Chapter 60: Yes or No?

53 3 7
                                    


Xander's POV

Mabilis akong lumabas ng kwarto nila Ate. Kinakabahan ako. Bumabaliktad ang sikmura ko. Tngina... maraming tumatakbo sa isip ko. Akin ba yun? Baby ko ba yun? Naiisip ko na hindi pero mas kilala ko si Jeice. Alam ko na hindi siya ganung klaseng babae.

Ilang beses akong kumatok sa kwarto niya. Hindi ko alam kung alam ba niya na andito ako dahil ang tagal niyang magbukas ng pinto.

"Jeice... love." naiiyak ako sa paraan ng pagtawag ko sa kanya. Ngayon lang talaga ako nagmahal ng ganito. Ngayon lang ako pumasok sa relasyon kaya hindi ko alam kung paano ihahandle at ano ang gagawin sa mga ganitong problema.

Nakahinga ako ng maluwag ng bumukas ang pinto. Nakita ko siyang naglalakad pabalik sa kama niya.. sandaling huminto at humarap sa akin.

"Xander... hindi mo kailangan ma guilty sa mga sinabi ng ate mo. Sorry... nakuwento ko lang kay Kuya at Ate Ali yung nangyari." She tried her best to smile.

Hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko. Sinugod ko si Jeice ng yakap. Namayani sa puso ko ang sobrang pagmamahal... at awa dahil sa lahat ng ginawa ko sa kanya.

"I'm sorry."

Jeice is not talking but is crying... so hard. She's bawling. Kinalma ko ang sarili ko because I still have to think correctly.

"I-ilang months na?" Nauutal ko pang tanong dahil sa kaba na nararamdaman ko.

"As per the doctor, one month and two weeks."

Parang ako yung naduwal sa sinabi ni Jeice.

FLASHBACK

"Ano? Iinom ba tayo mamaya?" Tanong ko kina Gelo at Ryu.

"Kakainom lang natin nung isang araw eh!" Kontra ni Ryu sa akin.

"Problema ba yun? Edi uminom ulit." sabi ko habang kumuha ng panibagong Cognac na sa Bar nila Gelo.

"Oh Xander... iinom kayo?" Tinignan ko si Kuya Blake na bumaba ng hagdanan. Mukhang aalis.

"Oo ya, dito na lang sa bahay niyo. May lakad ka?"

"Sa bahay niyo... bored na bored na si Dane sa buhay niya. Hindi makaalis. Hahahaha. Ayaw payagan ng ate mo kaya kami na lang pupunta dun."

"Sige, ingat kayo ya." Ngumiti ako.

.

.

.

Habang nagiinuman, tinanong ako ni Gelo kung kailan ang flight ko papuntang Hong Kong para samahan si Daddy makipagusap sa mga Real Estate Owners na kilala niya na balak magtayo ng mga Condominiums dito sa Pilipinas. Pakiramdam ko lasing na lasing na ako dahil sa tatlong bote na naubos namin tatlo. Hanep, parang tag iisang bote kami ng alak ah.

"Oo nga pala, pucha. Yung passport ko, na kay Jeice pa." bigla kong naalala.

"Bakit hindi mo kunin?"

"Tss. Tagal na namin hindi naguusap."

"Then now is the time for you to talk. Kunin mo lahat ng gamit na naiwanan mo." Suggestion ni Ryu.

Bahala na si batman... nilabas ko ang phone ko and tried to contact Jeice. Hindi niya sinasagot ang phone niya kaya nag text na lang ako.

Sms to Love

Love pa rin pangalan niya sa phone ko. Ewan ko... hindi ko mapalit palitan kahit alam ko naman na ayaw na ni Jeice sa akin. Nag-compose na ako ng message.

One True Love R18 (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon