Chapter 46: why him? why not

20 3 0
                                    

Alam ko hindi ito panaginip, sigurado ako. Dahan dahan kong binuksan ang aking mata para tignan si third. Napangiti ako bigla kasi hawak niya ang kamay ko, nakapatong ang ulo niya sa higaan ko. Bigla ko naalala yong mga pinagsasabi ko sa kanya kagabi, Uhgrr kainis sinabi ko ba talaga yon? Bumalik ako sa pagkakahiga at inalala ko yong mga sinabi ko sa kanya.

 "uhm pwede mo ba akong samahan?"

 Hindi lang yan.

 "pwede bang dito ka lang sa tabi ko hanggang sa makatulog ako."

 tapos

 "huwag kang umalis ha? Huwag mo akong iwan. May multo kasi dito"

 Hindi nga siya umalis. Hay pagkatapos nito ano kaya ang susunod na mangyayari? Sana magkasakit pa ako para alagaan niya ulit ako. Tinignan ko kung may sinat pa ako, nalungkot ako kasi wala na. Pumikit nalang ako kunyari nagtutulogtulogan. after 5mins nagising na siya. Naramdaman kung hinawakan niya yong forehead ko tapos umalis, nalungkot ako bigla.

  Ito na nga ba ang sinasabi ko namimiss ko nanaman siya, bakit ganito tayong mga babae ang bilis natin mapatawad ang mga taong mahal natin samantalang sila hindi sila nag-iisip kung nasasaktan ba tayo sa ginagawa nila o hindi. Unfair di ba? Pero bakit ganon? hmmm gusto kung maging si "POU" kasi pag nagkakasakit wala ng energy bibigyan lang ng energy magaling na tapos pinapatulog at pinapakain. Pero ayoko naman na paglaruan ako hay buhay.

Bumangon lang ako nung naramdaman kung nagugutom na ako, gaya ng lagi kong ginagawa magpapaorder na ako ng pagkain sa baba wala kasi kapatid ko dito. Gusto ko na tuloy bumalik sa manila. Idadail ko na sana ang number pero nakita kung pumasok si third na may dalang pagkain.

 "ayos ka na ba?" nagnod lang ako kasi bigla akong nahiya sa mga sinabi ko kagabi tapos akala ako iwanan niya ako.

 "pinagluto na kita kumain ka muna." sabi niya habang pinaghahanda niya ako.

 "kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya

 "kakatapos ko lang, kumain ka muna. Doon lang ako"

 Kinain ko na yong niluto niya, hindi ko lang inubos kasi ang dami niyang dinala. Yong soup ang inubos ko sarap kasi. Nanonood siya sa sala kaya umupo ako sa kabilang upuan. Parang awkward lang kasi, ilang buwan ko siyang iniwasan tapos kahapon siya pa ang nag-alaga sa akin tapos ngayon pinagluto pa niya ako. Ganito ba talaga tayong mga babae kasi ang feeling ko ngayon gusto kong kalimutan nalang ang nagyari kasi gusto ko ng bumalik kami sa dati.

 "third/camille" ako at siya

 "Good morning couz okie ka na ba? Sorry ha pumasok na ako magaling ka na ba?" si ate alexie wrong timing

 "hai third good morning"  ang ngiti niya sobrang lapad

 "may dala akong pagkain baka hindi ka pa kumakain, uy third thanks sa pag aalaga ng pinsan ko ha?" sabi niya kaya nagtaka naman ako. Tapos puro pizza nalang wala na bang iba? Nakaka-omay na kasi.

 "ha naguguluhan ako." sabat ko sa kanila

 "ganito kasi yan kahapon nakasalubong ko si third na naka top..."

 "ahem..." sabi ni third kaya napatigil si ate sa pagsasalita.

 "una muna ako, may gagawin lang ako." paalam niya sa amin. Ayoko naman siyang pigilan kasi hindi alam ni ate na magkakilala na kami.

  "Kumusta ang buhay ng may sakit?"

 "magaling na ako ate kunting pahinga nalang ito."

 "magaling talaga ang doctor na napili ko sayo." parang ewan lang na sinabi niya sa akin.

Someone to hold (uncut)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon