Chapter 15: CONFRANTATION

25 3 0
                                    

After one hour ay dumating na si third, na agad na sinalubong naman ni jhen. Hindi na ako nagtaka kasi kahapon nagkita naman sila kaya malamang kilala na ni jhen si third. Hindi ako tumingin sa kanya, dahil mamaya ay magtutuos kami. Wala akong ganang kumain dahil naiinis ako sa mga nagyayari, ang parents ko at papa ni third ay masayang naguusap hindi ko katabi si third ayoko siyang makatabi. Si migz at jhen ay wala pa rin alam sa mga nangyayari kaya napansin naman yon ni jhen. Tinanong niya ako kung ayos lang ako sabi ko sakanya huwag nalang niya akong pansinin kasi pagod lang ako. Kaya kumain na ulit siya, nakita kung tumingin din sa akin si third hindi ko pa rin siya tinignan. Pagkatapos namin kumain ay nagsalita si papa, sinabi niya kay third na alagaan niya ako at huwag sasaktan, tumabi din sa akin si mama at niyakap niya ako. Sinabi pa niyang taposin ko muna ang pag aaral at gayahin ko si ate Lourien at kuya Cid.

 Ngumiti lang ako sa kanila, hindi ako makareact dahil nagiisip ako. Nakita ko naman si jhen na parang nainis sa sinasabi nila papa dahil alam niya ang lahat, alam niyang walang kami ni third hindi kami magboyfriend at maggirlfriend. Sasabihin ko ba ang totoo? Hindi ako makapag isip ng mabuti. Paano kung mawalan ng trabaho ang mga taong nagtatrabaho sa amin? Baka dahil lang sa akin ay mawalan agad sila ng hanap buhay, ano ang gagawin ko? Papayag na lang ba ako sa larong pinapasok ko? Kung ipagpapatuloy ko ito sino - sino ang mga taong masasaktan? Kung hindi ko naman ito gagawin paano na ang mga taong umaasa sa company namin? Ang hirap pumili, si third naman ay wala lang pakiaalam sa mga sinasabi nila. Alam ko na  may alam siya sa mga ito kaya siguro niya pinalabas na niligawan ako at pinalabas na kami na. Nagpaalam ako na aalis muna at kinaladkad ko si third sa aking kwarto. Dahil gusto kung linawin ang lahat, sa kwarto ko siya kinaladkad para walang makarinig sa usapan namin.

 "uh oh... what are we doing here, don't tell me may pagnanasa ka na sa akin?" pa ngiti ngiti pa niyang sinabi

 "would you please shut up!!"

 " opPpss.....tinaas niya ang dalawang kamay niya. ano bang gagawin natin dito? talagang sa kwarto mo pa" pumikit ako at huminga ako ng malalim para macontrol ko ang inis ko.

 "kilan mo pa alam ang mga nagyayari" mahinahon kong sinabi

 "what do you mean" sabi niya na nagtataka

 "Ito yong mga palabas mo kahapon, sa pagyakap mo sa akin, sa pagkaladkad palabas ng hotel at pati na rin yong sinabi mo sa papa ko kahapon" naiinis ko ng sinabi sa kanya

 "as what i said it happen tapos" sabi niya at palabas na siya sa kwarto kaya binato ko siya ng unan. Lumingon naman siya at nilapitan ko siya

 "kilan mo pa alam na pinagkakasundo tayo? alam mo ba kanina ko lang narinig ang mga yan!! Hindi ako makapag isip ng mabuti kung sasabihin ko ba sakanila ang totoo na hindi ka talaga nanliligaw at hindi naman kita totoong boyfriend." pagkakasabi ko yon bigla din siyang natahimik.

 "what do you mean pinagkasundo tayo? wala akong alam diyan" sabi niya na parang naiinis na din

 "All i know kaya kami nandito because ang pakialamiro kong kuya ay sinabi agad kay papa na girlfriend kita, and i was surprise hindi nagalit si papa sa akin for the first time. Akala mo ba gusto kung pumunta dito?" sabi niya at ngumiti ng nakakaloko. Ako naman ay naguguluhan sa mga pinagsasabi niya.

 "wala kang alam sa mga nangyayari? about sa pinagkakasundo tayo?" paglilinaw ko sa kanya

 "yup" sabi lang niya..

 "paano mo ipapaliwanag sa akin yong nagyari kahapon yong mga palabas mo" sabi ko.. Halatang nainis siya sa pagtatanong ko dahil ginulo niya ang kanyang buhok

 "ahmm" sabi niya at parang nagiisip. Lumingon ulit siya sa akin at palapit siya ng palapit ako naman umaatras. Tinutulak ko siya pero hinawakan lang niya ang kamay ko kaya kahit na anong gawin ko hindi ako makaalis kasi ang lakas niya. Hanggang sa natrap na ako dahil hindi na ako makagalaw. Yong mukha niya ay nilalapit niya sa akin at saka siya ngumiti.

 "first kiss mo ko no? ngumiti ulit sa akin. Gusto mo ulitin natin" sabi niya tapos bumukas ang pinto kaya nakita kami ni manang louisa na ganon ang position. Kaming dalawa naman ni third ay nagulat kaya lumayo siya sa akin. Ngumiti sa amin si manang sinabi niyang pinapatawag na si third dahil uuwi na daw sila. Lumapit ulit sa akin si third at binulong sa akin ang salitang "sayang" tapos umalis na siya. Kaya hindi rin nalinaw ang mga tanong ko.

Someone to hold (uncut)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon