pala, siya lang pala ang magiging tulay at daan para matuto tayo sa buhay at makilala ang totoong nakala...