Ilang buwan din ang nakalipas supper busy talaga ako, halos lahat ng activity sa school pinasokan ko na. Ang pag-oorganize ng event lahat lahat na pati ang sa pag sali sa contest ay sinalihan ko na din. Sa pangungulit din kasi ng mga best of friends ko napapayag na ako.
Katuwaan din kasi namin wala lang para naman may magawa akong nakakatawa talaga na sa sarili ko ako ang may gawa, hindi ang ibang tao ang gumawa mismo para maging kakatuwa ako. Para sa akin hindi na issue yong ginawa nila infact pag pumupunta si jhen sa bahay namin hindi ko nalang pinapansin. Cold ba? Hindi naman hindi ko lang feel basta lang, kung tatanungin niyo naman si third hindi ko alam pero good thing hindi na siya nakakaepal sa buhay ko. May feelings for him,? may kunti pa rin pero dahil nga busy ako nakakalimutan ko na paunti-unti.
Minsan nga natatawa nalang ako sa sarili ko kung bakit siya pa. Hay kaya ko to! Mag isa akong nagdesisyon kaya magisa ko din haharapin ang mga consequences. Hindi na din ako nag abalang sabihin kay papa at mama ang totoong nagyari dahil ayoko ng magalit sila sa akin. Sinabi ko lang na hindi nagwork out ang relationship namin kaya ako ang nakipag break sa kanya. Biruin niyo one week akong grounded? First time to my entire life na e-cut ni papa ang allowance ko at hatid sundo pa ako sa school nakakahiya. For God sake buti nalang sumabat si mama kasi dapat two weeks yon, mahal na mahal ko talaga si mama.
"hoy nakangiti ka diyan? Tara na my practice pa tayo" sabi ni john sa akin.
Oo nga pala kasali kami sa battle of the band this coming February, kasali nga din ako sa pag oorganize ng event multi tasking. Ako na yon. Isa pa kaya napapayag akong sumali dahil alam kong kasali ang banda ni third, but im not sure if pati siya kasali.
"nix uupo ka nalang ba jan?" sabi ni john sa akin sabay snap sa kamay.
"ayan na nga susunod na ko" sabi ko sa kanya.
"kung hindi sa office at library nasa chaple ka naman, ano bang meron jan?" tanong niya. Hindi ko nalang siya sinagot.
"halika na nga bilisan mo, daig pa kitang maglakad kung hindi lang kita kaibigan iisipin kong bading ka." sabay smirk ko sa kanya
"sa pogi kong to bading? Mahiya ka sa balat mo oi." sabi naman niya
Nakakatawa talaga si john kahit kilan siya ang komik sa barkada namin.
"Practice na tayo." sabi naman ni jared sa amin.
Si jared ang guitarist namin at truly yours ako din po, vocalist namin si john at colline, pero may part din si colline sa piano, si paul naman ang bahala sa drums. Astig namin no? Hiddin talent namin yan. Si gwen at celine kasi my sinalihan na kaya wala na silang time para makapag practice pa sila. Going stronger naman ang relationship nila gwen at paul. Bali tatlong songs ang kailangan namin eprepare kaya kahit na trip lang namin sumali ay nagpapractice-practice din kami. Hours passed natapos din kami sa practice.
"grabe nakakapagod!" sabi ko na sakanila. Nakakangalay din kaya ang mag guitar ng ilang oras. Like hello?? Babae po ako hehe joke lang basta napagod lang ako ngayon.
"nix ikaw na talaga ang pagod." sabi naman ni colline.
"biro lang kayo naman, so uwian na?" tanong ko sa kanila. Aba hindi ako pinansin I smell somethings fishy today.
"jared tara na hatid mo na ko." sabi ko sa kanya, actually kung hindi si jared ang naghahatid sa akin minsan si travis. Ewan ko sa dalawang yon parang dagdag na din sa circle of friends namin si travis yon nga lang minsan minsan lang siya nakakasama sa group.
"aba ayan ka nanaman" sabat naman ni john sa akin
"wait lang guys next week wala na tayong pasok, mall tayo." sabi ni colline
"thats great" sabi ni gwen na ngayon ay kararating lang kasama si celine
"so tara na?" sabi ni paul
Kaya ayon sa mall din kami nauwi. Mejo gabi na nga nung nakarating kami kasi late na din kami natapos sa practice.
"Guys san tayo?" tanong ni celine
"Kain nalang tayo it's my treat" sabi ni paul.
To make the story short kumain lang kami gaya ng dati we chat- we chat, wait give me a moment pa. Ayon duma-the-moves na. Pagkatapos ay lumabas na kami,
"wait CR lang ako" sabi ni celine
"sandali ako din sabi ko sa kanya" kaya sabay na kaming pumunta.
"nix una na ako ha? matagal ka pa ba?" tanong ni celine sa akin. Nasa loob pa ako, kasi naman nagaayos pa ako.
"sige sunod na ko"
Presto after 10 mins ay natapos din akong nag-ayos. Ewan ko ba bakit feel ko lang mag ayos. Palabas na ako sa CR nang may nabangga akong babae hindi ko na kasi nakita kasi tinignan ko pa ang sarili ko sa salamin, agad ko naman pinulot yong wallet nung babae at humingi ako ng paumanhin.
"uh camille it's you darlin" sabi nung babae na hindi ko pa nakita kasi niyakap niya ako agad.
Blank ang isip ko kung sino ang yumakap sa akin, hanggang sa narelease niya yong pagkakayakap sa akin. I was shucked realizing that she is his mother.
"good evening po tita" bati ko sa kanila, tapos ngumiti ako. awkward feeling broke the silence, o sa akin lang nagparamdam yong awkward moment na yon kasi naman di ba si tita anna yon ang mama niya. Feeling ko pa nafroze ako sa kinatatayoan ko.
"nix" tawag sa akin ni jared. Hindi ko alam nakatitig lang ako kay jared that time wala ng lumalabas sa bibig ko, hanggang sa natauhan akong hawak-hawak niya ang kamay ko na palayo sa mama ni third. Ang weak ko naman yan ang biglang sumagi sa isip ko, akala ko ba wala na? Bakit? Hanggang sa nakatitig na lang ako sa kamay ni jared na hawak-hawak ako. Realizing again na ang sakit ng pagkakahawak niya sa kamay ko.
"aray jared masakit." reklamo ko sa kanya tumingin lang siya sa akin, pero may kakaiba sa kanya.
"aray jared ano ba masakit na kasi." hinila ko yong kamay ko pero hinigit niya ito, kaya napalapit ako sa kanya. Sabay kaladkad sa akin.
"All this time nagtitimpi ako, lahat inintindi ko pero nickie tao lang ako nasasaktan!! Ang tanga ko din kasi..." hindi niya tinuloy ang sasabihin niya. Naguguluhan ako sa mga kinikilos ni jared.
"jared..." sabi ko sa kanya
"nickie simula pa lang mahal na kita at minamahal kita sa kabila ng lahat ng nagyayari nasasaktan ako kapag nakikita kang ganyan! Kahit na anong pilit kong gawin hindi ko mapigilan ang sarili ko na magselos. Oo alam ko mali at wala akong karapatan kasi magkaibigan lang tayo pero itong nararamdaman ko sayo sasabog na. Kahit na hindi mo ipakitang hindi ka nasasaktan nararamdaman ko yon!"
Hindi ko namalayan na umiiyak nanaman pala ako, akala ko magaling akong manlinlang. Pero ano tong mga sinasabi ni jared sa akin? Naguguluhan ako hindi ako makapagsalita, hindi ko alam ang sasabihin ko dahil ako mismo ay hindi ko din alam ang gagawin. Ngumiti siya sa akin pero ako blank pa rin. Habang pinupunasan niya gamit ang thumb niya ang luha sa aking mga mata.
"sSshhh" sabi niya at ngumiti ulit sa akin. Para bang narelief ako sa ngiti niya kaya ngumiti din ako. Parang tanga ko lang iiyak tapos ngingit. Sorry sabi niya sa akin. Tapos hinawakan na ang kamay ko.
"Balik na tayo malamang kanina pa sila naiinip tagal mo sa CR" sabi niya. "Ayan gamitin mo muna" inabot niya sa akin ang kanyang panyo. Inayos ko naman ang sarili ko para hindi ako mahalatang umiyak.
Pinigilan ko naman siyang maglagad, lumingon naman siya sa akin.
"halata ba?" tanong ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at tinignan ang aking mga mata, tinakpan niya yong mata ko kaya napapikit ako.
"hindi na" sabi niya at ngumiti.
"Ang tagal niyo naman, san pa ba kayo nanggaling." tanong ni john
"jan lang my tinignan kami" sagot ni jared. Hindi na ako sumagot
Sa sasakyan tahimik lang ako habang ang mga kasama ako ay nagkukwentuhan. Napatingin ako sa harap kaya nakita kong nakatingin si jared sa akin gamit ang front mirror sa driver seat. Siya kasi ang nagmamaniho yong sasakyan niya kasi ang gamit namin. Tumingin ako sa panyo na kanina ay inabot niya sa akin, sabi nila kapag may isang taong mag-aabot ng panyo sa iyo paiiyakin ka lang niya. Gaano ba katotoo ang kasabihan na yon?
BINABASA MO ANG
Someone to hold (uncut)
Teen FictionDisclaimer: The story is intended only for people age must be 19 years old and above. If you are not the intended recipient you are notified that disclosing, copying, distributing or taking any action in reliance on the contents of this informatio...