DANE'S POV
1 WEEK LATER
Nagkayayaan maginuman sa bahay pero sinabi ko na hindi pa ako pwedeng uminom kaya wag na lang silang pumunta. Maiinggit lang ako sa kanila. Isa pa, bantay sarado ako kay Ali. Ayoko rin naman pumuslit dahil ayoko ng magalala sa akin ang asawa ko.
Eh kaso puro kupal mga kaibigan ko, kaya ayun. Nagpunta sila sa bahay kahit sinabi ko na wag na.
"Diba sabi ko hindi naman ako pwedeng uminom. Bakit nagpunta pa kayo?" Nakasimangot kong salubong sa kanila.
Tinignan ako ni Blake.
"Ha? Eh hindi ka naman namin niyayaya. Dito lang kami pupwesto." Natatawa siyang nilampasan ako at ipinasok na sa bahay namin ang cooler na dala nila na may mga laman ng beers.
Aba! Gago talaga noh?
"Bakit dito? Wala ba kayong mga bahay?" Inis kong sagot.
"Syempre gusto daw niya makita si Ali hahahahahahaha" sabat ni Jerson.
Sinipa ito ni Blake sa pwet. "Gago!" Singhal nito sa baliw namin tropa.
Hindi ko na lang pinansin. Tinawanan ko na lang sila. Kahit naman anong gawin nila sakin lang ang asawa ko eh. Hahaha.
Dumating si Kenzo, Brie, Blake, Hubert, Howard, Jerson. Kasama na rin sa tropahan namin sina Xander, Ryu at Gelo. Dumating din si Sienna at Xia.
Sabay na dumating si Sienna at Xander. Nagdabog paakyat si Jeice ng makita niya yun. Meron pa silang isang kasamang babae. Si Lara. Classmate daw nila Gelo nung College.
The girl seems to be familiar to me.
Nagkatinginan kami ni Ali. Dire-diretso si Xander na pumasok sa bahay ng hindi kami kinikibo ng ate niya. Ngumuso si Ali ng hindi siya pansinin ng kapatid.
May problema siguro 'tong dalawa. Dagdag mo pa na kinausap niya si Xander tungkol sa naging pagtatalo namin about sa relasyon nila ni Jeice. Siguro... nagtatampo 'to samin.
Sa garden kami nag-inuman. Kinuha ako ni Ali ng wine. Tinawag niya naman sa doctor ko yun, pwede naman daw akong uminom ng wine.
Tss. Wala naman dating 'to. Hindi naman ako tatamaan dito.
Tinignan ko si Xander. Panay ang text lang. Magkatabi sila nung Lara. Sa kaliwa niya, si Sienna tapos si Gelo na masayang nagkukwentuhan. Mukhang nagkakamabutihan na nga.
"Oi Blake... yung kapatid mo ha. Masyadong madikit sa kapatid ko." Pabirong sambit ni Kenzo kay Blake.
"Tss OA mo. Malalaki na yan sila." Sabi ni Blake sabay inom ng beer.
"Ulol. Lalake kasi kapatid mo." Sagot ni Kenzo habang tumatawa.
Oh diba? Pareho kami ng sentiments nito ni Kenzo. They will never understand the feeling. Babae ang kapatid namin. Iba yun, kahit na legal age na sila.
"Ilang taon na si Sienna?" Tanong ko kay Ken.
"Turning 18 this year." Sambit ni Kenzo habang nagbubukas ng in can.
"Okay lang sayo na ganyan sila ni Gelo? I mean, she's too young." Tanong ko dahil gusto ko lang humingi ng opinyon nila sa mga ganyang bagay.
"Okay lang sakin. Pinagdaanan din naman natin yan pre. Mas gusto ko yung nakikita ko kesa yung makikipag relasyon siya ng patago." Kalmadong sabi ni Kenzo sa akin.
"Tayo nga diba? Ilan taon ba tayo nag jowa jowa." Natatawa niyang pahabol.
"What if ma buntis siya? Okay lang sayo?" Muli kong tanong. Hindi ko nga alam kung bakit yan agad ang natanong ko e.
BINABASA MO ANG
One True Love R18 (ON GOING)
RomanceMay mga tao talaga na akala natin ay para sa atin. Mga tao na sinanay natin ang ating mga sarili. Minsan nga, akala natin... SIYA na talaga. Yun pala, siya lang pala ang magiging tulay at daan para matuto tayo sa buhay at makilala ang totoong nakala...