Chapter 58

10 2 0
                                    

Chapter 58: YES or yes!!!

Ilang buwan ko na rin na napapansin na parang may mali sa mga tao sa paligid ko. Sa amin ni third naman ayon ewan ko ba kung nanliligaw yong taong yon sa akin. Sabi kasi niya sa akin two months ago ayaw niyang tumanggap ako ng manliligaw maliban sa kanya, may minsan pa nga yan na ilang araw na hindi siya nagpakita sa akin dahil napagkamalan niya yong pinsan ni ate Lourien na si Gabriel na manliligaw ko. Ewan ko talaga sa taong yon, ang gulo na masaya hay... magulo na pinapagulo ko lang yata?

Kapag magkasama kaming dalawa masaya kami, pero hindi naman kami. Hayyy... Parang ngayon hinihintay ko nanaman siya dahil linggo ngayon dahil busy nga daw siya everyday at hindi pa niya sinasabi sa akin kung ano ang pinagkakaabalahan niya. Pag tinatanong ko naman sa kanya hahalikan ko daw muna siya bago niya sabihin sa akin which is gusto na ayaw ko naman gawin. Mahal ko na nga yata siya, pero paano kung ako lang ang nakakaramdam ng ganito tapos siya hindi? Hindi ko na nga maalala kung may nabanggit din siyang mahal niya ako dahil na rin sa dami ng nangyari sa amin. Hindi ko naman magawang nagalit nang matagal sa kanya.

Napansin ko lang nakikinig pala ako ng music ganitong ganito ang nararamdaman ko ngayon Baliw by Kris Jane.

"princess hindi daw makakarating si third bukas nalang daw kayo magkita" agad akong napatayo sa kinauupuan ko dahil si kuya hindi man lang marunong kumatok.

"ano nga ulit?" tanong ko sa kanya dahil kanina pa lumilipad ang isip ko at hindi ko narinig ang sinabi niya. Nagmake face naman siya sa akin pero kahit na nginitian ko nalang siya. Pagod siguro si kuya Elcid.

"ang sabi ko bukas na daw kayo magkita ni third kakaalis niya lang."

"ha!? b-bakit hindi na siya tumuloy sa loob ng bahay?" tanong ko kay kuya tatalikod na sana siya pero nagkibit-balikat lang siya at umalis na rin sa kwarto ko.

"Ah sabi pala niya tinatawagan ka niya kanina pa." narinig kong sigaw niya. Kaya tinignan ko agad ang phone ko kung meron at 18missed calls ang nakita ko pero wala namang text. Bakit kaya sinubokan ko naman siyang tawagan pero hindi ko na siya macontact.

Ano nanaman kaya ang problema ng taong yun? Hindi ko man lang narinig ang phone ko sa call niya? maya't maya ay may natanggap akong text galing sa mga kaibigan ko lahat sila iisa ang laman na text Hi with happy face pa. Tinext ko naman sila kung anong nakain nila at napag usapan yata nilang sabay-sabay nila akong ititext ngayon. Hinihintay ko kung may reply ni isa rin sakanila ay wala.

Pero ang huling taong nagtext sa akin ng Hi ay may karugtong na lumabas ka saglit. Walang iba kundi sino pa ba? e-di-si-kilala-niyo-na.

Tinignan ko muna ang mukha ko sa salamin. Hindi na rin ako nagpalit ng damit dahil kakaligo ko lang kanina. Ano kaya ang nakain niya at himala na hindi nalang siya tumuloy sa bahay? Hindi ako nagmadaling lumapit sa kanya dahil pinagmasdan ko siya ng maigi nakatalikod kasi siya ngayon, nung bigla siyang humarap ay napakurap ako kaya inubo ko nalang para hindi ako napaghahalataan.

"Bakit hindi ka nalang pumasok may problema ba?" sabay tapik ko sa kanyang balikat. Ngumiti lang siya bilang sagot matagal na katahimikan kaya tahimik din ako mga 15mins din tsaka siya nagsalita.

"hindi mo nga ako namiss?" narinig kong tanong niya. Kaya nabigla ako sa tanong niya. Sira pala siya hindi ko raw na miss lagi na nga siyang nasa isip ko yan ba ang taong hindi siya namimiss? Magsasalita na sana ako kasi ang lapit lang pala ng mukha niya sa akin kaya natawa siya sa naging reaksyon ko.

"biro lang lang" sabi niya tapos umupo siya sa kalsada sa harap ng bahay namin kaya umupo nalang rin ako sa tabi niya.

Huwag ka sanang magugulat sa mga susunod na mangyayari" usal niya sa akin kaya muli ay lumingon ako sa kanya, pagkatapos ay inangat ko ang aking ulo upang tignan ang langit,

Someone to hold (uncut)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon