Maaga akong nagising kasi ngayon ang survey namin, kasama sa research namin kaya dapat lang na magsipag ako kung hindi baka dahil sa research na ito mabagsak ako ayoko namang masira ang records ko no. Nix nasa labas na sundo mo sabi ni kuya elcid kaya hindi ko na natapos ang kinakain ko, kinuha ko na yong dapat dalhin. Dumaan muna kami sa malapit na computer shop at pinaprint yong tinype ko kagabi tapos pinaxerox na rin.
"Tara na" sabi ni third
"hindi na ba natin hihintayin si kaye" tanong ko naman sa kanya
"may emergency daw siyang lakad kaya tayo nalang ang gumawa nito" sabi naman niya sa akin
Nagpunta kami malapit sa park sigurado kasi na maraming tao dun na pwedeng masurvey. Kung nagtataka kayo kung anong susurvey namin (haha ayoko ng sabihin mahirap kayang magisip joke hehe) sa mga current event po. Basta 10 questions din tapos may essay question na isa.
"Hati nalang tayo doon ka sa kabila, dito na tayo magkita pagkatapos." sabi niya sa akin
"Teka lang anong number mo"
"Wala akong load hindi ako nagloload" sabi ko
"number ang tinatanong ko hindi kung may load ka o wala" sabi niya sabay hagis sa akin cp niya buti nalang at nasalo ko.
Habang tinatype ko yong number ko, sabi niya dapat 30mins. lang kami kung wala daw gustong magpasurvey hayaan nalang daw. Tapos babalik na after 30mins. pag hindi pa daw ako bumalik ay iiwanan na daw niya ako. May pupuntahan daw siya pagkatapos namin magsurvey kaya umuo lang ako.
Sa mga una kong sinurvey wala naman akong naging problema yon nga lang yong iba hindi nila nilagay ang pangalan nila pero para saakin okie lang yun. Kaya lumipat naman ako para masurvey pa yong iba, may lima pa kasing hindi pa nasasagutan. Lumapit ako sa isang mamang lalaki sa tingin ko nasa 30+ na ang edad niya mukhang mapagkakatiwalaan naman kaya lumapit ako sa kanya at tinanong kung pwede siyang masurvey. Sinabi ko naman ang gagawin nila at pumayag naman siya, pagkatapos nilang magsulat tinanong nila kung anong oras na, kaya nilabas ko ang cp ko
"11:00 na po kuya" sabi ko ngumiti naman siya sa akin nagpaalam na akong umalis dahil tapos na ang 30mins. na usapan namin ni third baka iwanan niya ako. Naglalakad na ako para bumalik sa pwestong dapat na maghihintayan kami ni third, biglang nagring yong cp ko.
feel me to the moon
Let me play among the stars
(unknown number calling)
Let me see what spring is like
On jupiter and mars
(sigurado ako si third ang tumatawag kaya sinagot ko naman agad)
"Helo"
"Asan ka na ba hsajfsghdfghu"
Magnanakaw ibalik mo sakin yang Cellphone ko, tumakbo ako sinisigaw ko na sa mga taong nakakasalubong ko na ninakawan ako para harangin nila yong magnanakaw, pero kahit na isa sa kanila ay walang naglakas na loob para harangin yong magnanakaw. Kaya kahit na pagod na pagod na ako sa kakatakbo ay hinahabol ko pa rin yong magnanakaw. Hindi ko na inisip kung iiwan man ako ni third mabalik lang sa akin yong cp ko. Hanggang nakatawid na ng kabilang kalsada yong magnanakaw at muntik na akong masagasahan buti nalang ay nahila ako ng isang lalaki. Hindi ko agad nakita ang mukha niya dahil niyakap niya ako, nakabaon ang mukha ko sa dibdib niya at hawak ng isang kamay niya ang ulo ko. Rinig na rinig ko ang pintig ng puso niya.
"magpapakamatay ka na ba" sabi niya sa akin
"hindi ka ba nagiisip bakit mo pa hahabulin yon magnanakaw na yon, buti nalang naabutan kita kung hindi nasagasaan ka na! Paano kung hindi ako umabot ano nalang ang sasabihin ng kuya mo sa akin!!"
Doon lang sa sinabi niya ako napaluha iwan ko din kung bakit, hindi ako makasagot sa kanya, takot din akong tumingin sa mga mata niya dahil alam kong galit siya. Gusto ko lang kasing ibalik sa akin yong cp ko kasi binigay sa akin nila mama at papa yun isa pa wala pang isang taon sa akin yon. Basta ang nasa isip ko lang nung mga oras na yun kailangan maibalik yong cp ko sakin kaya ko hinabol kahit na imposibling mahabol ko yong magnanakaw.
"tahan ka na wag ka ng umiyak" hinawakan niya ang ulo ko
Pinunasan ko ang luha ko tapos ngumiti ako sa kanya, ngumiti din siya sa akin. Para na akong timang sa harap ni third dahil katatapos ko lang umiyak sa hindi ko malamang dahilan ngayon ay tumatawa na ako sa harap niya.
"sira ka talaga sa susunod na nakawan ka wag mo ng hahabulin" sabi niya sa akin
"parang phone lang hahabulin mo pa pwede ka namang bumuli ng bago, tignan mo yan para ka na tuloy sira"
tawa tawa pa ako habang inaayos ko ang sarili ko pawis na pawis kasi ako, gulong gulo pa ang buhok ko.
"tara na" sabi niya at hinawakan niya ang kamay ko. Naglalakad na kami pabalik sa parking lot mejo malayo kasi kami napadpad. Habang naglalakad kami may nakita kaming nagbebenta nag ice cream.
"gusto mo ng ice cream" tanong niya sa akin
"hindi na di ba may pupuntahan ka pa" sabi ko naman sa kanya, ngumiti lang ulit siya at kinaladkad ako papunta sa bilihan ng dirty ice cream. Kaya sumusunod lang ako sa kanya.
"anong gusto mong flavor"
"kahit ano nalang" sabi ko naman
"manong dalawang melon, ube at cheez flavor"
Inabot niya sa akin yong isang ice cream, tapos naglalakad na ulit kami. Iba nanamang side ni third ang nakita ko mabait siya, hindi siya yong alam kong masungit na suplado. marunong din siyang ngimiti at ibang klasi kung mag-alala magagalit muna tapos, kakalma din pagnahimasmasan. Siguro kung sa itatagal magiging close din kami nitong si third kahit na ganyan ang ugali niya. Ano pa kaya ang matutuklasan ko sa mga susunod na araw. Parang napupuzzel ako sa taong to ha..
Hinatid na niya ako sa bahay namin, naabutan namin si kuya ko kaya sinabi niya ang mga nagyari kanina. Nagalala si kuya sa akin buti nalang daw at walang baril o patalim yong magnanakaw kung hindi baka kung ano pang nagyaring masama sa akin.
BINABASA MO ANG
Someone to hold (uncut)
Novela JuvenilDisclaimer: The story is intended only for people age must be 19 years old and above. If you are not the intended recipient you are notified that disclosing, copying, distributing or taking any action in reliance on the contents of this informatio...