Kinibukasan parehong routine lang naman ang ginawa ko, napaaga ang practice namin tapos mamaya my meeting ulit. Napatingin ulit ako sa chapel jan kami huling nag usap tanda ko pa yon. I sigh nagpatuloy na akong maglakad biglang may humawak sa mga kamay ko, paglingon ko sa kanya.
"pwede ba tayong mag usap?" tanong niya sa akin. Hindi ako makasagot, biglang umurong ang dila ko. Only to find out nakahawak pa siya sa kamay ko na naglalakad parang bata. Una siyang naglakad habang ako sumusunod sa kanya, napansin ko na parang pumayat siya mejo mahaba na din ang buhok niya hindi na gaya ng dati na parang laging nakapurma.
"may gagawin ka ba mamaya?" tanong niya sa akin nagnod lang ako. Parang hindi ako makapagsalita pero marami akong gustong ikwento sa kanya. Ngayon na magkasama kami pilit kong hinahandle yong emotion ko para hindi niya mahalata.
"pwede bang bumalik tayo sa dati?" tanong niya sa akin. Hindi ko alam ang isasagot ko dahil wala talaga akong idea na sasabihin sa kanya. Yong isip ko parang blank na hindi makacompose ng sasabihin sa tanong niya.
"ayos lang sa akin kahit na hindi mo ako pansinin o kausapin pero please huwag mo naman akong iwasan." hinayaan ko lang siyang magsalita dahil naramdaman ko na parang nanggigilid ang aking mga luha. Parang bumigat ang aking pakiramdam sa sinabi niya.
Kung sabagay totoo naman lagi ko siyang iniiwasan, kahit na gusto ko siyang lapitan. Pero paa ko mismo ang kusang lumayo dahil takot na akong masaktan.
Hindi ko siya sinagot, tumayo ako at nagpaalam nalang sa kanya. Nagmadali akong naglakad para lang makalayo sa kanya, sa CR ako nagpunta buti nalang at walang tao. Tinignan ko ang mga mata ko, hindi naman halata na napaluha ako. Nag-ayos ako ng sarili ko at saka ako lumabas at nagtungo kung saan kami magpapractice.
"nasan na yong iba?" tanong ko kay jared gaya ng dati para hindi awkward ang atmosphere. Kahit may sinabi siya sa akin kahapon tanda niyo?
"lumabas lang sandali, uhmm about kahapon hindi ko sinasadya." sabi niya sa akin na hindi nakatingin. Parang hindi mapakali na ewan kaya natawa ako sa kanya.
Lumapit ako sa kanya at tinignan siya, namumula siya kaya napangiti ako.
"anong meron?" tanong niya sa akin. Ngayon ko lang siya nakitang nagkaganyan sa tagal na ng aming pagsasama bilang magkaibigan.
Hinarap ko siya sa akin, at nakatingin ako sa kanyang mga mata, siya naman parang nagtataka kung anong gagawin ko.
"aha!!" siya naman dating ni john kaya nagulat ako. Kinompost ko ang sarili ko dahil sa gulat. Dumating na din sila paul, colline,
"anong meron dito?" tanong niya sa amin.
"meron na sinasabi mo jan?" balik naman na tanong ni jared kay john. Tumango-tango naman si john sa aming dalawa habang nakangoso pa.
"practice na tayo?" yaya ko sakanila para makapag simula na at makaiwas na rin kay john. Makaiwas ba ang sinabi ko? bakit nga ba? Ngumiti naman ako kay jared at ngumiti din siya kaya nagpunta na kami sa aming sariling pwesto para maaga kaming matapos. Hanggang ngayon kasi wala pa kaming final na kanta na epeperform sa madlang pipol.
After 2 in half hours ay natapos din kami, yong kanta namin ay malalaman niyo nalang sa mismong event para my suspends.
"guys una na ko ha my meeting pa kasi kami" paalam ko sa kanila
"hahatid na kita nix." sabi naman ni jared kaya ngayon ay magkasabay na kami. Habang naglalakad kami ay tahimik siya, hanggang sa he broke the silence in a few minutes of time.
"nix ayos lang sa akin, i'm willing to wait. Sorry pala kanina si john kasi biglang nalang dumating."
"walang magbabago, ayos lang yon. Ako dapat ang magsorry sayo kung pwede ko lang pa transplant tong puso ko para mapalitan gagawin ko na." sabi ko sa kanya at ngumiti.
"ikaw talaga kaya kita nagustohan e, opps sorry." sabi niya ulit nagtawanan nalang kami.
It would be such a relief hUh ayos na rin siguro yong ganito, magkaibigan namin kami ni jared at walang magbabago sa pakikitungo niya sa akin kahit na sinabi niya sa akin yon. Dito na ako paalam ko sa kanya. Bahagya niyang ginulo ang buhok ko at ngumiti ulit sa akin, hihintayin na kita sabay na tayong umuwi mamaya. Sabi niya sa akin at pagkatapos ay umalis na rin siya.
Walang kwenta rin yong meeting namin kaya wag niyo nalang tanungin, paulit-ulit nalang kasi. Sumakit lang ulo ko puro problema kasi buti nalang hindi ako ang incharge.
"ayos ka lang?" tanong ni travis yup pagkalabas ko kasi nakita niya ako kaya ngayon ay kasama ko siya.
"grabe nakakstress don." sabi ko sa kanya
"saan naman?"
"basta doon" sabi ko nalang
"may gagawin ka ba this saturday?" kunyari nag isip pa ako wala naman sagot ko sa kanya.
"pwede ba tayong lumabas?"
"sige."
"okie then I'll pick you at 10am bukas." sabi niya sa akin.
"nix tara na?" yaya sa akin ni jared nakasalubong kasi niya kami sa hallway
Una na kami pare, paalam ni jared kay travis.
"Nasan na sila gwen?" tanong ko sa kanya
"my practice pa daw kasi sila kasama naman niya si pual, yong iba naman nauna na silang umuwi. Kukunin ko lang yong sasakyan sandali" paalam niya sa akin. Kaya nandito ako naghihintay.
Nakita ko si jhen na papunta sa deriksyon ko kahit na mejo malayo pa siya ay alam kong dadaan siya kasi iisa lang yong daan. Nickie tawag niya pa sa akin kunyari ay hindi ko siya narinig, mejo malayo pa siya pero dinig ko na tinawag niya ako. Buti nalang dumating na si jared, kaya sumakay na ako sa kanyang sasakyan.
Habang palabas kami sa university, napansin niya ako.
"teka ayos ka lang ba?" nagnod lang ako sa kanya. Hininto niya ang sasakyan at hinawakan ang forehead ko.
"hhmm wala ka naman lagnat, ayos ka lang ba?" tanong niya ulit sa akin
"stress lang to, di bali bukas start na ng vacation Advance Merry Christmas and Happy new Year." sabi ko sa kanya at ngumiti. Ngumiti din siya sa akin at nagpatuloy na siyang nagmaniho.
"Advance pagkatapos ng new year next day birthday mo na." sabi niya sa akin
"oo nga no, hay tatanda na nanaman ako." then i pout
"ayos lang yan, anong gusto mong gift?" tanong niya sa akin
"gusto ko kahit ano basta galing sa puso." sabi ko sa kanya
"itong puso ko nalang kaya?" tanong niya sa akin tapos natawa siya. Biro lang sabay bawi niya tapos napakamot pa siya sa batok niya.
"pwede din sabi ko naman sa kanya." ngumiti siya sa akin at sinabi niya "im willing to wait (pause..........) for the right time." Ang bait talaga ni jared bakit hindi ko pa napansin, ngumiti din ako sa kanya para usual lang. Nakarating na kami sa bahay, hindi na din siya pumasok dahil dadaan pa siya sa bahay ng kapatid niya kaya hinayaan ko nalang.
BINABASA MO ANG
Someone to hold (uncut)
Teen FictionDisclaimer: The story is intended only for people age must be 19 years old and above. If you are not the intended recipient you are notified that disclosing, copying, distributing or taking any action in reliance on the contents of this informatio...