DANE'S POV
Iyak ang naging sagot ni Ali ng tanungin siya ng Mama niya.
"So totoo nga Alissandra? Buntis ka?" Seryoso ngunit lumuluhang tanong ng Mama niya.
"Ma opo. Buntis po ako. Magdadalawang buwan na po." Halos hindi makahingang sagot ni Ali kaya nilapitan ko siya para patahanin. Hinimas himas ko ang likod niya.
"I'm sorry Mama. I'm sorry po." Lumuhod si Ali habang humihingi ng tawad sa Mama niya.
Inakay siya nito patayo at tsaka niyakap. "Bakit ka nagsosorry? Hindi naman kasalanan yan. Apo ko yan. Blessing yan anak. Kaya wala kang dapat ikahingi ng tawad." Nakangiting sabi ng Mama ni Ali.
Sana lahat ng nanay kagaya ni Tita Mae. Maintindihin...
Nanatili lang akong tahimik dahil kinakabahan pa rin ako. Sabay mo na ang pagaalala ko kay Ali dahil iyak siya ng iyak.
Pinunasan ng ni Tita Mae ang mga luha ni Ali. "Paano niyo po nalaman na yun ang sasabihin ko sainyo?" Kalmadong tanong ni Ali pero sumisinghot singhot pa.
Tumawa muna si Tita Mae bago nagsalita. "Ilang linggo na akong nananaginip ng batang tinatawag akong Lola at masaya ako tuwing napapanaginipan ko yun... naiiyak nga ako tuwing magigising ako... pakiramdam ko kasi nung una Haven yun." nagulat ako ng pigilan siya ni Sandy.
"Ma!" nakita ko rin ang pagpisil ni Sandy sa kamay ng Mama niya.
Hindi ko sila maintindihan kaya hinayaan ko na lang ipagpatuloy ni Tita Mae ang kwento niya.
"Tsaka, kakaiba ang hugis ng balakang mo pagka kita ko sayo. Kaya una kong hinawakan ay ang pulso mo."
Hindi makapaniwala si Ali sa sinasabi ng Mama niya.
"Dane hijo? Buti at naisipan mong balikan ang anak ko." Nakangiti pero puno ng laman niyang sabi.
Lumapit ako kay Tita at hinawakan ang kamay niya. "Tita, patawarin niyo po ako dahil sinaktan ko anak niyo." Habang nagsasalita ako ay unti unting gumagaan ang pakiramdam ko.
"Please forgive me for hurting her. I promise that I will take care of them." Hawak ko pa rin ang kamay ng Mama niya.
Nagulat ako dahil niyakap ako ni Tita Mae. "Hindi naman ako nagalit sayo dahil naiintindihan kita. Nagpapasalamat pa nga ako dahil binalikan mo ang anak ko. Mahal na mahal ka ng anak ko Dane. Hindi ko na kakayanin kung makita ko pa siyang masaktan ng ganun lalo na siguro ngayon na magkakaanak na naman kayo." Tumulo na ang emosyon na kanina niya pa pinipigilan. "Alam ko na mahal mo rin ang anak ko, pero oras na umiyak at saktan mo siya ulit? Hinding hindi mo na sila makikita ng magiging apo ko." Madiin ang pagkakasalita niya.
Nakaramdam ako ng takot dahil unang beses kong narinig si Tita Mae sa ganoong tono ng pananalita. Punong puno ng respeto ang bawat tonong lumalabas niya pero may laman at malalim.
"I promise tita." I smiled to her as an assurance.
"Anong plano mo ngayon sa mag-ina mo?"
Ano nga ba? Well, meron na naman. Kaya kailangan kong sabihin sa kanya dahil kailangan ko ang tulong niya.
"Balak ko po sana na maikasal kami agad so the baby could bring my last name." I sipped on the juice that she made.
Sarap! Calamansi with a twist of sprite. Refreshing!
"Yiee excited na ako sa kasal niyo." Pumapalakpak pa sa tuwa ang Mama niya.

BINABASA MO ANG
One True Love R18 (ON GOING)
RomanceMay mga tao talaga na akala natin ay para sa atin. Mga tao na sinanay natin ang ating mga sarili. Minsan nga, akala natin... SIYA na talaga. Yun pala, siya lang pala ang magiging tulay at daan para matuto tayo sa buhay at makilala ang totoong nakala...