Next day sinamahan ko si jhen na bumili ng damit kaunti lang kasi ang damit na dinala niya.
ringggggggggg........ringgggggggg....wait lang couz kausapin ko lang si euwi sabi niya sa akin
"Yo estoy en un Mercado." dinig ko na sinabi niya sa kabilang telepono, hindi naman sa tsimusa ako no narinig ko nga e. Nix magkikita kami ni euwi ngayon ayos lang ba na samahan ko muna siya five days lang kasi siya magstay dito.. Paalam niya sa akin.
"couz ayos lang ano ka ba kung sinabi mo na sa akin na boyfriend mo yang si euwi ba ang pangalan mas maiintindihan pa kita" ngumiti ako sa kanya
"i swear couz were just friends. Gay nga di ba and besides kilala siya ni papa ko, kahit na itanong mo pa" dagdag pa niya at ngumiti din siya sa akin. Wait lang couz Cr lang muna ako pag nakita mo si Euwi sabihin mo sa Cr lang ako.
"okie sige bilisan mo jan ha baka hindi kami magkaintindihan niyang kaibigan mo ipapatapon ko siya sa jupiter" ngiti ulit sa kanya
"hahaha ikaw talaga couz" sabi niya at umalis na. Pagkaalis ni Jhen parang nakikita ko na si euwi, hindi nga ako nagkamali. Hanip parang kahapon lang kami nagkita tanda pa niya ang pangalan ko at mukha ko, samantalang ako kahapon halos hindi ko naalala ang pangalan niya. Siguro sinabi ni jhen kung nasaan kami kaya agad niya akong nakita, siguro nga ganon.
"Oh lah.. buenas dias nickie" bati niya sa akin
"buenas dias" (good morning) ngumiti lang ako. (Huwag kang lalapit huwag mo akong kakausapin bulong ko sa sarili ko)
"donde esta jhen?" (where is jhen?) ito na nga ba ang sinasabi ko, paano tayo magkakaintindihan kung hindi ko naiintindihan ang sinasabi mo... ako ganito
"Cómo, No entiendo español. Habla Inglis? " ( Pardon me? I don't understand Spanish. Do you speak Inglis?) sabi ko sa kanya. kunti lang alam ko basic lang, yan lang ata alam kong sabihin. Kasi sa hotel namin kapag may kumakausap sa akin dati yan ang tinuro sa akin para magusap kami sa Inglis.
"Cómo señorita nickie?" haha Hindi niya yata naintindihan, baka mali ang pagkakabigkas ko sa sinabi ko.
"No hablo espanyol, Habla Inglis? " ( I don’t speak Spanish, do you speak Inglis? ) Ngumiti naman si euwi sa akin.
"Pardon me i can speak and understand Inglish but a little" sabi niya
"where is jhen?" sabi niya buti nalang at hindi na ako mahihirapan kausapin to.
"I'm here" sabi ni jhen kaya lumingon naman kami ni euwi.
"Haaaayyyy buti nalang at dumating ka na" sabi ko kay jhen tapos ngumiti lang siya sa akin
"sige couz una na kami sabihin mo nalang kila tito baka gabihin kasi ako" sabi niya
"no problem couz" sabi ko tapos kinuha niya yong pinabili niya na bitbit ko
"Gracias" (thankyou) sabi niya at nagbeso kaming dalawa, ngumiti din sa akin si euwi
"De nada" (you're welcome) sabi ko at umalis na silang dalawa.. Hayyyy buhay.
Naglalakad na ako sa Mall pauwi na sana ako pero nakita ako ni Travis.
"Nickie kamusta, anong ginagawa mo dito may kasama ka ba?" sabi niya
"ayos lang, sinamahan ko lang pinsan ko kanina, may pinuntahan pa siya kaya uuwi na sana ako"
"ganon ba, my gagawin ka ba ngayon?"
