Ali
Its been 3 days since nakipag deal kami sa mga Eleazar. Launching ng bagong account na healthcare. Tungkol ito sa prescription drug plan ng mga americano. Maganda ang goal ng company, ang makapag ligtas ng buhay. Eh ng puso kaya?
Today is our acquaintance party. Endorsement ng bagong account sa site namin sa Pasay.
Lahat ng mga boss andun. Syempre pati mga clients na andito sa Pilipinas.
Naligo na ako at nag ayos. Sinipat ko maigi ang katawan ko sa salamin.
Sayang, nagpalaspag ka sa maling tao.
Susuotin ko ang pinadala ni Ken na dress.
Black and White ang theme ng party. Syempre dahil pasaway NA ako...
Pula na naman ang suot ko. Plunging neckline na hindi magpapaawat, lol... hapit na hapit para makita nila ang curves ko. Hindi ko to pinaghirapan para lang itago. Prada heels ang napili kong isuot. Hindi ako masyadong nag make-up pero siniguro ko naman na putok na putok ang labi ko sa red lipstick ko. Ikinulot ko rin ang dulong bahagi ng buhok at itinaas ang kalahati nito.
Sumilip ako sa salamin. Walang hindi makakaiwas ng tingin sa nagmumura kong dibdib.
My phone beeped.
SMS from Yabs.
will be there in less than 5 minutes. Baba ka na.
Laking pasalamat ko talaga na hindi yan umalis sa tabi ko. Napakatyaga sa akin.
Si Ken ang Nayayakap ko tuwing stressed at problemado ako. Naiiyakan ko kung kelan ko gusto. Kung pwede nga lang sanang ibalik ng ganun ganun lang ang salitang MAHAL, hindi na para patagalin ko pa.
He changed a lot. Sa ilang taon na magkasama kami wala akong nabalitaan na nilandi niyang iba... Ako lang. Hahaha. Oh baka magaling na siya magtago this time... hahaha.
Feeling ko nga fling kami eh. Ang layo layo ko na sa pagiging good girl. Ang layo layo na sa pagiging demure at conservative.
Nagkikiss kami ni Ken, nagiging mapaglaro na ako pero kay Kenzo lang ha. Minsan, laro na sobra na. Haha. Kung saan saan na kami umaabot pero wala akong pakielam kaso nga lang puro foreplay. Duh!
Sa office, lagi kaming tinutukso. Kasal na lang daw ang kulang samin. Sana ganon kadali no?
"Stunning" sambit ni Ken bago ako pagbuksan ng pintuan ng kotse.
"Sanay na ako. Tara na?" pangaasar ko. Natawa lang siya at nagsimula ng magmaneho.
"Para kanino ka ba nagpapaganda?" Bulong niya sa tenga ko. Kinilabutan ako sa mamaos maos niyang boses.
Imbes na tumugon ay...
Hinalikan ko siya... torrid, wild. Halos mabura ang lipstick ko at tsaka sinabing "Matagal na akong maganda. Hindi ko kailangan yun."
Napamura pa siya ng biglang tumigil ako. Inilabas ko ang salamin ko at pinunasan ang kalat na kalat na lipstick sa bibig ko. Hindi ko sinabi kay Ken na meron din siyang lipstick sa labi niya. Lol. Hahaha.
Sa mamahaling hotel sa Pasay-Paranaque gagawin ang Party. Bigtime ang mga clients ha!
Syempre, knowing Mrs Lacsamana, hinding hindi magpapakabog yun. Napaka well-organized ng party. Kahit saan ka lumingon ay mga nag gagandahan boutique ang makikita mo. Bawat corner ay may catering, bar, snacks and desserts station. Unlimited coffee din.
Mabilis lang ang byahe dahil sa Las Piñas lang naman ako nakatira. Accessible kumbaga.
Nakahawak ako sa braso ni Ken. Andun na lahat. Hindi na ako nagulat ng makita ko ang impaktang si Alycel, si Dane at ang pamilya niya. Hindi ko sila pinansin. Wala akong pakielam sa kanila. Para sa akin ay hindi sila nage-exist.
BINABASA MO ANG
One True Love R18 (ON GOING)
RomanceMay mga tao talaga na akala natin ay para sa atin. Mga tao na sinanay natin ang ating mga sarili. Minsan nga, akala natin... SIYA na talaga. Yun pala, siya lang pala ang magiging tulay at daan para matuto tayo sa buhay at makilala ang totoong nakala...