DANE'S POV
Agad agad akong nagpabook ng flight para makasunod na agad pauwi. Hindi ko na kayang tiisin ang ilang oras na hindi siya makikita. Inayos ko agad ang mga gamit ko ng mahanapan ako ni Brix ng flight bound to Manila. 4 na oras lang lamang ng flight ni Ali.
Lumapit si Giselle sa akin. "Boss, phone call po." inabot niya ang business phone ko.
Napakunot ang noo ko.
[So, hindi mo naman sinabi na lampungan pala ang dinayo mo Jacob at hindi negosyo?]
Damn...
[You heard me... Alam ko na kasama mo ang malandi mong ex diyan!] Sigaw niya sa akin sa kabilang linya.
Shut your mouth! Hindi naman kita asawa kaya wala kang pakielam kahit sino pa kasama ko. Iritable kong sagot sa kanya
[Ang mahal naman ng date niyo! Sa Cebu pa talaga. Para ano? Para maitago mo dito sa amin ang kagaguhan mo Jacob?] ramdam na ramdam ko ang pangiinsulto sa boses niya kaya hindi na ako nakapagpigil.
"Kingina. Ano bang pakielam mo? Last time I checked, wala naman akong asawa. So don't act like one..." I smirked.
[Ang kapal ng mukha mo. Matapos ng ginawa mo sa kanya, babalik ka sakanya na parang wala lang? I will make sure na hindi matutuloy ang ROMANTIKO NIYONG KAHAYUPAN! I DON'T DESERVE THIS JACOB! SISIGURADUHIN KO NA MALALAMAN NG MOMMY MO ANG LAHAT NG 'TO!]
"Get lost, Alyce. Dumedede ka na ulit sa Mommy ko. Tss!"
Ayun lang at binabaan ko siya. Wala akong panahon para intindihin siya.
"Block mo yang number niyan diyan. Istorbo." Utos ko sa mga assistant ko.
Hindi ko sinabi sa kanya dahil gusto ko siyang sorpresahin pero ako ang nasorpresa.
Hindi ko maitago ang saya ko. Nagmamadali akong kinuha ang mga luggage ko ng hindi inaalis ang paningin sa kanya.
Tinakbo ko kung nasaan siya at binuhat siya! Shet. Napakasaya ko. She waited for me.
"Babe! Put me down." Natatawa niyang utos sakin.
I kissed her na pagka diin diin. "I missed you!" para pa akong naiiyak. Hinaplos niya ang mukha.
"That's why I'm here baby." Hinalikan ko siya ulit.
"Paano mo nalaman?" Nakangiti kong tanong. "Diba ang alam mo madaling araw pa ang dating ko?"
"Giselle called me... sabi niya pauwi ka na raw." She smiled. "Kaya pag uwi ko sa condo, pinuntahan agad kita dito. Hehehe. Did I spoil your surprise?" Natatawa niyang biro.
I just laughed and kissed her. We went straight to my condo at doon nagpalipas ng oras. 12am kasi ay papasok siya sa office. Nakita ko kung gaano siya kasipag.
Maya maya ay tumawag ang Mama niya. Ni-loudspeak niya ito dahil nagaayos siya ng buhok.
[Alissandra, nasa Manila ka na ba?] tanong ng Mama niya.
"Yes Ma. Why?" tanong niya while combing her hair.
[Hindi ka ba dadaan sa bahay? Pinagluto kita.] Tanong nito.
"Packed lunch na lang Ma. Kailangan kong pumasok sa office ng maaga e. Daming aasikasuhin... daan na lang kami diyan Ma. Dalawahin mo ha." Kaswal na sabi nito.
[Aba syempre, hindi ko makakalimutan pabaunan si Kenzo!] galak na galak ang tono ng Mama niya.
Napabuntong hininga ako. Hay. Parang back to zero ako nito. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
One True Love R18 (ON GOING)
RomanceMay mga tao talaga na akala natin ay para sa atin. Mga tao na sinanay natin ang ating mga sarili. Minsan nga, akala natin... SIYA na talaga. Yun pala, siya lang pala ang magiging tulay at daan para matuto tayo sa buhay at makilala ang totoong nakala...