Chapter 57

81 0 0
                                    

Thank you so much sa lahat ng nagtitiis... <3

.

.

.

DANE'S POV

I spend most of my days and time na sa bahay namin ni Ali sa Malate. Andun pa rin ang Parents at mga Kapatid niya. After work, dun ako dumidiretso. I can say na we are far from being better but we're doing good. Hindi ako magmamadali and I will just trust on the process. Malakas naman ang faith ko na maaayos namin 'to. Sana talaga... yun na lang naman ang hinihiling ko sa buhay. I already have everything... asawa ko na lang ang hindi hahaha. Kaya sana... sana talaga! Lord please... sana balikan na ako ni Alissandra.
.
.
I got a call from my wife's father asking me to come over to their house. It's about the new private island that he acquired somewhere in Batangas. Gusto niyang gawing Resort. He wants me to check on the place kung okay bang gawin business. Kung tatauhin ba at magiging tourist attraction. Besides that, meron din siyang isolated Private na binili niya para sa family so if ever gusto namin magbakasyon, may maganda kaming mapupuntahan. Yun nga lang, hindi siya accessible by land. You have to ride a boat or a chopper para makarating dun.

Nagpaalam na ako sa mga kasama ko sa trabaho at dali-daling nagpunta sa kanila. Naabutan ko ang In-law ko na nilalaro ang bunso namin.

"My beautiful apo! My beautiful apo!" Tawa ng tawa si Breeze.

Si Daddy Alfie... mukhang si Breeze ang paborito. Sa bahay naman si Blaze ang paborito. Although, pantay naman ang trato nila haha. Wala naman yun kaso sakin.

"Look who's here my beautiful apo. Daddy is here!"

"Haaaa!" Amaze na amaze na sabi ni Breeze habang takip takip pa ang bibig niya. I couldn't help myself but to laugh to the cuteness of my baby princess. "Daddy!" She exclaimed. Hahaha! Ang tining ng boses.

She went down and ran towards me. Binuhat ko si Breeze and greeted her with lots of kiss.

"Are you going to sleep beside me daddy? When are you coming back daddy?"

Sana pumayag na si Mama mo na magsama na kami dito. Para di na uuwi si Daddy. Hehehe. Inaantay na lang naman ni Daddy ang confirmation na okay na kami hehehe pero mukhang malapit na anak... malapit na.

"Anyway Dane... wait for your wife. Sasamahan ka niya sa Resort."

"Does she know?" Tanong ko kay Daddy.

Tumawa ito. "Hindi. Wag mo na palang antayin. Akyatin mo na dun para makapag impake na at makapag bihis na."
.
.
Kinuha ulit ni Daddy Alfie sa akin si Breeze. Umakyat na ako kay Ali.

Nagulat siya ng pumasok ako sa kwarto because she is currently looking for something to wear habang naka undies lang. Napa-akap siya sa sarili niya.

"Kumatok ka nga!" Sigaw niya sa akin.

Bigla akong nakaramdam ng ilang. "Sorry..." sambit ko habang nakatitig sa dibdib niya pababa sa puson niya... hanggang sa gumapang ang mata ko sa legs niya.

Napansin ata ni Ali na wala na akong balak lumabas kaya kinuha na niya kung ano man ang nadampot niyang damit at tsaka mabilis na sinuot yun.

It's a neon pink sleeveless coords. Pero yung top hapit na hapit sa dibdib. Jusko! Napaka sexy talaga ng asawa ko.

"Kung yung tinitingin tingin mo diyan tinutulong mo dito." Sabi niya na nagpapatulong na ibuhol yung ribbon sa likod ng leeg niya.

Lumapit ako at pumwesto sa likod niya para tulongan siya. Nanginginig ako wahahaha lalo na nung naamoy ko siya. Shet! Napaka bango!

One True Love R18 (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon