Chapter 30

55 1 0
                                    

DANE'S POV

Sandali lang ang binyahe namin ng makarating kami sa pinaka malapit na Ospital. Mabilis akong bumaba habang buhat buhat si Ali na wala ng malay ng oras na yon. Hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko. Kung ano man ang nangyayari sa asawa ko, sana maging okay siya dahil hindi ko alam kung kakayanin ko kapag nawala siya sa akin.

"Senyor Franco." Tawag ng isang Doctor sa Daddy ko. Isa si Daddy sa stockholder ng Ospital na 'to kaya nakilala siya sa agad ng Doctor na nakakita sa amin pag akyat namin ni Dad sa ramp ng Emergency Room.

Hindi ako makapagsalita sa sobra sobrang kaba na nararamdaman ko. Pakiramdam ko sasabog ang puso ko sa sobrang lakas ng kabog nito. Para akong siraulong iyak ng iyak habang buhat buhat ang asawa ko palabas ng sasakyan hanggang sa makarating sa Triage ng E.R

"Please help my daughter-in-law" Pakiusap ng Daddy sa doctor na sumalubong sa amin sa Emergency Room.

Naupo ako sa isa sa mga upuan sa waiting area ng E.R habang kandong kandong ang asawa ko, na walang malay. Mabagal ang pag hinga at malalim. Namumutla at malamig ang mga kamay. Pilit ko itong ginigising. Hindi ko matanggap ang tumatakbo sa isip ko. Hindi ko kaya... Iniisip ko pa lang nasisiraan na ako ng ulo.

"Wife, we're here. Wake up please." Kandong ko siya habang ang mukha ko ay nakasubsob sa kanyang leeg.

Lumapit ang mga Doctor at Nurses sa amin. "What happened to the patient?" Hinawakan ako ng Doctor sa balikat ko. Kinakausap nila ako pero parang walang pumapasok sa utak ko. Hindi ako sumasagot sa kanila. No, hindi ako makasagot sa kanila. Patuloy lang ang pag-iyak ko sa leeg ng asawa ko.

Inulit ng Doctor ang tanong niya sa akin. "Sir, we need to know kung ano ang nangyari sa pasyente." Ma-otoridad na tanong ng isa sa tatlong doctor na lumapit sa amin.

"I DON'T KNOW!" Sigaw ko sa kanila. "I DON'T FUCKING KNOW!!!!" I shouted in frustration. Hindi ko alam kung ano ang nangyari, wala akong alam. Paano ko kayo sasagutin?

"JACOB DANE!" Sigaw ng Daddy sa akin. "Ibigay mo sa kanila si Ali!" Hindi na ako inantay ng mga Doctor na kumilos. Kinuha nila si Ali sa akin at ipinasok sa Critical Room. Susunod sana ako pero hinarangan kami ng Doctor.

"Sir, dito na lang po muna kayo."

Hinatak ako ni Daddy at hinimas ang likod ko. "Trust them, Dane. Hindi nila papabayaan ang asawa mo." Pagpapakalma sa akin ni Dad pero parang kahit tarakan nila ako ng gamot ay hindi ako kakalma.

Bagsak ang balikat kong sumunod sa kanila. Gusto ko sa tabi ng asawa ko pero wala akong magawa. Nakakahiya na ang tanging nagagawa ko lang ay umiyak ng umiyak.

"Daddy... my wife..." parang bata kong usal habang naka hawak sa salamin na bintana sa harap ko. Wala akong magawa habang pinapanood ang mga doctor na inaasikaso ang asawa ko.

Kung ano-anong kable ang kinakabit nila sa asawa ko. Ang mga nurse ay mabibilis na kumilos para malagyan siya ng swero. Maya maya ay tumunog ang makina sa tabi ng asawa ko. Lupaypay ang katawan ng asawa ko at masakit sa akin na tignan siya ng ganun.

"What is happening?" Wala sa sarili kong tanong. Wala na rin akong pakielam kung may nakakarinig ba sa akin o wala.

"Wtf is going on? Dad???" Si Daddy ay hindi na rin makasagot. Ang mga paningin ay naka'y Ali din.

Lumabas ang nurse at may kinuhang medical cart na may equipment na nakapatong don. Patuloy ang makina na nagiingay at umiilaw... Napakasakit non sa tenga ko. Ayaw kong marinig yun!

Lumabas ang nurse. Hinarang ko ito. "Anong nangyayari?" Hindi niya ako sinagot. Nagmamadali siyang pumunta sa nurse station at may kinuha.

Iniabot ng nurse ang gamot na yun at nakita ko na tinurok ng doctor yun sa swero ni Ali.

One True Love R18 (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon