Ang tagal naman ng mga kasama ko, ito ako ngayon nasa tapat ng University namin kahit sabado kasi yong iba may pasok kaya wag na kayong magtaka. Hinihintay ko yong mga kagroup ko sabi kasi nila 9 a.m ilang mins. na akong naghihintay dito wala parin sila. Ang tagal nila promise, tinignan ko ang cellphone ko walang tawag galing kay kaye pati text wala din baka next week pa yong sinasabi niya. Tinignan ko ulit yong text niya sakin kagabi binasa kong mabiti, bukas naman ang nakalagay dito 9 A.M sharp pa nga ang nakalagay. Tumingin ulit ako sa relo ko kanina pa ako naghihintay wala pa rin mag 10 am na wala pa silang dalawa haist.
"Nickie kanina ka pa ba dito pasenya ka na hindi ka na namin natext kasi wala na ako load galing lang kami sa bookstore bumili na kami ng reference para marami, dinaanan ko na rin yong laptop ko pinapaayos daw kasi ni Third yong laptop niya." paliwanag ni kaye
"nako ayos lang" haha ang plastik ko ha hehe kahit na naiinis na ako okie lang.
Pumasok na kami sa loob ng library para dun gawin yong research namin, marami din kasing books dito. Ako ang naghanap ng ibang books na pwedeng gamitin namin, si third ang nagresearch din habang si kaye ang naguumpisa sa paggawa ng project namin actually tulungan kami sa paggawa hati kami sa mga work. After one hour hindi pa kami tapos, nagpaalam lang ako na magCr muna kaya bababa muna ako sa library.
"Nickie pabili na ako ng drinks" sabi sakin ni kaye inabot niya sakin yong pambili hindi naman lumingon sa akin si third kaya umalis na ako.
Dumaan muna ako sa Cr bago bumili ginawa ko na ang dapat kong gawin tapos nag ayos din ako baka makita ko si Ethan dapat maganda ako hehe. Lumabas na ako sa Cr paliko na ako at may naka apak sa paa ko, kaya mejo naout of balance ako kilala niyo na kung sino yun (opo hindi kayo nagkamali si third ulit) buti nalang at nahawakan niya ako sa balikat kaya hindi ako natuluyang natumba.
"are you okie?" tanong niya sakin, hindi siya galit kasi this time kasalanan naman niya.
"ayos lang, sige alis ka na" sabi ko kaya umalis naman siya. Napaka walang puso talaga noon hindi man lang talaga magsosorry hmmpt!!
Yun nga lang ang paa ko ay masakit, muntikan na akong matapilok. Parang pilay akong naglalakad ngayon sa hallway. Nakarating na ako sa canteen bumili muna ako ng drinks ni kaye, umupo naman muna ako nakita ko yong paa ko parang namamaga. Kahit na ganon lang namamaga na agad pero hindi naman ganon kasakit. Umalis na ako para bumalik sa library tagal ko na kasing hindi nakabalik malapit na rin ang lunch. Kahit hirap akong maglakad ay pinilit ko, napansin yon ni kaye.
"nickie ayos ka lang, anong nagyari sayo" nagaalala niyang sinabi sakin
"ayos lang mawawala din ito" ngumiti lang ako sa kanya
"sigurado ka" napansin ko naman na tumingin si third at tinignan ang paa ko
"yup"
"oo nga pala bukas nalang natin tapusin ito may pupuntahan pa kasi ako after lunch ayos lang ba sa inyo guys" tanong niya samin
"ayos lang para makauwi na ako ng maaga" sabi ko pero si third ay hindi umimik
Inayos namin ang mga gamit namin, kinuha ko yong mga books para ibalik na.
"ako na lang" sabi ni third kaya hinayaan ko na, nagpaalam na rin samin si kaye. Iniwan na saakin yong project namin, mageencode lang naman ang gagawin kaya ako na ang tatapos para bukas ayos na ang lahat magsusurvey pa kasi kami.
"sama ka sakin" sabi ni third tumingin naman ako sa likod ko baka hindi ako yong kausap niya. Tinuro ko yong sarili ko sinigurado ko kung ako ba ang kausap niya.
"may pupuntahan tayo" sabi niya
"saan" tanong ko sa kanya pero hindi na siya nagsalita. Bumaba na kami sumusunod lang ako sa kanya kahit na mejo masakit pa yong paa ko, nawawala na rin yong pamamaga sa paa ko.
BINABASA MO ANG
Someone to hold (uncut)
Fiksi RemajaDisclaimer: The story is intended only for people age must be 19 years old and above. If you are not the intended recipient you are notified that disclosing, copying, distributing or taking any action in reliance on the contents of this informatio...