Alissandra's POV
Flowers everywhere. Lights... Chandeliers.. this is it! Unti unti ng natutupad ang pangarap kong makasama ang nagiisang lalaki mahal na mahal ko.
"Do you take Alissandra Robles as your lawful and wedded wife? In sickness and in health? For richer and for poorer? Everyday and forever?" the Priest asked Ken.
Ken slowly shifted his gaze on me and smiled. Eto na to. Hindi ko maipaliwanag ang halo halong emosyon na nararamdaman ko. Kaba, nerbyos at higit sa lahat... walang katumbas sa saya. Ramdam ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko at anytime, tutulo na ito.
"I d-----"
"ATE!!!"
"ATE GUMISING KA NA RAW SABI NI MAMA!"
Walangya naman oh. Yun na eh. I do na siya oh! Hay! Napabalikwas ako ng tayo sa sobrang pagkalabog ng siraulo kong kapatid sa pinto.
8:00 PM
Sinulyapan ko ang minnie mouse na wall clock na regalo sakin ni Ken nung 3rd monthsary namin. Sus. Orasan pa lang kinikilig na ako. Hay hay hay!!!
"ATEEEEE SANDY!!!" -sigaw nanaman ni Alexander
Dahan dahan akong naglakad papunta sa pinto at biglang binuksan ito. Binatukan ko ng pagkalakas lakas yung kapatid kong siraulo na talaga namang ikinayuko niya. Nanlaki ang mata nya at parang batang nagmamaktol.
"Aray ko ah! Bakit ka nananakit? Susumbong kita kay Mama!" Pananakot pa sakin nung baliw. Tamo 'to. 17 na eh isip bata parin. Tsk! Tumakbo naman siya pababa at naririnig ko pang nagsusumbong kay Mama. Tss
Hindi ko na lang pinansin dahil for sure. Ibe-baby nanaman ni Mudrakels yun. Kaya tumatandang paurong. Tsk tsk.
Ganitong oras talaga ang gising ko. Call center agent kasi ako. 2AM ang shift ko at dito kami sa Malate nakatira. Ayaw ni Mama ni bumabyahe ako ng late dahil masyadong alanganin ang oras ng pasok ko, pero wala akong magagawa dahil yung department na kinabibilangan ko ay talagang ganon ang oras ng business hours. Mas pinili ko ang ganitong career, sa ganitong paraan ko kasi nakita ang bilis ng kita. Bukod sa mas mabilis kumita ay mabilis ang career growth dito. Basta makitaan ka ng potential ng mga big boss ay siguradong mapo-promote ka. 19 years old na ako. Panganay sa tatlong magkakapatid at pinakamaganda!
Hindi na muna ako nag aral kasi kailangan ko na maghanap ng kikitain para matulungan ang mama ko sa pagpapatapos sa dalawa kong kapatid. Pag tapos na sila, tsaka ko itutuloy ang pag-aaral ko.
Tapos na ako mag gayak ng tumunog ang cellphone ko.
Text message from Ken♡
Babe, gising ka na? Hindi kita mahahatid. Kakauwi ko lang from Group studies. Sorry. I love you.Medyo nalungkot ako dun. Well, that's Ken. Sean Kenzo Lacsamana. 1 year and 6 months na kaming in a relationship. 2nd year College na siya and Varsity sa Univ nila. Magka batch kami kaso, nahinto ako ng isang SEM. Sana nga ay makapasa ako sa scholarship program na inapplyan ko sa school nila para makapag aral ulit ako. Pag nagkataon, ay 2nd year irreg ako. Kailangan ko lang naman maghabol ng units para makasabay ako.
Nagreply ako sakanya.
Reply to Ken♡
Okay lang. Naintindhan ko naman. Mag prepare na ako kasi byahe pa. Iloveyoutoo. Pahinga ka na.× Fast Forward ×
At the Office
"Wow! Early bird ah! May 1 hour pa oh" -Thats Lian. One of my team mates. Siya ang madalas kong kachikahan sa office. Siya lang din ata ang ka-close ko. Haha. Ahead kasi ng 1 hour yung shift nila. Naks, mukhang avail ah?
BINABASA MO ANG
One True Love R18 (ON GOING)
DragosteMay mga tao talaga na akala natin ay para sa atin. Mga tao na sinanay natin ang ating mga sarili. Minsan nga, akala natin... SIYA na talaga. Yun pala, siya lang pala ang magiging tulay at daan para matuto tayo sa buhay at makilala ang totoong nakala...