Chapter 45:5:

19 3 0
                                    

Halos buong gabi ako uminom ng alak habang nagpuputukan sa labas bumibili pa ako ng inumin para ituloy sa unit ko. Paggising ko sa sala pala ako nakatulog at yakap ko pa itong bote nasasanay na din ako sa kakainom. Tumawag ako sa baba para linisin ang loob ng unit ko, iniwan ko ng bukas ang unit ko at naligo na ko. Nakakaginhawa pagliligo ako parang wala akong problema at iniisip. Kung tutuosin wala naman talaga akong problema. Paglabas ko nakita ko yong naglinis ng room ko na paalis na.

 "hi sandali." tawag ko sa kanya Buti nalang at narinig pa ako

Kunuha ko yong wallet ko at inabutan ko siya ng pera. Nahihiya nung una hindi pa niya sana tatanggapin pero tinanggap din niya, dahil sinabi ko. Bawal daw kasi silang timanggap ng pera dahil pag nalaman nila baka matanggal siya sa trabaho.

 "salamat po boss" sabi niya at umalis na.

Pagpasok ko sa room ko wala yong phone ko ay syete naisahan yata ako ng mamang yon. Sabi ko sa utak ko. Kaya kahit nakatopless lang ako ay lumabas ako, hinabol ko si manong.

 "hey manong" sigaw ko bago pa siya lumiko buti naman at lumingon naman siya lumapit din sa akin

 "ano po yon boss." tanong niya. inayos ko yong pagsasalita ko para hindi masyadong makabentang kung mali man ako.

 "nakita niyo ba yong phone ko?" nagkamot siya ng ulo. Sinasabi na nga ba.

 "wala akong napansin saan niyo ba huling ginamit boss?" tanong naman niya. Oo nga no bakit hindi ko naisip yon?

 "ah sige salamat nalang." sabi ko sa kanya at naglakad na ako pabalik sa unit ko.

 "uhh ang aga-aga rumarampa ka anong meron? nice abs." sabay ngiti ni alexie ba yong pangalan niya? May kasamang lalaki baka siya na yong kapatid niya.

 "hindi hinabol ko kasi yong naglinis ng unit ko wala kasi phone ko." sagot ko naman sa kanya

 "wait lang babe ha?" paalam niya. tsk ganito ba talaga itong babaeng to?

 "ano bang number mo miscall natin." sabi niya

Kaya sinabi ko naman yong number ko, pumasok ako sa unit ko para sundan yong tunog ng phone ko. Ayon nasa room ko lang pala, bakit hindi ko maalalang pumasok ako sa room ko kagabi? Sa sobrang kalasingan na siguro. Sige salamat ha? sabi ko sa kanya.

 "anong salamat may bayad yon uyy" sabi niya sa akin

 "sige magkano?" ngumiti naman siya sa akin

 "yong pinsan ko kasi parang magkakasakit pwede bang tignan-tignan mo itong number mo save ko nalang."

 "sinong pinsan mo?"

 "si nickie ewan ko nga sa bruhang yon hindi yata kinaya ang weather dito kaya parang magkakasakit." sabi niya sa akin, pinigilan ko ang sarili ko na mag-alala

 "may boyfriend yata yon bakit hindi nalang siya." sabi ko naman

 "wala nga e ipapakilala sana kita sa kanya nung hinatid mo kami umalis ka naman." kaya yong tenga ko parang pumalakpak sa saya seympre hindi ko pinahalata.

 "Akala ko ba sila nung gag*ng yon." bulong ko lang naman yan.

 "may sinasabi ka?"

 "ah hindi wala- wala" with hand gesture pa

 "sige titignan mo lang naman, tawagan mo nalang ako pag kailangan babalik din ako." sabi niya

 "okie sabi ko sa kanya."

 "bukas na yong pinto hindi ko na nilock, para sana makapasok ako agad since nakita kita at nasa timing ka alagaan mo muna pinsan ko. Mukhang mabait ka naman at walang gagawing masama." sabi niya at umalis na.

Someone to hold (uncut)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon