Chapter 44:Back to zero

21 3 0
                                    

Ang saya ng Christmas celebration namin pati tiyan ko nagdiwang sa kabusugan, dito kakaunti ang nagputukan pero ayos lang din takot kasi ako. Ngayon ay kagigising ko lang tangahali na pala sulit ang puyat. Pero badtrip lang ang sakit ng ulo ko, dahil sa ininom namin kagabi. Tama kayo sa pagkakabasa umiinom din ako occasionally, hindi naman ako santa na masyadong mahinhin na babae at maslalong hindi ako dalagang pilipina na nabubuhay pa noong panahon pa ng kupong-kupong noh? 20th century na kaya. Two days after birthday ko na yippiee. Teka bakit ba ang saya ko sakit nga ng ulo ko di ba? crazy ME.

 "MIGGGGGGGGYYYYY!!!" sigaw ko sa kapatid ko sakit kasi sa ulo huhu ang sakit talaga.

 "Mi..." napatigil ako sa pag sigaw dahil pumasok na si miggy sa room ko halatang nagmamdali.

 "Bakit ate anong nagyayari sayo?" nag-aalala niyang tanong sa akin. Hindi ko alam kung matatawa ako sa facial expression na nakita ko kanina.

 "Migz sakit ng ulo ko" sabi ko sa kanya at mangiyak-ngiyak na akong nagsusumbong sa kanya wala kasi sila dad dito malamang nasa kabilang room sila. Bakit nasa kabilang room at hindi kami nagsama-sama sa iisang room? Simple lang po ang sagot jan ayoko ng sagutin yan. Hindi ko na masyadong eelaborate ang pangyayari dahil hindi naman importanti, ang importante ngayon ay ang sakit ng ulo ko.

 "grabe ka naman ate kung makasigaw ka parang wala ng bukas, sakit lang pala ng ulo mo. Bumili ka nalang ng gamot may date kasi ako. Sorry." Sabay hug niya sa akin at umalis na. Walang kwentang kapatid. Oo na siya na ang dahilan kung bakit dalawang room ang kinuha nila dad kasi para libre siyang gumala. Paano naman ako masakit kaya ulo ko mukhang lalagnatin pa ako.

Wala akong magagawa kung hindi tumayo nalang sa higaan ko. Ang sakit talaga ng ulo ko, bakit ngayon pa ang bigat din ng pakiramdam ko. Agad akong tumawag sa call service dito sa hotel para itanong kung my gamot sila sa sakit ng ulo at makapag order na ng pagkain. Buti nalang at meron kaya naman super daming thankyou. Biglang nag ring yong phone ko kaya naman kahit na masakit ang ulo ko at ayokong tumakbo ay tumakbo nalang ako.

 "hello ate"

 "couz wallet mo ba itong naiwan dito? Kasi kung sayo pupunta ako jan o kaw nalang punta dito."

 "yong brown po ba? na may keychain na slipper na pink?"

 "oo yon nga maraming kulorite" dagdag niya

 "akin nga pero hindi ako makakapunta jan ate since wala din akong pamasahe at mejo masakit pa ulo ko na parang magkakasakit pa." Sumbong ko sa kanya.

 "okie dokkie punta nalang ako jan, pupunta na ko jan." sabay niyang enend yong call. Kaya nilapag ko nalang kung saan yong phone ko.

 Pagdating ng pagkain ko ay kumain na muna ako at saka ko na ininom yong gamot ko, kaya hihintayin ko nalang si ate alexie. Humiga nalang ulit ako sa kama ko para lang makapagpahinga kasi ang sakit talaga ng ulo ko. Hihiga pa lang sana ako bigla naman may kumatok sa pinto kaya walang choice ako pa ang magbubukas ng pinto. Hindi ko naman pweding utusan yong pinto na bumukas magisa di ba?

 "couz are you okie? kumain ka na ba?" nag-aalalang tanong niya. Nagnod lang ako dahil parang binibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit.

 "teka sure ka ba?"

 "sakit lang ng ulo ko, maliligo nalang muna ako saglit" sabi ko

 "oh sige dito ko nalang hihintayin si boyfie ko may lakad kasi kami. Para may kasama ka pa pag okie ka na sama ka nalang sa amin." nginitian ko lang siya.

 After 15mins ay natapos na akong naligo ang bilis no? Halfbody lang kasi parang nilalamig ako, tapos parang lumala yong sakit ng ulo ko ngayon parang sisiponon pa ako badtrip.

Someone to hold (uncut)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon