2 YEARS LATER
ALI
Papasok ako ng production area ng makarinig ako mga bulong bulongan tungkol sa pinaka gwapong kliyente na nasa loob ng prod. Isa lang ang ibig sabihin. Andiyan na ang boy next door. Hahaha.
"Good morning miss beautiful. You're late" ang gwapo naman ng lalaking 'to. Kaya maraming nababaliw eh. Well, sorry girls. Sa akin lang ata 'to baliw.
"Good morning din po" malambing kong tugon hinalikan niya ako sa noo.
Okay pa rin kami. Masaya sa kung anong meron sa amin. Nabigay na ng panahon ang dapat niyang maibigay para sa aming dalawa pero ewan ko ba, sadyang mapaglaro ang tadhana. Kung kailan hindi na pwede at wala ng pagasa ay tsaka naman aatake.
"Sean Kenzo, yari nanaman ako kay Maam Hazel Hahahahaha" tawa ko pero naka kunot ang noo. Kinakabahan ako, anong paliwanag na naman gagawin ko nito. Kingina kasi nun, akala mo tagapag mana ng kumpanya. Kung sermonan kami ni Kenzo... tss!
"Bakit? Di mo nanaman sinubmit on time ang reports mo no?" Natatawa niyang tanong.
Natawa ako bigla. Kilalang kilala na talaga ako nito.
Nagtatrabaho kami ngayon sa isang BPO company. Site Client siya. Site Director ako. Syempre kanila ang company na nag outsource lang dito sa Pilipinas. Alam mo na, mayaman eh. Hahahaha
So boss ko si Ken. Haha. 2 year course ang tinapos ko. Tsaka ko nalang siguro itutuloy ang ladder kapag may time na. Masyadong hectic ang schedule dito sa opisina. Malaki ang tiwalang binigay sa akin ng Mommy niya at ayaw na ayaw kong masira yun.
Okay na kami ng Mommy niya. Nakapagpatawaran na kami. Simula nung humingi siya ng despensa sa lahat ng nagawa niya ay naging close kami. Lagi kaming magkakasama...
Ako, si Sieanna, si Tita Mildred at si Ken. Ang daddy niya ay sobrang busy sa negosyo nila sa America, kaya kami ang bumibisita doon ni Ken.
"May sasabihin pala ako sayo." seryosong sambit ni Ken.
Ano naman kaya yun? Sasabihin nanaman ba niyang mahal niya ako? Paulit ulit. Lols!
"Ano?" nababagot kong tanong
"They're back. For good." Tinitigan niya ako ng maigi. Nagaantay ng magiging reaksyon ko.
Base sa tono niya. Alam ko na agad kung sino ang tinutukoy niya. Malamang, yung kupal na lalaki at bruhildang babae na nakilala ko.
Sinubukan kong wag mag react na makakapag alala kay Kenzo. "Oh tapos?"
Like hello? Anong pakielam ko? Edi bumalik sila. Hindi naman sakin ang Pilipinas para pagbawalan silang bumalik. Kingina nila, magsama sila hanggang mamatay sila.
Natawa si Ken kaya inirapan ko siya.
"Kingina eh bakit nagsusuntukan mga kilay mo?" inirapan ko siya kaya lalo siyang natawa.
"Wala na akong pakielam sa kanila Ken." naiinis ako sa lalaking to ah! Inaasar ba ako nito?
"Talaga? Kahit magiging client natin siya?" halos malaglag ako sa swivel chair sa gulat.
Tanginang yan. Hayup talaga si Destiny. Pakshet.
Sabagay, okay lang. Matagal ko ng hinanda ang sarili ko rito. Pakiramdam ko namuhay na naman ang galit sa puso ko nung maalala ko nanaman ang nangyari 2 years ago.
2 YEARS AGO
10th monthsary namin ni Dane ngayon. Kinikilig ako. Namimiss ko na siya. Nagpunta kasi siyang Singapore dahil mag open sila ng Firm dun para sa mga Engineering na nakagraduate sa school nila. 2 weeks din siya nun kaya miss na miss ko na siya. Madalang kasi siyang magparamdam sa akin. Madalang din siyang tumawag.

BINABASA MO ANG
One True Love R18 (ON GOING)
RomanceMay mga tao talaga na akala natin ay para sa atin. Mga tao na sinanay natin ang ating mga sarili. Minsan nga, akala natin... SIYA na talaga. Yun pala, siya lang pala ang magiging tulay at daan para matuto tayo sa buhay at makilala ang totoong nakala...