Chapter 53

70 0 0
                                    

DANE'S POV

We will be leaving today to get back to our house. Hindi ko na sinabi kay Ali ang mga nabasa ko kaninang madaling araw kahit na gustong gusto kong itanong sa kanya kung bakit niya ginawa yun. Ayoko na rin naman makipagtalo sa kanya, hindi ako mananalo sa kanya kaya nanahimik na lang ako. Ibabalik lang niya lahat sa akin, ang ending lalala lang ang pagtatalo namin.

Wala na siyang masyadong dinala dahil meron kaming mga sariling gamit dito. May mga sarili na kaming mga damit at gamit dito dahil yun ang inasikaso ng Mama niya pagtapos magawa at maayos ng bahay namin.

Binuhat niya si Breeze na gapang ng gapang sa kama para paliguan na. Sobrang likot, kung saan saan na gumagapang kaya hindi pwedeng malingat dahil baka malaglag sa kama.

"Mama. Ligo bibi?" Nakangiting tanong ni Blaze sa Mama niya ng makita niya na kinuha ni Ali si Breeze at dadalhin sa banyo.

"Opo Kuya. You want to join?"

Mabilis na bumaba si Blaze ng kama at tumakbo papunta sa Mama niya. They went inside the bathroom to take a bath already while I did the bed.

Inayos ko ang kama at ni-ready na ang mga susuotin ng mga anak namin. Sumasakit ang lalamunan ko dahil sa kaba sa kakaisip ko na baka hindi ko na 'to magawa sa kanila. Na baka gumising ako isang araw, hindi ko na sila makasama. Hindi ko na sila makita. Ayoko non. Kaya kahit gaano kahirap, kahit gaano siya kalamig titiisin ko na lang basta kasama ko sila.

After how many minutes, lumabas na ang mag-iina ko ng banyo. Tinulongan ko si Ali na bihisan ang dalawa namin anak pero kahit isang beses hindi niya ako tinignan. Pagtapos, bumaba na kami para mag lunch. Almost 11 am pa lang pero nauna na kaming kumain, wala na ang Daddy niya dito dahil may kailangang kausapin na mga tao sa business industry.

Hindi niya ako kinakausap pero pinag timpla niya ako ng kape, sinandukan ng pagkain. Still takes care of me kahit na hindi ako kinakausap. Pagtapos ay inasikaso niya si Blaze. Sinusubuan niya rin ng paunti unti si Breeze ng rice with corn soup.

"Kain ka na." Sambit ko ng mapansin ko na hindi pa siya kumakain. Hindi siya sumagot, naka focus lang siya kay Blaze at Breeze.

"Duhhhh duhhhh duhhhh!" maingay at paulit ulit na sambit ni Breeze.

Pinilit kong ubusin ang pagkain ko kahit na wala na akong gana. After eating, I helped her feed our babies dahil hinahampas hampas na ni Breeze ang mesa ng high chair niya at paulit ulit sa Dada. Sa tuwing ginagawa ni Breeze yun, napapansin ko ang pagsimangot ni Ali. Nagseselos pa rin ata siya na ako ang favorite ni Breeze at sa akin humahabol. Hindi ko naman masisisi si Breeze, ako lang kasi kasama niya for the past few weeks.

"Ako na muna sa kanila. Kumain ka na muna." sabi ko sa kanya dahil hindi siya makakain ng maayos.

"Okay." Tipid niyang sagot.

"Anong gusto mo? Ako na kukuha ng food mo. Dito ka na lang sa plate ko kumain." nakangiti kong sabi. Ako na lang ata nagiisip na okay kami...

Hindi na siya umangal. Kinuha niya ang plato ko at nag sandok ng sobrang onting pagkain. Tss, kahit kailan talaga ang hina kumain.

Pagtapos namin lahat kumain nagbilin siya sa mga maids nila na uuwi na kami at sabihin na lang sa Mama niya.

Binuhat ko na si Blaze habang si Ali naman ang may hawak kay Breeze. Inalalayan ko siya na makasakay ng sasakyan.

Nag start na ako mag maneho hanggang sa makarating na kami sa bahay kung saan inaantay kami ni Mommy at Daddy sa sala.

"GRAMMA! GRAMPA!" Sigaw ni Blaze ng makita niya ang Mommy at Daddy ko. Nilapag ko si Blaze para makatakbo na siya sa Lolo at Lola niya.

One True Love R18 (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon