Chapter 35:

18 3 0
                                    

Kahit na tumatawag si third at anton sa akin ay hindi ko sinasagot ayoko ng maloko pa. Hindi ko matanggap kung bakit ako pa ang ginamit niya. Ginamit ako para malaman nilang mahal pala nila hanggang ngayon ang isa't isa. Ang iisipin ko nalang ngayon kung paano ipapaliwanag kay papa at mama ang lahat, dapat pala hindi na ako naniwala sa simula.

Sa totoo lang sa sandaling nagkasama kami ni third naging dependent na ko sa kanya. Hindi na ako sanay pag hindi siya nakakasama, ngayon na kailangan ko ng hindi umasa sa kanya ano nalang kaya ang gagawin ko? Mahal ko na ba siya talaga? Kung hindi ko iisipin ang ginawa niyang panggagamit sa akin gustong-gusto ko sanang sagutin ang mga tawag niya at pakinggan ang lahat ng paliwanag niya.

Naiisip ko din na magpakamarter nalang, para lang hindi niya ako iwan. Pero paano kung sasagutin ko ang tawag niya tapos magsosorry lang siya para patawarin ko, dahil ginamit niya ako para bumalik si jhen sa kanya? Ayokong marinig sa kanya ang mga yon, ayoko na din magmukhang kawawa tama na yong minsan niya akong ginamit at ginawang tanga. Sinasabi ng isip ko tama na, pero ang puso ko ay tumitibok pa rin para sa kanya kahit na nasasaktan ako sa mga ginawa niya. Hindi pa rin ako makatulog sa kakaisip, nalowbat na rin ang phone ko sa kakatawag ni third.

Ang dami dami ng pumapasok sa isip ko kakaiisip kung may ginawa ba akong kasalanan, kung bakit sa akin pa nangyari ang mga ito. Sana pala hindi ko na hinayaan ang sarili kong mahulog ang loob sa kanya, ang hirap kasi. Ano ba ang mali sa ginawa ko? Yong pagtanggap ko sa pagpapanggap namin? Pwes damang dama ko ngayon ang sakit sobra, kung pwede lang eshare sa ibang tao ang sakit matagal ko ng ginawa kaso wala e, pinili ko ito kaya dapat lang na ramdam ko din ang sakit. Naging masaya ako sa mga panahon na kasama ko siya ngayon naman ito na pinagbabayadan ko na.

Wala pa sila papa sa bahay dahil nasa business trip sila, sinabi lang sa akin ni manang hindi nga ako natulog sa bahay di ba pagdating ko ay kaaalis lang daw nila. Ilang linggo na din ang nakalipas at ilang araw ko na din iniiwasan si third matapos ng gabing yon. Kahit na text at tawag niya ay hindi ko pa rin pinapansin. Nag-eefort na akong pumasok ng maaga para lang hindi siya makita, todo iwas na din ako sa kanya kahit nasa iisang university kami. Lagi ko naman kasama kaibigan ko, alam na din nila ang ginawa ni third. Noong kinikwento ni gwen sa kanila ang nagyari sa amin ni third gustong-gustong sapakin ni john si third.

Pinakiusapan ko naman siya na hayaan nalang niya, dahil nalaman ko na din ang totoo. Tinutokso pa niya ako kung may gusto na ba ako kay third, pero kahit naman sabihin ko sa kanya na oo ay wala na din kwenta. Kaya pinaniwala ko nalang ang sarili ko na hindi ko siya minahal na wala akong nararamdaman para sa kanya.

Lagi ko ng kasama si jared dahil isa siya sa kasama ko na nang aayos ng schedule para sa battle of the band sa february, next year pa naman pero mabuti ng inaayos na namin para wala ng problema matrabaho din kasi. Buti nalang magkakilala si jared at ng president ng club namin kung hindi mahihirapan kaming magpeprepare ng lahat.

Naglalakad ako sa hallway nakita kong palapit na si third kaya umiwas ako. Buti nalang nakasalubong ko si travis kaya nakisabay ako sa kanya.

 "hindi pa rin kayo nag-uusap?" tanong niya.

 "huwag muna ngayon."

 "tsk" sabi niya. Tapos nagpaalam na din siya, sa next building pa kasi ang room ko.

 Habang naglalakad ako hinarang ako ni third, sinundan pala niya kami kaya hindi rin ako nakaiwas.

 "camille pwede ba tayong mag-usap? i'm sorry yong tungkol sa amin ni jhen..." hindi ko na siya pinatapos

 "third pwede ba tigilan mo na ako? ayoko ng makinig sa mga paliwanag mo, tama na yong mga narinig ko. Kung hindi pa sapat ang mga ginawa mo sa akin pwede bang tama na? Ayaw na din kitang makita pa. " nilakasan ko ang loob ko para masabi sa kanya ang lahat lahat, at hindi ako tumingin sa kanya.

Someone to hold (uncut)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon