"pre una na ko." paalam ni travis. Hindi ko na inasahan na sasagot si third, malay ko ba sa taong yan kung bakit ang init ng dugo niya kay travis.
Papasok na sana ako sa loob ng bahay pero pinigilan ako ni third. Mag-uusap na daw kami, kaya hinayaan ko lang siya. Malay natin baka natauhan siya sa ginawa niya di ba?
Nakatayo lang kami sa labas ng bahay, hinihintay ko siyang magsalita at kung anong paliwanag ang sasabihin niya.
"hindi ko alam kung paano sisimulan, hindi rin ako sanay sa mga ganito. Pero kung nagtatampo ka o galit sakin andito ako para mag-sorry."
"so hindi ka aware?"
"as i've told you earlier hindi ko alam, ilang araw mo na ko iniignore. Ano bang problema mo, hindi ako sanay na ganyan ka."
"alam mo ang problema sayo yang ugali mo, lahat nalang ba sasabihin pa sayo?"
"then tell me everything." sabi niya.
"third hindi na kailangan pang sabihin sayo lahat, matanda ka na para pagsabihan pa." tapos pumasok na ako sa loob. Sumunod naman siya.
"sandali lang kasi hindi pa tayo tapos na mag-usap umaalis ka na. (pigil niya sa akin) Ayosin na natin to, hindi ako sanay pag lagi mo akong iniiwasan. Ano nalang ang sasabihin ng parents natin pag nalaman nilang nag-aaway tayo.?" sa mga sinabi niya nakapag-isip ako.
"about sa atin binabalak ko ng sabihin nalang ang totoo. Napag-isip-isip ko kasi parang sarili ko na din ang niloloko ko pag magpapanggap pa tayo." Napatahimik siya sa sinabi ko.
"yan ba ang gusto mong mangyari?"
"Oo, hindi kasi maganda ang umpisa natin. Kung sa simula nalang sana sinabi nalang natin ang totoo, sana hindi tayo nagkakaproblema ngayon." paliwanag ko sa kanya. Pero sa loob ko ayokong gawin ang mga sinasabi ko ngayon sa kanya. Ano bang nagyayari sa akin? Bakit parang nasasaktan ako sa mga possibleng mangyari. Parang ayokong gawin pero ito ang dapat na mangyari.
"You know what nickie, inasahan ko na din na sasabihin mo sakin yan."
Natahimik ako sa sinabi niya, naramdaman kong nanghina ang aking katawan. Alam niyo ba yong pakiramdam ng sobrang pagod na pagod kahit na wala kang ginawa, tapos parang pinagsakluban pa ng langit at lupa. Hinihintay lang pala niyang sabihin ko sa kanila na wala kaming relasyon? Na hindi totoo ang lahat ng pinapakita namin, sa totoo lang nasaktan ako sa sinabi niya.
Ginusto ko naman ito e, ako rin ang nag umpisang nagsabi na sabihin nalang ang totoo, pero ang sakit palang umasa na sa bandang huli akala ko kasama ko siyang harapin itong nangyayari ngayon. Ngayon tuloy mag isa nanaman ako. Nang-gigilid na ang mga luha sa aking mga mata, pero hindi ko pinahalata. Pwede bang erewind ang sinabi ko? Pwede bang sabihin nalang sa kanya na binabawi ko na ang sinabi ko? Ang tanga ko rin kasi kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko ayan tuloy.
"yup." Yan nalang ang tanging sagot ko. Ayoko na kasing marinig ang iba pa niyang sasabihin.
"paano kung hindi ako pumayag?" tanong pa niya. Nang-aasar ba siya? Inasahan na niya ito di ba? Sa totoo lang nabuhayan ako ng loob sa sinabi niya. Pero kailangan ko pa rin mag-matigas kasi kung hindi ko ito gagawin, paano magiging tama ang mali naming umpisa?
"bakit hindi? Maraming namang babae diyan. Tapos kung hindi man matuloy ang merger ng company natin, siguro naman hindi na natin yon kasalanan. Isa pa hindi ka na mag-aabala pang pupunta dito para mag-panggap na tayo sa mga tao."
"Ano ba yang pinagsasabi mo jan! Bakit mo ba sinasabi yan!?" inis na sabi niya
"totoo naman di ba? Ayoko ng mag-panggap tayo mahirap bang intindihin yon?"
BINABASA MO ANG
Someone to hold (uncut)
Teen FictionDisclaimer: The story is intended only for people age must be 19 years old and above. If you are not the intended recipient you are notified that disclosing, copying, distributing or taking any action in reliance on the contents of this informatio...