Next day nakakapanibago ang bahay namin, si kuya Elcid kasi lumipat na sa bahay nila ni ate Lourien. Sayang nga at hindi ako ang gumawa ng bahay nila. Lumabas na ako sa aking kwarto nakita ko si jhen na nanonood sa sala.
"couz umalis nga pala sila tito sumama si migz hindi ka na nila ginising himbing kasi ang tulog mo. My business meeting daw kasi silang pupuntahan" sabi niya sa akin
"hindi pa ba dumaan si kuya dito, ang alam ko mamaya pa ang fight nila diba?
"dumaan na sila kanina, pero nagmamadali silang umalis"
"sayang hindi man lang ako nakapag sabi ng gusto kong pasalubong" sabi ko sa kanya
"couz honeymoon ang pupuntahan nila sa Italy at isa pa hindi yan kakalimutan ni kuya cid kaw pa" ngumiti siya sa akin
"kumain ka ba ba couz?" tanong ko
"yup tapos na" sabi niya. Kaya dumiritso na ko sa kitchen para kumain oatmeal lang ang kakainin ko. Bumalik ako sa sala para makipagkwentuhan kay jhen.
"nix pwede bang magtanong?" seryoso niyang tanong sa akin
"oo naman, tungkol saan ba ang itatanong mo?" uhhmmm sabi niya at huminga siya ng malalim.
"matagal na ba kayo ni third?" muntikan na akong maubo sa iniinom kong tubig.
"ha? bakit mo naman naitangong sa akin yan?
"wala naman. ngumiti siya sa akin at nanonood ulit siya.. Mahal mo ba siya?" tanong ulit niya dahilan ng tuluyan na akong maubo sa iniinom ko.
"ayos ka lang?" tanong niya, pero seryoso pa rin siya
"oo ayos lang, hindi ko naman mahal si third" sabi ko kaya nagulat siya sa sagot ko
"pero sinabi niya sayong mahal ka niya, narinig namin yon"
"oo nga hindi ko nga alam kung bakit sinabi ni third yon, pati nga ako nabigla"
"hindi ko maintindihan couz, sabi kasi ni tito boyfriend mo na si third ano ba talaga?" yong mukha niya ay hindi ko maipaliwanag. nagtataka na hindi ko maintindihan
"walang kami ni third jhen, hindi ko siya boyfriend. Lilinawin ko sana kay papa ngayon kasi kahapon hindi ko magawang sabihin ang totoo lagi kasi akong hinaharangan ni third" pagkasabi ko sa kanya ay parang nagliwanag ang kanyang mga mata. Sa tuwa? Siguro...
"uh so walang kayo couz. Hindi mo siya boyfriend at hindi ka niya totoong girlfriend? paglilinaw niya
"yup" sabi ko.
"Qué chistoso" (how funny) sabi niya. kaya hindi ko naintindihan.
"ano yon?" sabi ko pero sabi niya wala at ngumiti ng walang dahilan.
"Alam mo ba couz kung bakit ako bumalik sa Pilipinas?" tanong niya sa akin
"oo nga bakit nga ba?" sabi ko. Huminga siya ng malalim at nagkwento, ako naman nakikinig lang.
Sabi niya bumalik siya dito para balikan yong taong mahal niya, kaya nagawa niyang iwanan noon ang taong mahal niya dahil gusto ng parents niya na sa ibang bansa na niya ipagpatuloy ang pagaaral. Doon kasi ang business ng family nila kaya kahit na ayaw niyang umalis ay wala siyang choice kundi sundin ang parents niya. Natatakot siya na sabihing for good na sila titira sa ibang bansa kaya ni minsan ay hindi siya nagkalakas ng loob para sabihin sa lalaking mahal niya, naiyak nga siya habang nagkukwento. Mahal niya talaga yong lalaki. Although sinubukan niyang kalimutan yong lalaki, nagkaroon rin daw siya ng mga boyfriends pero wala pa rin siyang nagawa, talagang mahal niya daw kasi yong lalaki. Kaya pinilit niya ang papa niya na bumalik dito sa Pilipinas, good for her at pumayag si tito. Tinatanong ko nga kung bakit hindi niya pinakilala sa amin yong lalaking sinasabi niya, mga bata pa daw kasi sila that time kaya takot niyang sabihin. Baka malaman ng parents niya pagalitan pa siya, kaya hindi niya sinabi. Ganon din daw kasi yong lalaki sa pinsan lang niya pinakilala at sa tito niya. Sabi pa niya sa akin na top secret niya sa buhay niya yun noon, pero ngayon pwede na siyang magboyfriend wala ng bawal pwede na niyang balikan yong taong mahal niya.
Tinanong ko sakanya kung nagkita o nagkausap na ba sila. Sabi niya one time sinubukan niyang kausapin pero umiwas lang yong guy. May isang araw din daw na sinabi niyang mahal na mahal pa rin niya yong lalaki na hindi nagbago ang nararamdaman niya para sa kanya, pero ang sabi lang sa kanya huli na daw ang lahat at hindi na daw mababago ng panahon ang lumipas. Umiiyak pa rin si jhen kaya niyakap ko siya. Sinabi ko sa kanya na may lalaking mas nararapat sa kanya. Biniro ko pa nga kay Euwi gwapo naman kasi siya hindi ko nga nakikitang bading si euwi. Kaya tumawa na siya sa biro ko at tumingin lang sa akin nagpasalamat din siya, ang weird nga niya hehe. Sinabi niyang susubukan pa rin niyang kausapin yong lalaki kaya binatukan ko na siya. Tinatanong ko din kung sino at anong pangalan ng lalaki pero hindi niya sinabi, kaya hinayaan ko nalang siya.
Peaceful ang araw ko ngayon, dahil si jhen lang ang nagtanong sa akin about sa nangyari kahapon. Hindi ko naman alam kung paano kakausapin si third dahil bukod sa wala pa akong cellphone ay hindi ko alam kung saan siya nakatira. Mamaya pag uwi nila mama at papa sasabihin kong hindi kami ni third ayoko naman paniwalaan nilang kami talaga, kagabi kasi hindi na kami nagkausap dahil maaga silang natulog. Nagmovie marathon lang ako buong hapon dahil ayokong lumabas, tumawag nga sila colline sa akin nagyayang pumunta sa mall pero tamad talaga ako. Si jhen ay umalis dahil magmemeet sila ni Euwi babalik na daw kasi siya. Pagkatapos kong manood ay umakyat na ako sa kwarto himiga ako hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.
“Ate gising…”
“ahmmm”
“ate” inialog ako sa higaan
“mamaya muna” sabi ko
“ate may sasabihin si papa sayo, gising ka na 7pm na oh gissssssiiinggggg!!!”
“wag ka na ngang sumigaw masakit sa tenga” sakit sa ulo ganito pala ang pakiramdam na sobra sa tulog.
“ano ba ang sasabihin ni papa?”
“hindi ko alam, nasa study room si papa hinihintay ka ate” lumabas na siya sa aking kwarto.
Bago ako lumabas ay naligo muna ako, nagsuot ng pambahay at pumunta na ako sa study room. Wala doon si papa kaya tinanong ko si manang louisa sabi niya nasa office sila kasama si mama, kaya pumunta ako sa office kakatok sana ako pero natigilan ako sa narinig ko.
Naguusap sila mama at papa tungkol sa business namin, narinig ko ang pangalan ko at pangalan ni third kaya hindi ako kumatok. Sabi ni papa na mabuti ng nagkakabutihan kami ni third, isa pa ay hindi na sila mahihirapan ipagkasundo kami ni third dahil nagmamahalan daw kaming dalawa. May narinig din akong isang lalaki na nakitawa pero hindi ko kilala. Narinig ko pa na sinabi nung isang lalaki na problems solve, at by next year ay magmemerge na ang company namin sa company nila. Wala na daw dapat ikabahala dahil hindi maaapektohan ang mga employers na mawalan ng trabaho. Dahil sa nararanasan na global crisis.
Sa mga narinig ko ay parang napanghinaan ako ng loob, matagal na ba nilang plano ang mga ito? Hindi ako makapaniwala na magagawa sa akin ni papa ang mga ganitong bagay. Ganito pala ang pakiramdam ng isang taong ipagkakasundo dapat sa isang taong hindi mo kilala, lalong-lalo na sa isang taong hindi mo mahal. Well sa case namin ni third ay mejo maayos pa rin kasi nakilala ko na siya, pero yong ganitong ipagkakasundo pala kami dapat? Hindi ko kinaya. Pumasok sa isip ko ang mga nagyari kahapon pati na rin yong mga sinabi sa akin ni third na kahapon ay hindi ko maintindihan ngayon ay malinaw na sa akin lahat. Ito ba ang dahilan niya, ito ba ang dapat niyang sabihin? May alam siya sa mga nagyayari na hindi ko alam at isa pang kinaiinisan ko ay hindi man lang niya sinabi sa akin na alam niyang ipagkakasundo nila kaming dalawa. Aalis na sana ako dahil ayokong pagusapan ang lahat, pero lumabas si mama pinapasok ako sa loob. Pinakilala ako sa papa ni third, masayang- masaya siyang inabot ang aking kamay ngumingiti lang ako hindi ko pinahalata na may alam ako sa kanilang napag usapan. Mamaya din daw ay dadating dito si third at dito kami magdidinner sa bahay.
BINABASA MO ANG
Someone to hold (uncut)
Teen FictionDisclaimer: The story is intended only for people age must be 19 years old and above. If you are not the intended recipient you are notified that disclosing, copying, distributing or taking any action in reliance on the contents of this informatio...