Chapter 26: PEACE

19 3 0
                                    

WEeee!!! sa wakas tapos ko na rin napakain at napaliguan si meran. Pagkatapos ko siyang paliguan uuwi ko nalang siya sa bahay, kanina pala nakita ko si earl tapos ang mama niya may pupuntahan yata sila. Buti kilala pa ako ng batang yon tita ganda pa ang tawag niya sa akin.

 Pagdating ng hapon ay naghanda na ako tinali ko na si meran at binilin kay manang. I went to my room and i do may chuvachocho thing tapos nag ayos na ko. Pagdating namin sa cemetery nagdasal kami tapos tambay pa ng ilang hours hanggang dumating mga pinsan ko.

Grabe sila kinukulit ako na ipakilala ang boyfriend ko daw, wala naman akong ipapakilala sa kanila kung sakali wala din dito si third ewan ko ba kung saan lupalop siya pumunta. Nagkamustahan lang kami ng mga pinsan ko nauna na kaming umuwi dahil my meeting sila mama at papa may problema yata ang bagong project nila hindi ako sure, si migz nagpaiwan kaya ako ihahatid na lang nila. Pagdating ko sa bahay dumiretso na ako agad sa kwarto para magpalit at magpahinga muna sandali. Nakakapagod din yon ang init pa halos maghapon kami doon, narinig ko si meran na tumatahol kaya bumaba muna ako para tignan siya.

Pagbaba ko ay nakita ko si meran na nasa garden baka gutom na siya, kinuha ko muna yong pagkain na kinuha ko sa apartment ni third para mapakain si meran. Ang cute cute talaga ng asong to, kaya habang kumakain si meran ay pinagmamasdan ko siya.

Kanina ka pa siguro gutom? Sabi kasi ni third hindi kita gugutomin lagot ako sa kanya pag pumayat ka. Di bali good dog ka naman kain ka lang jan meron pa dito. Ginagalaw lang niya yong buntot niya habang kumakain. Paano ka ba alagaan ni third ha meran? Uy sagot ka naman uh, parang temang lang magtaka kayo pag sumagot ang aso. Kumuha na ako ng tubig niya baka nauuhaw nasesense ko kasi na uhaw siya. Sa dami ba naman ng nakain niya. Ito na meran inom ka muna, wag kang dudumi jan para hindi mahirapan si manang na maglinis.

Nakakaintindi ka ba meran? Tumahol ka naman. Paano ka ba kausapin ni third tumatahol din ba siya sayo? hehe hindi ko maimagen. Speaking nasan na ba yong may alaga sayo, ang tagal naman niyang umuwi hindi naman niya sinabi kung kilan siya babalik. Nakakainis yon kanina nga tinanong siya ng mga pinsan ko hindi nalang ako sumagot.

waaarrrff....... warfffF......... tumahol si meran, naiintindihan mo na ko? waaarrrff....... waaaarfffF......... yehey hehehe alam ko na siguro namimiss mo si third, hindi ka ba sanay na hindi siya ang nagaalaga sayo? Hindi bali mabait naman ako sayo kung pwede lang ampunin kita sa kanya, gusto mo ba yon meran? Haha nababaliw na ako pati tuta pinagtitripan.

Alam mo meran may esheshare ako sayo makinig ka lang jan, ang wierd ni third no? Minsan kasi hindi ko siya maintindihan, dati nga ang sungit niya sa akin buti ngayon mabait na siya. Nagpapanggap lang kasi kaming dalawa. Tama ba yong ginagawa namin? hay buhay parang life.. Pero alam mo kapag magkasama kaming dalawa ni third parang may nararamdaman akong kakaiba hindi ko lang alam kung ano yon ang wierd nga e.

 "anong nararamdaman mo?"

 Ako: hindi ko pa alam, dahil siguro minsan lagi kaming magkasama kaya ganito.

 "bakit naman?"

 ako: ewan ko rin basta hindi ko alam.

 "ang alin?" akala ko lumilipad ang utak ko parang may kumakausap kasi sa akin. Lumingon ako sa likod si third lang pala kaya napatayo ako sa kinauupuan ko at inayos ko ang aking sarili.

 "t-teka kanina ka pa ba nakikinig?" kunyari nagiisip siya

 "hindi naman." ngumiti lang siya sa akin at tumabi sa akin

 "bakit hindi ka kumatok basta ka nalang pumapasok sa bahay ng may bahay"

 "naiwan kasing bukas ang gate kaya pumasok na ako. Sarado naman ang pinto sa harap, uuwi na sana ako pero may naririnig ako kaya nagpunta ko dito" paliwanang niya

Someone to hold (uncut)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon