Chapter 26: NOT YET

51 1 0
                                    

DANE'S POV

It's been 7 months since we moved to the US. 9 months na ngayon ang tiyan ni Ali and pwede na siya manganak anytime this week. Ako na yata ang pinaka excited na tatay sa buong mundo. Sa ngayon ay puro picture ni Baby Haven ang naka display sa room namin pero sa susunod dalawa na sila ng bunso namin. 

Napakasaya... mas masaya sana kung pati si Haven ay andito.

Ali is on her 39 weeks so pwedeng pwede na siyang mag deliver anytime. Sabi niya gusto niya raw mag normal delivery para daw ma experience niya. Tulog daw kasi siya at under anesthetics siya nung nanganak siya kay Haven. 

"Babe!"

Nothing has changed. She is still beautiful. In Spite of the fact na napakalaki ng tiyan niya.

"Jacob Dane ano ba!!!" Pati ang pagiging mainipin at mainitin ang ulo ay hindi pa rin nagbabago.

"Eto na mahal." Dala dala ko ang all time favorite na Sinigang na Manok ni Ali. Kailangan sa isang araw ay may ganyan akong luto with bagoong or else...

Napakasaya sa pakiramdam na makita si Ali na kain lang ng kain. Hindi siya nako-conscious na sa magiging resulta ng post-birth body niya. She just wants the baby to be healthy dahil ayaw na niyang maulit ang nangyari noon. May part din kasi siyang sinisisi niya ang sarili niya.

Nagtanong ako sa kanya. "A-ano naging sakit niya?" Nagulat din ako sa tanong ko kaya binawi ko na agad. "Okay lang kung hindi ka pa rin komportableng pagusapan." 

"Hindi okay lang. Ilang buwan mo na rin akong kinukulit diyan." Seryoso niyang sambit. Nagsimula siya magkwento.

"Napakasaya ko noong nasilayan ko si Haven. Nakalimutan ko ang lahat ng sakit. Kaso nung nag 1 month siya... napansin ni Mama na nangingitim siya tuwing iiyak kaya pina check up agad namin Ken..." 

Si Ken? So si Ken ang katuwang niya sa naging anak namin.

"We found out na meron siyang heart problem... kaso masyado siyang baby pa kaya hindi nagamot agad. Operation kasi ang kailangan. Inaantay namin mag 7 years old siya kaso... wala e." she sighed. Nagpipigil ng emosyon.  "Hindi na siya umabot don. Naospital siya nung 5 months siya kasi nahirapan siya huminga... nagkaron na rin siya ng pneumonia at meningitis. Masyado na siyang hirap na hirap... ayoko sana siyang isuko pero..." Hindi ko na pinatapos si Ali kasi nagsisimula na siya maging emosyonal. Namamasa na ang mga mata.

Hindi niya nga masabi ng maayos yung kinukwento niya. Hinawakan ko ang kamay niya at parang naramdaman niya naman na sapat na ang mga nasabi niya... para maintindihan ko kung gaano ako katarantado at kagago para iwanan siya non.. 

Sana pala hindi ko na lang tinanong, dahil hindi ko alam kung anong emosyon ang mararamdaman ko matapos malaman lahat ng hirap na pinagdaanan nila ng dahil sa akin.

"What are your plans?" She asked out of the blue. Plans for what? For them? I already told her my plans.

Kung matatanong niyo, I lost contacts to my family since that day. Ni ha ni ho wala. Ni hindi nila alam kung nasaan ako. Malungkot syempre I miss my mom pero hindi ko matatanggap na mawawala ang magina ko ng dahil sa kanila. So bago pa lumala, I distanced myself from them. I don't want to burn bridges but for the sake of my wife and baby- I am more than willing to do this.

"Hey Babe!!! You're spacing out!" Kinakaway kaway pa ni Ali ang kamay niya sa mukha ko. I smiled.

"So what are your plans after I give birth!!!" Ramdam ko na sa tono niya ang inis. Hahaha. Ang cute.

"Plans? Wala. We will stay here." Tinuloy ko ang pagkain ko pero nakita ko sa peripheral vision ko na sumimangot.

"Hindi tayo babalik ng Pilipinas?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.

One True Love R18 (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon