DANE'S POV
"I have to tell you something." sabi niya.
Sunod sunod ang kalabog ng dibdib ko. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Ano ang sasabihin mo sakin Babe?
"What is it?" I asked. Calming myself because I don't want to start another argument. Malayo pa kami sa pagiging okay dahil parehong roller coaster ang emotions namin. Dagdag mo pa na kung anu-ano ang bumabagabag sa isip ko.
Hindi ko kakayanin pag sinabi niyang she's liking somebody else. Just the thought of it, hindi ko pa rin kaya.
"Last night..." panimula niya.
What happened last night? Were you with someone else? Narealize mo na ba na hindi na dapat akong balikan? Ano babe? Bakit ang tagal mong magsalita?
Sunod sunod ang mga tanong sa utak ko. Sunod sunod din ang kalabog ng dibdib ko. Inip na inip ako. Gusto siyang sigawan para magsalita na siya pero parang may nakabara sa lalamunan ko.
"Uhmm..." nagdadalawang isip niyang tugon.
Hindi ganyan si Ali. Pag meron siyang gustong sabihin sasabihin niya without any hesitations. Pero iba ngayon, may gusto siyang sabihin pero hindi niya alam kung paano. Gusto kong mainis. Gusto kong magalit.
"Tell me, wife. What happened last night?" Convincing her to say it. "Hindi ako magagalit. I just want us to be honest to each other." Kalmado kong tugon.
"Ka—-" naputol ang sasabihin niya ng may tumawag sa pangalan ko.
"Jacob!" Napapikit ako.
Not now... please.
Kumunot ang noo ni Ali dahil alam namin pareho kung sino yun pero agad din naman umayos ang itsura niya. Agad niyang binawi ang pagsalubong ng dalawang kilay niya.
Narinig ko na ang footsteps nya towards us. She remained calm, took her phone and just scrolls it.
"You're here...pa——la." Sambit niya sa akin pero parang di niya inaasahan na andito si Ali.
"Andito ka rin pala." Sambit niya kay Ali ng makita niya ito. Tinignan lang siya ni Ali. Walang reaksyon at muling ibinalik ang paningin sa kanyang cellphone.
"Ano ginagawa mo rito?" Maayos kong tanong.
"Visiting you." Sagot niya at tsaka ngumiti.
Nilingon ko si Ali. Walang nagbago sa itsura niya. Parang walang narinig. Which bothers me a lot. Kagabi lang nanggagalaiti siya kay Alyce to the point na akala ko iiwanan niya ako ulit pero ngayon, ni inis o kahit ano man lang. Wala akong makita sa kanya.
"May kasama ka na pala ulit." At pinasadahan ng tingin si Ali. "Well anyway, magpapasama sana ako sayo sa Learning Center para kay Jake. Kailangan daw ng appearance ng father for the assessment." Alam ko ang ginagawa niya. Pinipikon niya si Ali dahil pinagdidiinan niya yung "father".
"Why? Mag start na sya mag school? Mag 4 pa lang siya diba?" Takha kong tanong. It's too early for that.
"Learning center pa lang yun. Well basically, parang preparing toddlers for pre-school. It's only for 3 months." Paliwanag niya pero wala akong pakielam. Lol
Dahil wala akong nakikitang kahit anong reaksyon kay Ali. I grabbed her attention. "Wife, do you wanna come?"
Nag-angat siya ng tingin sa amin ni Alyce.
Umiling muna bago sumagot. Kumunot ang noo ko.
"Marami akong gagawin. May mga e-mails akong need replyan." Walang emosyon niyang tugon.
BINABASA MO ANG
One True Love R18 (ON GOING)
RomanceMay mga tao talaga na akala natin ay para sa atin. Mga tao na sinanay natin ang ating mga sarili. Minsan nga, akala natin... SIYA na talaga. Yun pala, siya lang pala ang magiging tulay at daan para matuto tayo sa buhay at makilala ang totoong nakala...