ALI'S POV
I am becoming more emotional as days passed by. Masyadong naging mababaw ang mga luha ko lalo na kapag nai-imagine ko na iiwanan ako ulit ni Dane. Bumubuhos talaga ang luha ko. Alam ko naman and naniniwala ako na hindi talaga gagawin na ni Dane yun pero naglalaro lang talaga sa isip ko. Baliw na ata ako. Kung anu ano tumatakbo sa isip ko.
Nauna akong magising kay Dane. Ang sarap pagmasdan nito matulog. Kahit naka nganga at tulo laway ay sobrang gwapo. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Sinubsob ko ang mukha ko sa mukha niya at pinaulanan siya ng halik sa labi.
"Hmmm bie..." ungot ni Dane. Tinawanan ko lang ito.
"I love you, Dane." bulong ko sa mukha niya. Kahit sobrang antok ay sumagot siya. "I love you too baby." at tsaka muling bumalik sa tulog.
Feeling ko naman okay na ako kay bumaba na ako. Hindi na kailangan mag bed rest. Dahan dahan nga lang ang bawat pagkilos ko para hindi na ulit ako mag cramps. I cooked breakfast for my husband and for my baby Blaze.
"Manang, asan sila Mama?" Tanong ko habang naglalabas ng ingredients sa ref.
"Ma'am, umalis po sila ni Senior Alfred. Sila Xander at Xia po pumasok na."
"Ahh. Okay. Saan daw nagpunta?" I asked again while thawing the frozen beef.
"Hindi ko po alam Ma'am e." Tipid nitong sagot. Itetext ko na lang si Mama mamaya.
Nagluto ako ng beef broccoli. Beef for Dane, Broccoli for me and my baby hehe. I saute the food with Oyster Sauce. For sure, magugustuhan ito ni Dane. Since ayaw ko ng fried rice, plain rice lang ang ginawa ko. I also cooked a lot of sunny side up eggs and blended some mango juice. Pakiramdam ko, suyang suya na si Dane sa orange juice e.
Saktong tapos na akong magluto ng kakainin ni Dane, bumaba na siya buhat buhat si Blaze.
"What are you doing here? You're not supposed to go down diba? You should be resting." Antok na antok na sambit ni Dane.
Hindi ko na lang pinansin. Resting resting eh okay na ako. Ngumuso na lang ako para hindi na kami magtalo. Ayoko muna makipagaway sa kanya.
Lumapit ako sa kanya and greeted him a good morning kiss. "Good morning, baby." I also kissed Blaze. "Good morning gwapong anak ni Mama."
"Hmma hmma." Tawag ni Blaze sa akin.
"Yes baby. Mama. Hihi." pinaulanan ko ulit ito ng halik.
Sinandukan ko na si Dane ng kakainin niya. "Wife... wag na masyadong kumilos. Manang, pasuyo naman po dito. Bawal pa kumilos si Ali."
"Yes sir. Sorry po. Ayaw po kasi magpatulong ni Mam."
Kinuha ko si Blaze kay Dane at sinubuan. "Ako na, kumain ka ng maayos." Utos ni Dane sa akin.
"Hindi na, ako na. Ikaw ang kumain ng maayos."
Hindi na pumalag si Dane. Hehe. Pero sinusubuan niya ako from time to time lalo na kapag hindi na ako nakaka-subo ng maayos dahil inuuna ko si Blaze. Nagpagawa ako ng kape para kay Dane and nagpalaga ng puting mais. Haiiii! Kahit ito lang ang kainin ko buong year ay okay lang sa akin. Napakasarap talaga.
"Dane..." tawag ko kay Dane na seryosong nagkakalkal ng e-mails sa cellphone niya.
"Bie, could you please stop calling me Dane. Babe kasi. Babe!"
Ang aga-aga ang init naman ng ulo nito. "Okay BABE." Nakangiti kong sagot habang pinagdidiinan ang salitang BABE.
Wag daw tawagin Dane, eh pangalan niya yun. Magalit siya sa Nanay niya. Yun ang pinangalan sa kanya e.
BINABASA MO ANG
One True Love R18 (ON GOING)
Lãng mạnMay mga tao talaga na akala natin ay para sa atin. Mga tao na sinanay natin ang ating mga sarili. Minsan nga, akala natin... SIYA na talaga. Yun pala, siya lang pala ang magiging tulay at daan para matuto tayo sa buhay at makilala ang totoong nakala...