Dahil ayoko ng maghintay nanood nalang ako ng movie kasama si manang. Napansin ni manang na hindi na araw-araw bumibisita si third dito, kaya ang sabi ko busy o may iba siyang ginagawa tapos balik na kami sa panonood. Habang nanonood kami ni manang ay may nagdoor bell kaya ako ang lumabas para tignan kung sino. Akala ko nung una si third hinanda ko na nga ang speech na sasabihin ko sa kanya para sabihin sa kanyang:
"Your late isa pa tinatawagan kita hindi macontact number mo! Ikaw pa itong magsasabi na susundoin mo ako tapos hindi ka naman pala makakapunta, dapat sinasabi mo para naman hindi ako maghintay! Hindi na nga ako sumama kila colline ngayon. Hindi ka man lang nagsabi na malalate ka pala!"
Sa katunayan niyaya ako kagabi nila colline na mag mall pero hindi ako pumayag. Naka-oo na kasi ako kay third kasi akala ko inis nga siya di ba? Ewan ko ba. Yon pala si travis ang dumating na may dalang pizza. Hindi ko naman masasabi kay third ang mga yan pag kaharap ko na siya, baka ako pa ang tatahimik.
"opPs nabigla ka yata sa pag dating ko? May pupuntahan ka ba?" tanong niya
"hindi no. Wala halika tuloy ka muna." anyaya ko sa kanya.
Pagkapasok namin sa bahay pinakilala ko siya kay manang, tapos inayos na ni manang yong meryenda namin. Nandito kami ngayon sa garden na naka-upo, kinakain yong pizza na dala niya. Nagkukwentohan lang kami sayang nga daw wala kaming parehong subj. this sem. Pagkatapos ni manang na kumain ay iniwan na muna kami ni travis sa garden. Pagkaalis ni manang ay tahimik lang siya kaya ako tahimik din.
"nickie"
"bakit?"
"pwedeng magtanong?" hay ano ba yan baka itatanong niya si third, paano ko naman sasabihin sa kanya? naku naman oHh
"a-ah oo naman bakit tungkol saan ba yan travis?" please lang sana huwag mong itanung yong about kay third with matching crossfinger pa yan.
"uhm nanjan ba parents mo?" huh yan lang pala ang itatanong mo akala ko pa naman kung ano na.
"nasa work pa sila, laging late na umuuwi. Bakit mo natanong?" mejo kalmado na rin ako, pero sa loob ko ay kinakabahan.
"nickie pwede na ba akong manligaw sayo?" seryoso niyang tanong. Sa tanong niya muntikan na akong maubo sa iniinom ko, buti nalang napigilan ko.
"s-seryoso ka ba?"
"yup since the day i meet you, i want to get closer with you. I really like you nickie i really do." haba ng hair ko.
"travis kasi may hindi pa ako nasasabi sayo." paano ko ba sasabihin sa kanya komplikado kasi.
"ano yon?"
"hindi ko alam kung paano sabihin sayo pero sana maintindihan mo, ayos lang din sa akin kung magbabago ang decision mo maiintindihan kita."
"ano ba yan?" kinakabahan na ako.
"Travis kasi mag iisang buwan na din na ewan ko kung boyfriend ba ang matatawag ko doon, kasi ang alam ng parents namin may relasyon kaming dalawa pero alam naming dalawa ang totoo. Sa ngayon kami pero nililigawan pa niya ako." habang sinasabi ko kay travis ang tungkol sa amin ni third ay hindi ako makatingin sa kanya. Sana hindi siya mag isip ng masama tungkol sa amin ni third. Kahit na may mali sana ay maintindihan niya.
"bakit hindi mo nalang sabihin ang totoo sa parents mo?" nakita ko na parang nagbago ang mukha niya. Kanina kasi ang saya at maaliwalas ag mukha niya. Disappointed na ba siya sa akin?
"hindi kasi pwede, basta masyadong magulo."
Pinipilit niyang ipaliwanag ko sa kanya ang mga nangyayari pero pinili kong manahimik nalang muna dahil ayoko ng dumami pa ang nakakaalam ng totoo tungkol sa amin ni third. Sinabi ko rin kay travis na ayos lang kung magbago ang isip niya. Pero ang sinabi niya magiging kaibigan ko pa rin siya, kung ano man ang magigingdecision ko ay tatanggapin niya. Hindi rin siya magbabago sa akin.
BINABASA MO ANG
Someone to hold (uncut)
Roman pour AdolescentsDisclaimer: The story is intended only for people age must be 19 years old and above. If you are not the intended recipient you are notified that disclosing, copying, distributing or taking any action in reliance on the contents of this informatio...