Pass eight na nakauwi sila mama at papa naghanda na si manang ng dinner. Nabangit ni migz na nasa bahay namin si third nakita kasi niya yong niluto ni manang na lugaw kaya ang kapatid kong madaldal ay sinabi kay papa.
Binilin niya na alagaan ko daw si third at pakainin pagkagising niya, hanggang ngayon kasi ay tulog pa siya. Wala akong choice sa sinasabi ni papa dahil ang alam niya ay may relasyon kami ni third. Ano pa ba ang magagawa ko? Sabi ko nga wala akong magagawa anjan na yan, hanggang kilan ba matatapos to? haayyy. Umakyat na ko sa kwarto dahil ayoko ng makarinig ng sasabihin ni Papa.
⏰ 9:00 pm
⏰ 10:00 pm
⏰ 11:00pm
grabe wala bang balak na magising si third? Hinawakan ko ang forehead niya may lagnat pa siya pero hindi katulad kanina na sobra ang init at pawis na pawis. Inaantok na ako saan ako matutulog? Dahan dahan akong kumuha ng isang unan tapos kumuha na ako sa baba ng kumot, paakyat na ako sa kwarto nakita ko si jhen na kadarating lang, hindi ko na siya hinintay antok na kasi ako. Inayos ko yong couch at doon nakatulog.
Naalimpungatan ako sa boses na narinig ko kaya bigla akong nagising.
"matagal ng wala jhen" nagsleep talk siya? sino si chen ba yong narinig ko o ben? tinaas niya yong isang kamay niya kaya nagulat ako muntikan na akong masampal. Baka may hinahanap siya sa panaginip niya. tssk...tssk... Nilapitan ko siya para gisingin baka kasi binabangongot na siya. Mamatay pa siya sa bahay namin katakot naman sa kwarto ko pa.
"third gising! hoy gumusing ka na kanina ka pa natutulog" inalog ko na siya sa braso niya ay di pa rin siya gising
Hinawakan ko yong kamay niya, meron pa naman siyang pulso, ano bang nagyayari sa kanya. Ano ba naman to. Nilapit ko yong mukha ko sa dibdib niya meron din tumitibok pa rin ang puso niya. Talaga bang tulog mantika siya o ganyan lang siya kasi may sakit?
"third akala ko ba uuwi ka na? Anong oras na hanggang ngayon tulog ka pa rin." bulong ko sa kanya.. Nagulat ako sa bigla niyang paggising kasi magkalapit na magkalapit ang mukha namin dalawa. 10 seconds din kami nagkatitigan kaya lumayo ako sa kanya.
"anong banabalak mo sa akin?"
"a-ah w-wala no" Umupo na siya sa higaan
"kunyari ka pa, may gusto ka na sakin no?" asar niya sa akin
"kanina pa ako gising hinawakan mo pa ang kamay ko at pinatong ang ulo mo sa dibdib ko" may pakindat kindat pa siyang nalalaman akala mo cute hindi naman... ahmm okie sige na nga 1%..
"ang kapal talaga ng mukha mo!" Kinuha ko yong unan at hinampas sa kanya.
"hey ano ba, stop it!" hinagis ko na lahat ng unan sa kanya
"im just kidding.. hey!!" sabi niya kaya hindi ko na hinagis sa kanya yong kumot na hawak ko. Biglang pumasok si papa sa kwarto... anong meron??
"princess!" nagulat kaming dalawa kay papa. Lumapit siya kay third tinanong nila kung magaling na siya, sabi naman ni third ay sumakit ang katawan niya kasi binato ko siya. Hindi naman makalas yon di ba? Busit naman ohH. Ayan tuloy nautusan pa ako. Ang nakakainis ay dito pa magstay si third, hell!!! Hindi na nagiisip si papa babae kaya ako anak nila ako tapos magtitiwala sila sa lalaking to hmppt! may kabilang kwarto pa naman ang OA!
Bumaba na ako para kumuha ng makakain ng halimaw na si third, kung may lason lang dito lalagayan ko to haha joke lang kahit kilan hindi ko gagawin, kahit na galit o inis ako sa isang tao. Mabigat na kasalanan pa rin yon katakot. Pagbalik ko sa kwarto ay wala na si papa kaya nilapag ko na yong pagkain ni halimaw.
"kumain ka na, magaling ka na siguro di ba?"
"hindi mo ko susubuan ulit?"
"ano ka sinuswerte?" tumalikod na ako sa kanya. Umupo na siya sa study table at tinitignan ang pagkain na dinala ko.
BINABASA MO ANG
Someone to hold (uncut)
Teen FictionDisclaimer: The story is intended only for people age must be 19 years old and above. If you are not the intended recipient you are notified that disclosing, copying, distributing or taking any action in reliance on the contents of this informatio...