Chapter 22: UNUSUAL SCENE (2)

23 3 0
                                    

"ate! bilisan mo ikaw nalang ang hinihintay" sigaw ni migz. Makikisabay kasi siya sa amin susundoin namin si tito Rick sa airport, dad ni jhen.

 "oo na anjan na!"

 "ang bagal mo talaga ate" reklamo niya. Hindi na ako sumagot para wala ng away pa.

Ikaw kaya ang matulog ng madaling araw. Tignan ko lang kung maaga kang magigising, hindi na sana ako sasama hindi ko lang matanggihan si jhen. Kainis talaga tong kapatid ko.

Kung nagtataka kayo kung nasaan si third hindi ko rin po alam, ginising lang kasi ako ni jhen. Ang weird nga ng pinsan ko may kakaiba akong napapansin sa kilos niya, baka may period siya kaya siya nagkakaganyan. Nakababa na si migz ay hindi pa rin ako kinakausap ni jhen, dati naman ay nagkukwentuhan kami sa daan. Hindi lang ako sanay ngayon na ganyan siya sa akin. Nakarating na kami sa airport ay hindi pa rin niya ako kinikibo kaya ako na ang unang nagsalita.

 "couz my problema ka ba?"

 "wala naman bakit mo natanong?"

 "wala naman" ngumiti ako sa kanya. Baka may period lang siya. Pumunta na kami sa waiting area hinihintay namin si tito. Nagpaalam muna ako sa kanya na magCcr kahit na hindi ako naCcr. Maykakaiba talaga sa pinsan ko, hay may problema kaya siya? Naglakad lakad lang muna ako pagbalik ko ay kasama na ni Jhen si tito Rick.

 "nickie ikaw na ba yan? dalagang dalaga ka na." tuwang tuwa na sinabi sa akin ni tito. Ngumiti lang ako sa kanila at kinuha na ni manong tonny ang bagaheng dala nila.

 "kumusta si jhen dito hindi ba siya naging sakit ng ulo ni papa mo?"

 "hindi naman po tito" ngumiti lang ako sa kanila, nakangiti na din si jhen

 "siya nga pala nickie uuwi sana kami ni jhen bukas sa province para dalawin ang lola at lolo ni jhen, doon na rin kami hanggang undas nasa bahay pa kaya papa mo?"

 "baka gabi na po sila umuwi tito bihira kasi silang umuwi ng maaga"

 "sabihin ko nalang sa kanya para makapagpasalamat na rin sa pagtira ng anak ko sa inyo"

 "wala po yon tito ayos lang po sa amin yon"

 Nakauwi na kami sa bahay at nagpahinga muna si tito, ako naman ay nagpalit na ng damit dahil ang init ng panahon. Bakit kaya ganon si jhen, kakausapin ko sana siya kanina pero pumasok na siya agad sa kuwarto niya. Grabe inaantok pa ako, buti nalang at napalitan na ni manang ang bed sheet ko, nagbody wash nalang ulit ako para matulog muna. Hihiga na sana ako para matulog ay kumatok si manang tumawag daw si Gwen at Colline niyaya daw akong mall. Kanina din daw kasi ay dumaan si jared dito, kaya ako ay nagbihis na. Maya maya din ay dumating si gwen at colline.

 Gwen: gurl kamusta mula noong wedding ni kuya elcid hindi ka na nagpakita."

 Ako: ayos lang, buti naman kayo na ang nagpunta dito hehe

 Colline: tara na?

 Nagpaalam na kami kay manang sinabi ko na baka gabihin na ako sa paguwi at umalis na kami.

 Ako: sino pa ba ang hinihintay natin? nasa mall na kasi kami nasa food court.

 Colline: ayon na pala sila. Tinuro niya sina celine at ang boys

 Paul: babe kanina pa kayo dito? Pasenya na sinamahan pa kasi namin si john. Nagbeso siya kay gwen

 John: ginawa pa akong excuse, upakan kaya kita dude?

 Celine: tama na nga yan! Saan na tayo pupunta ngayon? umupo na siya sa tabi ko

 Ako: Ano bang meron?

 John: haha nix ano ka ba monthsary nitong dalawa ngayon, kaya sumabit tayo sa kanila. Nahuhuli ka na sa generation, hanggang ngayon ba hindi ka pa bibili ng phone?

 Ako: talaga? congrats ngumiti ako sa kanila. Grabe no parang ang bilis ng panahon.

 Colline:Tama!.. kilan din kaya ako magkakalove life?

 John: paano ka magkakalove life kung masyado kang high standard. Ayan binatukan tuloy siya ni colline

 John: aray! brutal ka pa. dagdag pa niya.

 Colline: gusto mo pa yata? inakto niyang babatukan ulit si john, inawat naman ni jared.

 Jared: tama na yan. Saan ba tayo ngayon?

 Paul: sine muna tayo guys KKB muna, treat na namin ang pagkain tapos lunch.

 Celine: nice idea gusto kong panoorin yong Twilight.

 Gwen: babe ano?

 Paul: kayo lang gusto niyo?

 All: yon nalang. ngumiti silang dalawa sa amin at bumili na ng ticket at popcorn. Yahoo!

Nanood na kami ng twilight. Yong iba namin katabi ay ang iingay bawat scene ay may reaction pa silang nalalaman hindi nalang nila sarilihin. Ayos lang sana kung hindi sila nagmumura kainis. Basta bago pa ko mainis ay maganda talaga ang movie na yon, pagkatapos namin manood ay nagyaya na si jared na kumain na gutom na kasi kami. Grabe namiss ko rin ang lumabas kasama nila bibili na talaga ako ng bagong phone pag pasukan.

Someone to hold (uncut)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon