Pagalis ni third ay naligo na ako, nakapambahay pa lang ako mamaya nalang ako magpapalit pag sinundo na ako ni third. Hindi kasi niya sinabi kung anong oras niya ako susundoin. Hay kinakabahan ako sa mga mangyayari mamaya, tama ba yong desisyon ko? Bahala na nga..
"couz bakit nagpunta si third dito?" tanong ni jhen sa akin habang binubuklat yong sketch book ko
"niyaya kasi niya ako." natigilan siya sa pagbuklat at tumingin siya sa akin
"k-kayo na ba?" nauutal na tinanong niya at hindi nakatingin sa akin
"ahHm..hindi ko alam.. ayos ka lang ba couz?" nagtatakang tanong ko sa kanya
"nililigawan ka na ba niya?"
"ahHmmm.." Hindi ko alam ang sasabihin kay jhen at hindi ko rin alam ang isasagot sa tanong niya . Hindi ko rin masabi sa kanya ang totoo. Paano ba to? Alam ko sa sarili ko na hindi niya ako nililigawan, lalong hindi rin totoong may relasyon kami. Kaya nabigla ako sa sunod na tanong niya.
"Mahal mo na ba siya? Bakit ang bilis bilis naman? Parang kilan lang tinanong kita kung mahal mo siya, ang sinabi mo sa akin hindi mo siya mahal." Parang nagiba ang tono ng pagkakasabi niya, ang dating sa akin ay parang niloko ko siya noong sinabi ko sa kanya na hindi ko mahal si third. Ganoon ang parang pagkakasabi niya sa akin.
"couz hindi ko siya mahal okie? Relax.." pagkasabi ko sa kanya ay parang natuwa siya sa sinabi ko. Parang ang weird ng pinsan ko nasapian yata ng masamang elemento sa kung saan?
Niyakap niya ako ng mahipit tapos ngumiti lang sa akin.
"may pupuntahan ka ba couz, isasama sana kita ngayon kasi ang alis ni euwi pleassssssseeee" sabi niya sa akin
"couz nakalimutan mo na ba, kakasabi ko lang sayo di ba? Niyaya ako ni third na lumabas ngayon next time nalang promise sasamahan kita." parang sumimangot siya sa sinabi ko, baka nagseselos siya kay third hindi ko na kasi siya nakakabonding.. Gusto ko sana siyang samahan pero may usapan na kami ni third.
"sige next time lang" ngumiti lang siya sa akin at lumabas na sa kwarto ko.
Kunuha ko yong sketch book ko at umupo sa study table. Nagiisip ako ng bagong subject para edrawing. Nagiisip ako habang nilalaro yong lapis na hawak ko, malayo na ang nalakbay ng isip ko pero wala pa rin akong idea kung ano ang susunod na edodrawing. Biglang may umalog ng upuan ko kaya nagulat ako at napasigaw ng kunti.
"grabe ka naman kung magulat" hahaha sabi niya sa akin
"kanina pag alis ko pinagtatawanan na kita, hanggang sa pagbalik ko nakakatawa ka pa rin" tawa pa rin siya ng tawa
"ha ha sabi ko sa kanya, makabag ka sana" tinulak ko siya para hindi humarang sa daan ko.
"ano bang iniisip mo ang layo ng tingin mo" asar pa niya sa akin at tumingin sa labas ng bintana
"wala ka na doon! Ano bang ginagawa mo dito basta-basta ka nalang pumapasok sa kwarto ko?" inis na tanong ko sa kanya
"masama ba? girlfriend naman kita" inis niya sa akin
"tigilan mo nga ako kinikilabutan ako sa sinasabi mo!" tumawa ulit siya. nababaliw na ba siya?
"kinikilabutan ba ang sinabi mo o kinikilig ka lang sa akin?" nagblink siya ng mata.
"manyakis ka! lumabas ka na nga labas!!" binato ko siya ng unan
"ayoko nga" sabi niya tapos kinuha niya yong sketch book ko
"ang galing mo pala, talented ang girlfriend ko. Kahit papaano pwede ka na rin palang ipagmalaki" sabi niya ulit sa akin.
"girlfriend?? mukha mo" sabi ko sa kanya at inagaw ko yong sketch book ko, nilagay ko na sa drawer.
"Magbihis ka na, may pupuntahan pa tayo" sabi niya sa akin.
"paano ako magbibihis kung nandito ka sa loob?"
"problema ba yon di sa cr ka magbihis" asar niya sa akin
"lumabas ka na nga" tinulak ko siya para lumabas. Pero umupo siya sa kama ko.
