Chapter 31: Is he jealous?

19 3 0
                                    

Umagang-umaga pa lang nandito na si third, tanghali na nga ako na gising tinatawagan naman daw niya ako pero nakasilent ang phone ko. Kanina pa din siya pabalik-balik sa bahay namin yon kasi ang sabi niya. Bakit kasi hindi niya ako ginising tuwing pasokan naman ginigising niya ako, may saltik talaga. May pupuntahan daw kami kaya ito ako ngayon nag-aayos na, magmadali na nga akong naligo sa lagay na to.

Pagbaba ko nakita kong kumakain sila migz at manang kasama si third na nagtatawanan. Nilapitan ko sila at nakikain, gutom na rin kasi ako. Maya-maya pa nagpaalam na sa amin si migz may lakad sila kasama ang barkada niya. Hinintay na ako ni third oatmeal lang naman kinain ko pagkatapos kong kumain nagbrush na ako at sabay na kaming nagpaalam kay manang, hindi ko kasi alam kung saan kami pupunta. Tinatanong ko naman siya basta lang ang sinasabi niya, di hintayin ko nalang kung saan ako dalhin.

 "nasaan sasakyan mo?" tanong ko sa kanya.

 "sa apartment." naglalakad na siya kaya sinundan ko naman. Baka babalikan namin sa apartment niya yong sasakyan, bakit pa niya ako pinaglakad? Buti nalang at hindi maiinit. Pagdating namin sa apartment niya wala naman yong sasakyan.

 "akala ko ba nandito yong sasakyan mo, asan na?" ngumiti siya sa akin. akala ko may lakad kami nagbihis pa naman ako.

 "wait lang" sabi niya. Pumunta siya sa gilid ng apartment

 "ito ang sasakyan natin magmomotor tayo, para iwas traffic."

 "bagong bili?"

 "nope, 6 months pa lang sa akin to." pero parang bago kasi akala ko bagong bili niya, baka bagong linis alagang-alaga.

 "saan ba tayo pupunta?"

 "basta nga marami tayong pupuntahan, takot kang sumakay sa motor?"

 "hindi naman pero first time kong aangkas sa motor." Nilabas na niya yong motor. Sinuot din niya sa akin yong helmet, hawak kang mabuti sabi pa niya kaya ako ay humawak sa balikat niya.

 "mali hindi jan." nilagay niya ang dalawang kamay ko sa bewang niya, kaya ako ay nakahawak lang sa kanya. Hindi nga ako sanay, first time ko din umangkas sa motor si third pa ang magmamaniho.

 "kapit ka lang sa akin." Ayon umandar na kami.

 Ang ganda pero mausok naman haha ayos lang basta kasama ko si third new experience din ito. Sa daan lusot kami ng lusot tama nga siya mas mabilis pag motor ang gamit iwas din sa traffic. Binilisan ni third ang takbo ng motor kaya napayakap ako sa kanya, nakakatakot muntik na akong mahulog hindi ko kasi marinig masyado nakahelmet kaya ako tapos may bumusena pa kanina. Napansin siguro niya kaya mejo bumagal ang takbo namin. Pagdating namin sa pupuntahan namin bumaba na ako. Sa mall lang pala kami pupunta tsk.

 "camille natakot ka ba?"

 "hindi naman, mejo enjoy din pala pero mausok nga lang."

 "pansin ko din." sabi niya habang nakatingin sa chest ko? saan siya nakatingin? My gulay dont tell me tinitignan niya? Kaya ang ginawa ko tumalikod na ako, at umiwas sa kanya.

 Habang naglalakad kami sa mall tahimik lang ako, hindi ko maalis sa isip ko yong kanina.

 "CR muna ako" paalam ko sa kanya

 "okie i'll wait you here." sabi niya at umalis na ako.

 Wala ako sa mood babalik nalang ako doon pag hindi na ako naiinis. Naglakad-lakad na muna ako, pumasok ako sa isang shop. Magwiwindow shopping lang sana ako pero may nakita akong relo na maganda, naalala ko yong ereregalo ko kay third kaya kahit na inis ako sa kanya binili ko na yong relo. Pina-engrave ko sa relo yong pangalan ni third tapos sa likod yong pangalan ko, para masaya at alam niyang sa akin galing yong relo di ba? Walang 5 mins. ay tapos na nilagay na sa lalagyan, ang problema ko nalang kung paano ko itatago sa kanya. Paglabas ko sa shop sakto naman nagkasalubong kami ni travis, kaya nilapitan niya ako.

Someone to hold (uncut)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon