DANE'S POVHindi ko namalayan na 11PM na ng gabi. Nagmadali akong umuwi, yari ako nito sa asawa ko. Buong araw kasi deadbatt ako, hindi ko alam pero parang may problema sa charging pin ang cellphone ko. Walang gumaganang charger. Napagalitan ko pa si Brix dahil naiwanan niya sa kabilang sasakyan yung charger ko, kaya kung kani-kanino ako nanghiram ng charger pero di pa rin gumana.
Ano na kaya ginagawa ng asawa ko? Hay! Wala si Kenzo kanina sa office. Lalo akong nababagot dahil alam ko na nandoon siya sa The Legacy at kasama si Ali. Hay... di na ko mapakale. Syempre hindi ko pa nakakalimutan yung huling paguusap namin ni Ken. Hanggang ngayon, halatang halata na si Ali pa rin ang mahal niya. Hindi naman ako makaalis alis dito. Bukod sa maraming trabaho, ngayon formal kami na magpapakilala sa mga employees namin. Tsaka, magkakaroon kami mini celebration dahil na close ni Charlotte yung bagong deal sa Empire.
Pag akyat ko sa kwarto, tulog na si Ali. Naka nighties na. Hehe. Kaso nahihiya ako sa kanya, malamang galit to sa akin. Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi. Sobrang sarap ng tulog. Miss na miss ko na ang asawa ko.
"I'm sorry wife..." bulong ko dito. Hahalikan ko siya ulit kaso...
Amoy alak siya? Wtf? Sino na naman kasama nito uminom. Gusto ko siya gisingin at magtanong kaso masyado siyang cold sa akin.
Kahapon para akong masisiraan ng bait. Umalis siya ng hindi man lang nagpapaalam sa akin.
Nagising ako ng maramdaman ko ang ilaw sa gilid ng vanity table. Sinulyapan ko siya, hindi ako pinapansin o nililingon man lang ng gumalaw ako at maupo.
Sa totoo lang, inaantay ko na suyuin niya ako. T_T kaso hindi... matigas talaga si Alissandra kahit noon pa.
Hindi ko na siya naabutan sa kwarto pagkatapos kong mag-shower. Tinawag ko ang yaya ni Blaze, maya maya kapag gising na ang Mommy ay lilipat na siya sa kwarto nila Daddy.
Nakaupo na si Ali sa dining table. Hindi pa rin ako pinapansin as usual. Sinandukan ko siya ng kakainin niya pero hindi niya ito ginalaw instead, she grabbed some bread at ipinalaman ang egg doon. Nalungkot ako, hindi ko kasi alam kung paano ko siya sisimulan kakausapin.
The fact na nauna siyang makauwi sa akin, malamang nagiisip 'to kung saan ako nanggaling. Dagdag mo pa na hindi kami masyadong nagkikibuan.
"Later, we will have a meeting. LE Corp and The Legacy. It's a meet and greet thang." panimula ko para magkaroon kami ng conversation kaso hindi siya sumasagot e. Tinignan ko ang ginagawa niya. Busy kaka-cellphone. Gusto ko man tanungin, di ko nagawa. Baka lalo lang kami magkatampuhan.
Nagsalita ako ulit. "Will you be there?" Anong klaseng tanong yan? Malamang andun siya. Part and owner siya ng company!
Akala ko ako ang kausap niya ng magsalita siya pero bigla siyang tumayo ng upuan. Napansin ko pa na parang hirap siya maglakad. Napakunot ang noo while watching her walk away.
Hindi ko na sinundan. Naninikip ang dibdib ko. Kung sino man nagsundo sayo, last na niya yan. Sulitin mo pambwibwisit sakin Ali...
.
.
.
.
.
.
.
5PM ang meet and greet namin. After shift pero dito na lang sa office gagawin. Nagpahanda si Chino na mayabang ng maraming pagkain.
Gustong gusto kong puntahan si Ali, kaso bwisit tong pinsan ko. Sinasadya ata na damihan ang mga kailangan kong ayusin. Kung saan saan kami nagpunta, kung saan saan na field, kung sino sino ang mga kinausap para makapag operate na kami.
BINABASA MO ANG
One True Love R18 (ON GOING)
RomanceMay mga tao talaga na akala natin ay para sa atin. Mga tao na sinanay natin ang ating mga sarili. Minsan nga, akala natin... SIYA na talaga. Yun pala, siya lang pala ang magiging tulay at daan para matuto tayo sa buhay at makilala ang totoong nakala...