Ilang linggo na rin ang nakalipas at marami ang nangyari sa bawat linggo na lumipas sa buhay ko lalong-lalo na sa amin ni third. Buti nalang hindi na nagspread ang maling rumor pagdating sa aming dalawa. Noong nakaraang linggo ay napagkamalan na may anak na ako dahil may nakakita sa amin na may kasama akong bata, kaya kumalat sa campus namin na naging slut ako. Hindi man magandang pakinggan at nakakasira ng dignidad ay agad naman itong pinabuluan at nawala rin ang maling balita dahil mismong si third ang nagsabi sa kanila na mali ang nakita nila.
Kaya nga maraming namamatay sa maling akala, nakakainis kasi ang mga tao makikita ka lang sa kung saan gagawan na agad nila ng kwento. Hindi pa man nakikita ng tao ang nasa likod nito alam ko naman na mabebesto rin siya. Wala naman sigurong secreto na hindi mabubunyag di ba?
Kaya sa mga araw din na yon ay hindi ako pumasok, hindi dahil totoo ang balita kundi nagkasakit ako kaya dalawang araw din akong hindi pumasok. Dahil naboboring ako sa dalawang araw na pagliban ko sa klase ay tinapos ko na ang pinapagawa ni third na bahay sa akin, halos gawin na nga niyang boarding house ang bahay namin dahil pagkatapos niya pumunta sa klase ay dadaan siya sa bahay para makita daw ako pagkatapos ay nagmamadali siyang umalis dahil busy din daw siya.
Nakakaselos man isipin, oo minsan nakakaselos dahil hindi naman niya sinasabi kung saan siya pupunta kaya ayos lang sa akin atleast lagi ko naman siyang nakikita.
Mabuti nalang noong nagpunta siya sa bahay ay hindi niya nakita ang ginawa kung blueprint ng bahay na pinapagawa niya sasabihin ko nalang sa kanya mamaya. Hindi pa kasi kami nagkikita mula nung pumasok ako kasama ko pa ngayon ang mga kaibigan ko, ewan ko ba sa dalawang araw ko lang na hindi pumasok ay parang ang dami-dami ko ng hindi nalalaman sa kanila. Gadget ba sila para e-update ko pa napansin ko kasi si celine wala dito kasama daw yong fiance niya kuno, si john naman parang nawawala busy daw yata, habang si colline ayon deadma dahil sa kakareview asahan mo na sila paul at gwen magkasama pero ayon ng LQ yata sila nagbabangayan kasi. Si jared naman busy din na katulad ni colline ako yata ang kailangan na e-update hindi sila?
Dahil wala naman akong maistorbo sa mga kaibigan ko ito ako nagpasya ng umuwi nalang sa bahay, nakakapanibago lang talaga. Kaya ayaw ko sa lahat ay mag-absent buti nalang sa quiz namin may mga nakuha pa ako. Pagdating ko sa bahay bigla ko nalang naisip na hindi ko napansin si third kanina hindi kaya siya pumasok? Bigla naman akong kinabahan sa naisip ko. Di kaya may iba na siyang nagugustohan? Hindi naman siguro mali masyado lang akong nag-uunder estimate dahil hindi ko siya nakita ngayon sa school. Ano ba itong pumapasok sa isip ko parang hindi ako ganito dati ha? Ano ba ang nagyayari sa akin.
"bulaga" biglang may humawak sa balikat ko, at sumigaw pa ng bulaga kaya naman nagulat ako at pinaghahampas ko siya ng bag na hawak ko. Buti lang sa kanya. Siya lang naman ang isang tao na labas masok sa bahay namin, pati sa kwarto ko hindi man lang marunong kumatok.
"grabe ka palang magulat" sabi niya at saka umupo malapit sa study table ko.
"ikaw kaya ang gulatin no? Bakit ka ba kasi nandito, tapos hindi ka ba marunong kumatok?" ngumiti lang siya sa akin
"gusto lang kitang asarin, and ito na nga naasar ka nga."
Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya, kinuha ko na yong blueprint na ginawa kong bahay at pinakita sa kanya. Inilapag ko sa study table ko kung saan siya nakaupo. Tinignan naman niya ang ginawa ko pinagmasdan at para bang may inaalam pa siya sa ginawa ko. Saka siya nag salita.
"bakit mo naman naisip na ganito ang blueprint ng bahay na ginawa mo?"
"yan ang unang pumasok sa isip ko na concept, habang ginagawa ko kasi yan iniisip ko kung igagawa ko ang ibang tao ng bahay kailangan comfortable ang mga taong titira sa bahay na ginagawa ko. Inisip ko nalang kung ako ang titira sa bahay na yan bubuo ako ng mga masasayang memories kasama ang family ko, isang bahay na ang sarap-sarap uwian. Dahil ang bahay na ito ay isang treasure na kailangang punuin ng masasayang ala-ala at pamilya na punong-puno ng pagmamahal. Kaya sa mga susunod ko pang gagawin pag-iisipan ko talagang mabuti. Kaya nga gusto ko din sanang kausapin yong nagpapagawa para matanong ang gusto nila but nagkasakit nga ako wrong timing ito ginawa ko nalang."
BINABASA MO ANG
Someone to hold (uncut)
Teen FictionDisclaimer: The story is intended only for people age must be 19 years old and above. If you are not the intended recipient you are notified that disclosing, copying, distributing or taking any action in reliance on the contents of this informatio...