1 month after Cebu
KENZO's POV
Walang nagbago sa samahan namin ni Sandy simula nung bumalik kami rito. In fact- mas naging close pa kami. Okay na rin kami ni Dane. Hindi na siya gaanong nagseselos sakin. Hindi gaano kasi paminsan-minsan ay nagseselos pa rin sakin. Hahaha. Siraulo talaga e.
Magkasama kaming tatlo sa office. Isa na rin si Dane sa Site Client na on-hand at ang focus ay yung Site namin sa Pasay.Masyadong hard-working ang isang 'to. Nagtataka nga ako kung paano pa sila nakakakuha ng me-time nila ni Sandy.
Maya maya
"How many agents have shift today?" Mataray na tanong ni Sandy sa MOD. Salubong ang kilay.
Which means Moderator: sila nagaayos ng Schedules, LogIns, Staffing and Adherence ng Site at ng mga ahente.
Sumagot si Ecka. One of the MODs "80 voice agents po." Kinakabahan na sagot ni Ecka.
Hindi ko maiwasan ang magalala. Hindi kasi ganyan si Sandy sa mga tao rito. Last week pa siya nag start maging mataray at suplada. Laging mainit ang ulo at laging masama ang pakiramdam.
"Hey what's wrong?" Hindi ko na napigilan ang sarili kong sumali sa usapan nila. Ang pangit kasi ng atmosphere. Lahat naiilang kay Sandy. Kaka-start lang ng shift ang init init na agad ng ulo.
Tinignan lang ako ni Sandy at inirapan. Ni hindi man lang ako pinansin. Abnormal.
"80 agents pero 50 lang ang naka log in? Nasaan ang iba? Have the TLs submitted their A.R already?" Tumataas na ang boses niya.
(NOTE: A.R means Attendance Report)
"Y-yes po."
"May absent ba?" Mataray na naman niyang tanong.
"There's none boss." Sagot ni Ecka. Lumapit ako kay Ecka at tinapik siya sa likod. Para kasing iiyak siya anytime.
"Eh bakit singkwenta lang ang naka log in?!" Inis na inis na tanong ni Sandy.
"Have everyone log in!" Sabi niya sabay walk out.
Sinundan ko siya sa cubicle niya. "Anong drama mo? Sungit sungitan ka?" Nakasimangot siya habang may ginagawa sa PC niya.
"Busy akong habulin ang service level ng site Ken! Wag mo akong asarin ngayon!" Hala! Anong kinain nito? Napaka sungit! Nagtatanong lang ako e, nangaasar na agad?
"Ano?! Labas na!" Sigaw niya sa akin.
Napaka init ng ulo. Pagtalikod ko ay nakita ko si Dane na pumasok sa office. Nag high five kami. Nakita ko rin ang mga dala niyang pagkain na malamang para kay Sandy.
"Where is she?" Tanong niya sa akin. Tinuro ko ang cubicle ni Sandy.
"Nasa loob. May dragon diyan brad, ingat ka." Natatawa kong asar sa kanya.
Wala pang ilang segundo. Narinig ko na ang pagbagsak ng pinto ni Sandy.
"oh bro? Anong nangyari?" Natatawa lang si Dane na naglakad palapit sa akin.
"I don't know... she just grabbed the food and didn't let me in" Natawa ako.
Nagsimula na kaming magtrabaho ni Dane.
Lumipas ang mga araw nanatiling masungit si Sandy. Hindi namin alam kung bakit. Baka time of the month niya kaya ganun. Bigla bigla na lang iinit ang ulo which is not her talaga.
BINABASA MO ANG
One True Love R18 (ON GOING)
RomanceMay mga tao talaga na akala natin ay para sa atin. Mga tao na sinanay natin ang ating mga sarili. Minsan nga, akala natin... SIYA na talaga. Yun pala, siya lang pala ang magiging tulay at daan para matuto tayo sa buhay at makilala ang totoong nakala...