DANE'S POVNakabalik na si Ali galing sa Site. Syempre, hinatid ng epal dito sa Villa. Pinatuloy pa nga niya at pinainom ng kape. Init init kape... tss. Etong letseng 'to, humahanap din talaga ng paraan para makasama si Ali. Hindi man lang tinanggihan ang alok nito. Game na game na sumama akala naman niya welcome siya samin.
Hindi ko kinikibo si Ali dahil ayokong makapag salita ng hindi maganda tapos ang ending, mag-aaway na naman kami. Tinitiis ko na lang yung sakit at selos na nararamdaman ko. Para akong sinasaksak sa dibdib... Damn this ka-praningan of mine. Hindi ko ma-control. Pakiramdam ko talaga, masisiraan ako ng bait at mawawala ako sa sarili if I found out na meron ng karelasyon si Ali ng iba. Just like when I thought na She and Lukas got married, nawala ako sa sarili at nawalan na ng ganang mabuhay. Si Blaze at Breeze ang naging source of strength ko. Sa kanila rin ako kumukuha ng pag-asa na magkaayos kami ng Mama nila. Without them, hindi ko alam kung makikita ko pa si Ali. I was thinking, what if kung wala kaming anak? Makikita ko pa kaya ulit siya? Makakasama ko pa kaya ulit siya gaya ng ngayon?
Masakit man isipin... pero alam ko naman na pinagbibigyan
"Gusto mo pa?" Natigil ang mga iniisip ko ng magsalita si Ali. Nilingon ko sila ni Rosales.
"No na. Thank you." Sagot nito tsaka inayos ang buhok ni Alissandra. I splashed the water so hard para mabasa sila. Sinamaan ako ng tingin ni Ali. Kinangina niyo, lunurin ko pa ngayon dito eh.
Sa gwapo kong 'to, nagseselos ako sa mukhang bakla na yan. As much as possible, nasa mga anak ko ang atensyon ko. Nasa Kiddie Pool silang dalawa, si Blaze abot naman niya pero si Breeze inaalalayan ng Yaya niya. Sa sobrang spoiled ng mga anak ko, puro bola at toy ducks ang kiddie pool. Binili ng mga kaibigan ko para hindi sila maboring.
"Blaze, do you want Ninong to buy you a clown?" Pagyayabang ni Jerson sa anak ko. Isa na rin sa paraan nila para malibang ako dahil nakikita nila ang naka-busangot kong mukha.
"No Ninong, I want you to tell Mama and Daddy to give me a baby brother!" Sigaw ni Blaze pabalik.
Nagtawanan kaming lahat. "Oh ano Son? Yun ang request, ano? Bigay mo." Pangaalaska ni Kenzo dito.
"Anak... hindi naman kaya ni Ninong yun." kumakamot pa sa ulo na sagot ni Jerson sa anak ko.
"Tell Mama na... I want a baby brother katsiii!"
"Do you know how they will make a baby?" Natatawang tanong ni Jerson sa anak ko. Napatayo ako para pigilan si Jerson pero bago ko pa man magawa yun. Nagtatatalon na si Blaze habang sumasagot ng Yes.
"Yes yes yes! Daddy should kiss Mama and Mama should lose her breath!!!!"
Napapikit ako sa narinig ko. Kingina sana hindi pa kami nahuhuli ni Blaze!!! Yung halakhak ni Jerson, parang lalabas na ang lalamunan sa sobrang tawa. Halos lahat tawang tawa sa anak ko. Kinangina... ano bang sinasabi nito ni Blaze!
"Blaze!" Sita ko rito.
"Oh oh, wag mong pagalitan pre. Hahaha. Kasalanan niyo yan HAHAHA." Pigil agad sa akin ni Kenzo. Si Blaze tinatakpan pa ang bibig niya habang tumatawa. Buti na lang sobrang cute nito ni Blaze.
"Wag niyo kasi pinapakita sa inaanak ko, wahahaha!" Hindi titigil 'tong Jerson na 'to. Hanggat may ipang aasar, mang aasar yan.
Nasa kalagitnaan kami ng pagkukulitan ng bumalik si Jeice, Xia at Sienna. Okay na kaya si Sienna at Jeice? Haha. Kasi si Xia at Jeice, okay na eh. Sana okay na para masundan pa yung mga ganitong get together namin.
"Kuya, okay na yung mga banana boat and other water activities." Sabi ni Jeice sa akin.
Everyone cheered when they heard it and got excited. Sakto, nandito si Ali kaya tinawag at pinaahon na niya sila Blaze. Yun nga lang, kasama niya si Rosales. Punong puno na naman ng selos ang dibdib ko pero wala akong magawa.
BINABASA MO ANG
One True Love R18 (ON GOING)
RomanceMay mga tao talaga na akala natin ay para sa atin. Mga tao na sinanay natin ang ating mga sarili. Minsan nga, akala natin... SIYA na talaga. Yun pala, siya lang pala ang magiging tulay at daan para matuto tayo sa buhay at makilala ang totoong nakala...