Ali's POV
July 4, 1st day of School
It's been a month simula nung makipagbreak sakin si Ken. 2 weeks na rin simula nung makilala ko yung siraulong budol-budol na gwapo. Andito ako ngayon sa gazebo ng St. Ignace. Sobrang ganda ng eskuwelahan na 'to. Para kang nasa Paris eh. Haha. May malaking tower sa gitna nung campus na napakataas at tanaw na tanaw mo ang buong Manila. Manghang mangha ako sa mga nakikita ko. Niligid ligid ko ang paningin ko para mas maappreciate ang magagandang nakikita ko ngayon.
2nd year, 2nd sem irreg ako. Si Xander ay 1st year college na, si Xia naman ay graduating na ng High school. Naupo ako di kalayuan sa gazebo, sa paligid ko ay may mga halaman at mga bulaklak. Mula dito ay kita ang hallway ng campus at ang pantry. Sa kaliwang banda ko ay ang parking lot na pagkalaki laki. Sa kanan ko naman ay ang Simbahan ng St Ignace, sa likod ko ay ang napakalaking socceer field at stadium.
Wala naman masyadong nangyari sa araw na 'to. Sa pagkamalas malas ko nga ay wala yung prof namin kaya dismissed ako agad. Chineck ko ang schedule ko at nakitang may last class pa ako na dapat puntahan.
5PM: Economics. Hayy!!!
Dito ko napagdesisyunan na intayin si Xander habang binabasa ang modules ko.
Tumunog ang phone ko.
Sms from Xander:
Ate, una ka na. May quiz kami agad eh. Tsk. Kainis!Ako:
Alright. Uwi agad ha. Ingat. Kaya mo yan!Gusto ko matawa sa text nya. First day of school? Really? Ang malas ha. Alas-kuwatro na ng hapon kaya medyo nakaramdam na ako ng gutom. Tumayo ako at naisipan pumunta sa canteen namin. Dun kasi maraming fast food booth, food kiosk and everything. Akala mo nga may bazaar sa sobrang daming tinda!
Nagulat ako sa taong naaninag ko.
Si Ken... Kasama yung babae niya. Ay mali... Girlfriend na pala niya. Aalis na sana ako kaso naunahan ako ni Ken sa paglingon kaya nakita niya ako. Gulat na gulat siya. Ako rin kaya... Nanikip ang dibdib ko. Parang gusto kong umiyak kaya tumalikod ako at nagsimula ng maglakad palayo.
Pinilit kong bilisan ang lakad ko. Akala ko okay na ako. Akala ko matapos ang isang buwan ay okay na ako. Siguro dahil hindi ko inaasahan na makikita siya sa ganitong pagkakataon, ang masakit dun... kasama niya yung babaeng dahilan kung bakit binalewala niya ang lahat na meron kami, yung babaeng pinagpalit niya sa akin.
-
Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa playground ng mga pre-schoolers. Naupo ako sa swing at doon piniling umiyak ng umiyak. Hawak hawak ng dalawang kamay ko ang dalawang bakal na pundasyon nung swing. Napasandal ako sa kanan bakal at humalikhip sa braso ko dahil pakiramdam ko, kapag bumitaw ako dito ay malalaglag ako.
Sana kasing tibay ako ng bakal na 'to, na kahit anong bigat ay kaya niya at duduyan duyan lang ano man o sino man ang nakaupo dito.Napatingin ako dahil may pares ng sapatos sa harapan ako at may nakalahad na kamay na may panyo para sa akin.
"Dane?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Kinuha ko ang panyo niya at pinahid ito sa mga luha ko. Tch. Corny.
"Yes. We've meet again." May anong gumalaw galaw sa mga tiyan ko nung nakita ko yung mga ngiti niya. Ano yun? Bulate? Mukhang need kong magpa-purga ah.
"Dito ka rin ba nagaaral?" Tanong niya. Seryoso ba 'to sa tanong niya? Nakalimutan ko na umiiyak ako kanina dahil gustong gusto kong tumawa.
BINABASA MO ANG
One True Love R18 (ON GOING)
RomanceMay mga tao talaga na akala natin ay para sa atin. Mga tao na sinanay natin ang ating mga sarili. Minsan nga, akala natin... SIYA na talaga. Yun pala, siya lang pala ang magiging tulay at daan para matuto tayo sa buhay at makilala ang totoong nakala...