Ali's POV
Nandito ako ngayon sa Marian Theater. Nagtitingin ng mga clubs na puwede kong salihan. May music club, math club. Sigurado ba silang kasali kaming mga college dito? Pang highschool 'to eh, pero ininsist ng Dean na kailangan may salihan kami. Kingina. College na may mga clubs pa. HAHAHA. Kung alam lang ng Dean kung anong klaseng CLUB ang gustong salihan namin mga college student. Hahaha.
"Music club ka na lang." Nagulat ako sa biglang nagsalita. Nilingon ko ito.
"Para kang kabute ah? Nakakagulat ka." Natawa naman ang siraulo.
"Marami talagang nagugulat sa kagwapuhan ko *winks*" hay naku! Forever conceited talaga 'tong si Dane.
"Oo na. Oo na. Bakit ngayon lang kita nakita?" Ilang linggo ko rin kasi siyang hindi nakita simula nung kumain ulit siya samin. Iniisip ko nga kung nagkasakit ba siya sa luto ni Mama eh.
"Excused ako sa school. May inutos kasi ang Dad na ayusin sa company namin eh. Nasa ibang bansa kasi sila kaya ako ang nautusan." Natawa ako nung ngumuso siya. Haha. Parang ayaw niya yung ginagawa niya. Cute. What? Cute? Tsk.
Bakit naman mai-excuse sa school? Una, napapansin ko kahit palabas labas siya habang nagkaklase kami ay hindi siya kinagagalitan. Tapos aabsent kung kailan gusto? Shene all.
"Bakit mo pala ako tinatanong? Miss mo ako noh?" Napasinghap naman ako sa tanong niya.
"Kapal mo. Akala ko kasi nagkasakit ka sa luto ni Mama eh. Tsaka..." Hindi ko matuloy yung gusto kong sabihin. Haha. Hindi ko alam kung bakit ako biglang kinabahan.
"Tsaka?" Nakataas kilay niyang tanong. Inip na inip sa naputol kong sasabihin.
"Ano... Uhh... H-hindi k-ka-kasi nagte-text." Nagiwas ako ng tingin. Tumawa naman siya. Haist! Dat di ko na sinabi eh.
Uutal utal ka Sandy. Ulul.
"So what if I'm not texting you?" Nagulat ako sa tanong niya. That was a face slap. Oo nga rin naman. Ano nga naman pala sakin kung hindi siya nagtetext. Don't tell yourself Sandy na miss mo yang mokong na yan.
Bumuntong hininga ako at tsaka lakas loob na sumagot sa kanya kahit nakaramdam ako ng bahagyang pagkapahiya.
"Wala. Akala ko kasi talaga sumama tyan mo sa kinain mo samin. Wala naman kaming pang gamot sayo. Ge. Alis na ako." Mapakla kong sagot sa kanya. Bigla namang kumunot ang noo niya.
Iiwasan ko na nga siya bago pa siya magisip ng kung ano-ano eh napaka feelingero pa naman nito. Nasanay lang siguro ako na andiyan siya. Duh? Tinuring ko na siyang kaibigan eh. Tapos... hayyy. Ulol ka!
Tumalikod na ako sa kanya at naglakad na palayo. Marami pa akong tatapusin na homeworks at magrereview pa ako para long quiz namin. 100 items yun! Tss. Hate math!!!
"Hey!" Hinablot niya ang braso ko. "Saan ka pupunta?" I can see sadness in his eyes and I wonder why? Wag mo ako pagtripan. Mga ganyang dating, alam ko na yan!
"Bakit mo tinatanong?" Sinabi ko yun sa pinaka kalmadong tono pero batid niya naging sarkastiko ako roon kaya dahan dahan niyang binitawan ang braso ko at tsaka umalis.
Biglang bumigat yung nararamdaman ko at mas lalong bumigat nung nakita kong kaklase ko si Ken sa Math. Hay! Kapag minamalas ka nga naman. Irreg din ba ang isang to? Tss.
Umupo na ako sa dulo. Yun na lang kasi ang bakante. After 5 minutes, dumating ang professor namin. Lumipat naman si Ken sa tabi ko. Bigla akong nataranta. Shit shit shit! Hindi ko alam gagawin ko.
BINABASA MO ANG
One True Love R18 (ON GOING)
RomanceMay mga tao talaga na akala natin ay para sa atin. Mga tao na sinanay natin ang ating mga sarili. Minsan nga, akala natin... SIYA na talaga. Yun pala, siya lang pala ang magiging tulay at daan para matuto tayo sa buhay at makilala ang totoong nakala...