"ayoko ngang lumabas, baka may makita pa akong pangit na view sa bahay niyo. Mas gusto ko dito." humiga siya sa higaan ko tapos kinuha niya yong unan at kumot. (Problema nito kainis!!)
"bilisan mo na baka malate pa tayo.. Hindi ako titingin." Kaya wala din akong nagawa, kinuha ko na ang damit ko at sa cr na nagbihis nilock ko yong pinto ng cr. Bago yon ay sinilip ko muna siya, tapos sinarado ko na. Nagayos muna ako sa loob para hindi ako nakakahiya sa mama niya ang ememeet namin para presentable naman akong tignan di ba? Kunting make up light lang ayoko kasi yong sobra pangit kasing tignan. Pagkatapos ko na mag ayos ay nagpalit na ako ng damit. Ang ganda ko talaga. Lumabas na ako sa cr nandoon pa rin si third na nakahiga.
"Hoy tapos na ako, pwede ka ng tumayo jan" sabi ko sa kanya.
"third, tulog ka ba?" sabi ko pero hindi siya sumagot. Tulog nga siya tssk. Kaya hinayaan ko nalang siyang natulog wala pa namang gabi. Nagpalit muna ako ng damit, tulog kasi ang driver tapos parang pagod na pagod siya kaya hindi ko siya ginising. Nakakahinga kaya siya sa lagay na yan? parang ako ang nahihirapan sa ayos ng kumot sa ulo niya, natatakpan na kasi yong ilong niya kaya tinangal ko.
Napansin ko na ang amo ng mukha niya pag tulog, sana lagi nalang siyang tulog huwag nalang siyang gumising. Nabangit ko na rin ba sa inyo ng ang haba ng pilik mata niya? kung nasabi ko na uulitin ko ulit hehe. Ang ganda talaga ng lips niya hayyyyy. Bago pa ako maaliw sa kakatitig sa mukha ni third ay lumabas muna ako para uminom, mamaya ko nalang siya gigisingin. Pagbaba ko nakita ko si miggy nagmamadaling umalis at nakabihis. Nagpaalam siya sa akin na magkikita sila ng mga kaibigan niya sinabi na din daw niya kay mama at papa. Binuksan ko ang ref at kimuha ng tubig kukuha din sana ako ng meryenda pero dumating si jhen may dalang pizza.
"nix akala ko ba may lakad ka hindi kayo natuloy?" nilapag niya yong pizza sa table
"mamaya pa, bakit ang aga mo naman ngayon nakaalis na ba si euwi?"
"yup, tinamad akong magmall wala naman akong kasama kaya umuwi na ako" sabi niya tapos kinagat na niya yong hawak niyang pizza
"gusto mo ng juice, gagawa ako" sabi ko sa kanya
"wala pa ba si aling louisa couz?" kuha ulit siya ng pizza
"wala pa, wait lang couz gawa muna ako ng inumin" sabi ko tapos. bumalik na ako agad pagkagawa ko ng juice namin.
"couz parang nakita ko yong sasakyan ni third sa labas. Hindi ba kayo matutuloy?" sasagot na sana ako pero dumating na si third gising na pala siya.
"Bakit hindi mo ako ginising!!" parang galit niyang sinabi sa akin. kaya nagulat si jhen nakatalikod kasi siya.
"nakatulog ka kasi kaya hindi na kita ginising tapos parang pagod ka" paliwanag ko sa kanya
"kung hindi tumawag si mama sa akin hindi ako nagigising bakit hindi mo ako ginising!"
"ginising kaya kita, kakatulog mo pa lang yata kaya hindi mo narinig"
"magbihis ka na bilisan mo" sabi niya. Ako pa ang pagagalitan niya ngayon kasalanan ko ba? hindi naman di ba? Sabihin niyo sa akin. Hindi na ako nagsalita umakyat na ako sa room ko at nagbihis hindi na ako nagayos. Galit kasi yong halimaw. Bumaba na ako para makaalis na kami, nakita ko naman si jhen na umakyat ng room niya na parang umiiyak. Hindi ko na siya nagawang tanungin may pupuntahan pa kasi kami. Nasa labas na si third na naghihintay sa loob ng kanyang sasakyan.
BINABASA MO ANG
Someone to hold (uncut)
Teen FictionDisclaimer: The story is intended only for people age must be 19 years old and above. If you are not the intended recipient you are notified that disclosing, copying, distributing or taking any action in reliance on the contents of this informatio...