Chapter 25:

19 3 0
                                    

Ding dong
Ding dong

 Dahil ako ang nasa labas ako na ang nagbukas ng pinto, si third lang pala. Kakaalis lang niya andito nanaman siya, akala ko ba aalis siya?

 "uh anong meron, may nakalimutan ka pa ba?"

 "marami" pumasok siya sa loob ng bahay. Kita mo tong taong to parang kanya ang bahay namin, kaya sinusundan ko nanaman siya.

 "tulad ng? What do you mean marami?"

 "ahmm this one tinuro niya yong paint ni meran, and you" ngiti lang siya. Matutuwa ba ako baka ginugoodtime lang ako. Upakan ko kaya?

 "wag ka nga, ayan kunin mo na may bayad yan"

 Tumawa lang siya sa sinabi ko. Anong nakakatawa? Kahit kilan hindi ko makuha ang ugali niya, may saltik ba? Buti nalang hindi na siya masungit. Tinitignan niya yong paint ni meran lumapit siya sa akin at inabot ang susi daw ng apartment niya.

 "sama ka muna sa apartment, wala akong pera dito"

 "ayoko nga, utang mo nalang."

 "ngayon na. Tuturuan din kita kung paano pakainin si meran at kung paano paliguan. One thing hindi mo pa alam kung saan doon ang bahay ko di ba?"

Wala din akong nagawa kundi sumama sa kanya, hindi ko alam kung saan apartment niya ang alam ko lang yong street. Siya na ulit ang may hawak kay meran ako naman yong paint maliit lang naman kayang bitbitin. Pagdating namin sa isang bahay may batang lalaki 2 years old siguro ang edad niya na tumakbo palapit kay third pamangkin siguro niya tito kasi ang tawag kay third. Kaya si third kinarga niya yong bata, nakayakap nga lang yong bata sa kanya nasa likod kasi ako kaya nakikita ko.

Pagdating namin sa bahay ni third tinitignan ako nung bata. Lalapitan ko sana para pisilin ang pisngi niya pero lumalayo siya sa akin haha ang cute kasi niya paglaki niya gwapo yan.

 "tito she's stranger " paiyak na yong bata kaya nagmadali si third. Kinulong kasi niya si meran

 "no baby she is your tita camille, she's not stranger." kinarga niya yong bata para hindi umiyak. Tumingin naman yong bata sa akin kaya nginitian ko siya.

 "you mean tito she's tita ganda?" bumaba na yong bata at nilapitan ako kaya umupo ako para mapantayan ko siya.

 "hi baby I'm your tita camille, what is your name?" Nilalaro niya yong kamay niya tapos tumakbo sa sala at humiga sa sofa kaya sinundan namin.

 "Earl be careful baka madapa ka" sabi ni third ang bilis kasi niyang tumakbo parang matutumba na siya. Biglang may nagdoor bell din sa labas kaya umalis si third para tignan kung sino.

 "Earl pala ang pangalan mo ilan taong ka na baby?" ngumiti ako sa kanya para hindi siya matakot. Inayos niya yong kamay niya tapos pinakita niya yong sign sa kamay na Two, nahihiya siguro siya sa akin ngayon lang niya kasi ako nakita.

 "Earl your mom is here halika" Pagkalapit ni third sa amin ay kinarga niya na si earl.

 Pagbalik niya sinabi niya sa akin na anak ng kapit bahay niya si earl, single mother sila kaya kung minsan nandito yong bata. Kawawa naman pala yong batang yon. Tapos tinuruan niya na ko, pinatabi ko na yong pagkain ni meran para hindi na malayong lakarin. Nasa labas pa kasi kaya pinapasok ko sa kanya.

 "okie na ba?" tanong niya

 "okie lang hindi naman mahirap basta hindi to mangangagat?"

 "basta pakainin mo lang, wag mong gutumin mabait yan."

 "pwede na akong umalis?"

 "nope." naglakad siya papuntang kitchen  uminom lang tapos bumalik din

 "bakit?"

 "halika" hinila na niya ko, ako naman sumunod lang sa kanya hindi ko kasi alam kung saan ang pasikot-sikot dito kaya hindi ko rin alam kung saan niya ako dadalin. Sa kwarto lang niya pala. What??? kwarto?? kaming dalawa lang ang nandito sa bahay tapos sa kwarto???

 "have a seat" saan sa kama? ayoko...... Nakita kong nagtatangal siya ng damit, baka kung ano pang binabalak niya. Kaya ang isip ko ay nag-isip ng magandang bright idea, baka manyakin pa ako dito ng wala sa oras. Wala akong laban babae ako, lalaki siya mas malakas siya kung sakali. nooooooo!!!!!!

 "ayoko nga uuwi na ko." tumakbo ako palabas ng kwarto niya para lumabas at umuwi na. Nasa labas na ako ng pintuan pero nahabol niya ko kaya nahawakan na niya ang kamay ko.

 "wait camille san ka pupunta?" nakahawak siya sa kamay ko

 "uuwi na!"

 "bakit bigla ka nalang tumakbo?"

 "a-ah e-e-eh (hindi ako makatingin sa kanya.) Wala hehhehe" sabi ko ngumiti lang ako sa kanya, inayos na niya yong damit niya huh mee aBs

 "i knew it. i know what your thinking" humarang siya sa gate

 "don't tell me iniisip mong...." hindi ko siya pinatapos

 "hep hep!! wag ka nga magisip ng ganyan. Siguro ikaw yon!" pagtataray ko

 "bakit ka nga umalis sige nga?" paghahamon niya sa akin

 "wala nga! ikaw ano bang iniisip mo?"

 "camille wala akong iniisip baka ikaw?" aba nagbibintang samantalang siya muntikan na niyang sabihin. Ako nga sa isip lang haha hindi pa rin ako aamin.

 "third mas lalo naman ako no baka ikaw?"

 "anong ako ikaw!" nilapit niya ang mukha niya sa akin kaya nilapit ko din sabay sigaw ng "anong ako ikaw"

 "ikaw" sabi niya lapit ulit ( ,") (",) awkward five seconds kaming nagtitigan at sabay na nagiwasan. Ang cute niya grabe kikiligin na yata ako

 "ito" sabi niya nagaabot ng pera

 "para saan yan?"

 "bayad ko, babayadan sana kita bigla ka naman tumakbo" so yon pala magbabayad tsk.. tanga ko talaga, pabatok nga ang cerebral ko kung anu-ano naiisip

 "wag na pasalobong ko nalang" ngumiti ako sa kanya nakakaguilty kasi sama ng utak ko masyadong advance.

 "anong gusto mo?" binulsa na niya yong pera, sayang din yon pero okie lang. Pero sayang pa rin haha joke lang may pera naman ako joke lang talaga i swear.

 "kahit ano nalang."

 "halika na hatid na kita." inabot niya ang kamay ko tapos naglakad na ulit kami

Someone to hold (uncut)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon