Nasa mall kami ni jhen sinamahan ko siya na bumili ng gamit niya, mamaya ay byahe na sila papuntang Pangasinan.
"couz bilis halika tignan mo to maganda ba?" tanong niya
"okie lang pero mas maganda itong isa."
"sukat ko lang couz"
Kanina pa siya pili ng pili ng damit lahat naman na sinusukat niya ay binibili niya, itong pinsan ko talaga buti nalang masipag ako ngayon. Tinakasan ko kasi si third umagang umaga nasa bahay na siya, buti nalang umalis na si papa at mama kung hindi magkasama nanaman kami ngayon. Hindi naman sa ayaw ko pero hindi naman namin kailangan na careeren yong pagpapanggap namin.
"couz what do you think?"
"maganda bagay na bagay sayo"
"bilihin ko na rin to, wait lang couz magbabayad lang ako."
Parang kilan lang magkasama kaming bumili ng damit, ang dami pa rin niya pinamili. Pagkatapos niyang bumili niyaya niya na akong umuwi tumawag na si tito sa kanya.
Nakarating na kami sa bahay hinihintay na pala kami ni tito kaya hindi na nakapag palit si jhen. Umakyat muna ako sa kwarto para magpalit, pagkatapos ko ay umupo muna ko sa study table ko. Gusto kong magpaint kaya kinuha ko ang mga gagamitin ko at nilabas sa garden. Inaayos ko na yong gamit ko biglang may cute na tuta na lumapit sa akin. Ang cute very fluffy brown ang kulay and it's tail bends over its back waAhHh Pomeranian dog yata kanino kaya ito? Lumabas ako para tignan kung kanino aso yong pumasok sa loob, nakita ko si manang na sinasarado ang gate kaya nilapitan ko. Hindi nila na pansin yong aso na pumasok, sabi nila baka alaga ng kapit bahay. Kaya tinali ko muna yong tuta sa labas ng gate para kung hahanapin siya ng may ari ay makikita niya.
Waarfff...waarrfft... Nakakaawa naman yong tuta sa garden ko nalang ilalagay ito nalang ang next na ipapaint ko.
Tinali ko muna yong tuta kasi ang likot likot, mahirap i-paint ang gulo gulo kasi hindi ko tuloy makuha. Hanggang sa napagod siguro yong tuta at umupo sa bermuda. Inulit ko nalang yong una para maganda.
Tada!! tapos ko na din parang ang bilis.
"tsk..tsk.tsk kanina ko pa hinahanap si meran andito lang pala."
"third, sinong meran?" tinuro niya yong tuta
"ikaw nagaalaga ng aso? parang wala naman sa personality mo" ngumiti lang siya
"sinong kasama mo?"
"si manang lang umuwi sa provice sila tito rick at jhen."
"that's good" lumapit siya
"ang alin?"
"nothing"
"anong ginawa mo dito?"
"tatambay lang, buti dito nag punta si meran"
"baka sinadya mong papasukin dito?" ngumiti lang siya, tinignan niya yong aso na pininta ko
"ang galing ng girlfriend ko akin nalang to ha uuwi ko mamaya"
"tigilan mo nga ako sa kakagirlfriend na yan."
Manang: Nickie hija kumain ka na nakahanda na ang pagkain.
Ako: opo manang susunod na ako jan. kumain ka na ba?
Third: not yet
"dito ka nalang kumain, want mo?"
"sure"
Sabay kami ni manang na kumain tahimik lang kami ni third panay ang tingin namin sa isa't isa, buti nalang hindi kami napapansin ni manang. Natapos na kaming kumain si third ay bumalik sa garden nilalaro niya si meran yong tuta ang cute. Aliw na aliw akong tinitignan si third haha ang dami niyang other side.
"labas tayo?" tanong niya
"ayoko mainit"
"sa playground lang tayo, magpapahangin lang tapos uuwi din tayo agad"
"promise? hahatid mo din ako?" Ang arti ko!
Pagdating namin binigay niya sa akin si meran, buti nalang behave siya. Mabuti din hindi na masyadong mainit marami din kasing mga puno, umupo muna ako sa bench. Kakaunti pa lang ang tao dito usually kasi puro bata ang nandito naglalaro.
"ill be leaving for a couple of days"
"huh?" kuniha niya sa akin si meran at tinali sa seesaw.
"i need to fix something" umupu na rin siya
"i am telling you this because.." hindi ko na siya pinatapos baka sabihin pa niyang girlfriend niya ko parang sira kasi pati yan sasabihin pa.
"stop.. ayos lang hindi mo na kailangan pang sabihin pa." ngumiti ako sa kanya. Ang saya-saya hindi ko na siya makakasama sa ilang araw wahaha im free im free.
"i will miss you" sabi niya. Napasinok ako ng tatlong besis, biglang humangin tinignan ko siya parang ang gwapo niya sa paningin ko. Habang tinititigan ko ang mga mata niya na parang nangungusap naramdaman ko ang tibok ng puso ko parang bumilis, sa kaba?? Bakit?? at Para saan, di kaya..... no! it can't be!! Relax lang inhale exhale hindi dapat. no...no.. NO!!
"hi ayos ko lang camille...... camille!"
"b-bakit?" nauutal ko na sinabi
"ayos ka lang?"
"maiinit na dito uwi na tayo" tumayo na ako hindi ko na siya hinintay.
Kinuha pa niya si meran katulad ng dati kahit nauna akong naglalakad ay nauunahan niya ako, minsan kasi tumatakbo yong tuta baka masakal pa yong pinakamamahal niyang alaga kung hihilain niya kawawa naman. Tahimik lang ako na naglalakad pinipilit kong iwala sa isipan ko ang mga sinabi niya kanina. Habang tinitignan ko siyang naglalakad may kakaiba akong nararamdaman, parang gusto ko siyang yakapin ang ganda kasi ng likod niya. Ano ba naman to ang weird ng pakiramdam ko ayoko nito.
"camille saan ka pupunta?"
"ha? Bakit?"
"nasa tapat na tayo ng bahay niyo, are you okie?"
"ah oo nga pala." ngumiti ako sa kanya. Lumapit siya sa akin hinawakan ang forehead ko
"are you sick?"
"hindi mainit lang talaga kanina wala akong sakit."
"Halika na nga" hinawakan niya ang kamay ko, pumasok na kami sa loob ng bahay.
Bakit ganon parang hindi na ako nasanay ilang besis na niyang hinawakan ang kamay ko, pero kanina nung inabot niya ang kamay ko parang uminit. Mainit ang kamay niya tapos may naramdaman akong biglang kuryenti. Meron bang ganon? Kaya nung bumitaw na siya sa pagkakahawak sa kamay ko tinignan ko ang mga palad ko haha parang bata haist. Kinuha ko ulit ang kamay niya pero wala ng kuryenti. Nagtataka na siguro siya sa akin.
"third uwi ka na?"
"yup, iwanan ko sayo si meran. iiwan ko sayo yong duplicate ng susi sa apartment. Ayos lang ba?"
"bakit pati susi, hindi na kailangan."
"paano ang pagkain niya?"
"oo sige na, madali lang yan"
"paligoan mo din, pagdating ko dapat malusog pa rin si meran. pakainin mo pag gutom, wag mong iwanan sa araw para hindi pumangit."
"ang dami mong sinasabi, saan ka ba pupunta?"
"secret, i'll tell you soon"
"oo na. bilis shoo..shoo alis!" pinalayas ko na nga, kung hindi lang cute itong si meran hindi ko to aalagaan.
BINABASA MO ANG
Someone to hold (uncut)
Teen FictionDisclaimer: The story is intended only for people age must be 19 years old and above. If you are not the intended recipient you are notified that disclosing, copying, distributing or taking any action in reliance on the contents of this informatio...