"wala naman, bakit mo natanong"
"yayain sana kitang manood muna ng movie bago ka umuwi, next week kasi uuwi kami sa province. Matagal na din kasi kaming hindi nakakauwi sa mga relatives namin"
"sige ayos lang ito naman" sabi ko sa kanya kaya nanood muna kami ng sine. Nilibre niya ako siya daw kasi ang nagyaya tapos siya din ang bumili ng pop corn at drinks namin.
Pagkatapos namin manood naglalakad lakad lang kami sa mall.
"matagal din kami magvavacation mamimiss kita" sabi niya habang naglalakad kami
"wag kang mag-alala mabilis lang yan ano ka ba" sabi ko naman at ngumiti sa kanya
"oo nga.. feeling ko kasi parang isang taon na yon para sa akin" natahimik ako sa sinabi niya
"nickie pwede bang magpapicture tayong dalawa" sabi naman niya halatang parang nahihiya siya
"oo naman ikaw talaga, tara na" sabi ko at ngumiti sa kanya.
Pumasok kami sa Photoline at nagpapicture kami, akala ng photographer magboyfriend/girlfriend kami ni travis ganon pinangunahan ba. Samantalang hindi ko nga alam kung sa mga ginagawa ni travis ay nanliligaw na ba siya sa lagay na yan. Buti naman at sinabi ni travis na manliligaw muna siya, pero sa ngayon ay magkaibigan kami. Bagay daw kasi kami kaya dapat ay huwag ko ng pakakawalan si travis. Itong si kuya photographer usisiro hehe. Hinintay lang namin yong picture tapos umalis na kami tig-isa kami sa copy. Lumabas na kami sa photoline at nagyaya si travis na kumain muna bago umuwi, tatanggi pa sana ako pero nagpumilit siya kaya pumayag naman ako. Matagal din kasi kaming hindi magkikita kaya para hindi magtampo itong si travis ay pinagbigyan ko na. Pumasok na kami sa Pizza lilibre na daw niya ako, kaya naghanap kami ng mauupuan at nagorder na.
"mamimiss ko yong ganito" sabi niya sa akin habang kumakain. Hindi ko alam kung anong dapat sabihin kaya ngumiti nalang ako sa kanya
"Sayang nga hindi tayo madalas na lumabas, di bali pag dating ko babawi ako sayo" sabi ulit niya
"travis kung lagi mo akong ililibre baka tataba ako" biro ko sa kanya
"ayos lang para sa akin maganda ka pa rin" sabi naman niya at ngumiti ang cute talaga ng dimple niya gumagwapo tuloy siya ayiiii
"Gasgas na ang joke mo." sabay tawa ko sakanya kaya tumawa din siya. Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam siyang magCcr muna. Ako naman ay lumabas muna dahil maraming tao at hinihintay na akong tumayo ng babaeng susunod na kakain.
Paglabas ko ay nakita ako ko si third na papunta sa kinaroroonan ko kaya nginitian ko siya. Hindi naman ako nabigo at ngumiti din siya sa akin.
"may hinihintay ka?" tanong niya sa akin
"yup, si travis kaibigan ko. ikaw wala ka bang kasama?"
"stroll lang boring kasi" naboboring din pala ang isang third. Lagi kaya siya dito?
"siguro araw araw ka na dito ngayon pa at wala ng pasok" sabi ko
"hindi naman" sabi niya.
"nickie tara na" sabi ni travis, hindi ko namalayan nakatalikod kasi ako.
"oo nga pala travis si third, third si travis kaibigan ko" sabi ko inibot naman ni travis ang kamay niya, tinignan ni third ang kamay ni travis at naghandshake sila. Nakangiti si travis pero itong si third ay hindi ngumiti sa kanya. Hindi naman napansin ni travis yon kaya hinayaan ko na at umalis na kami. Pinasakay lang ako ni travis sa taxi at umalis na siya, may nakalimutan pa daw kasi siyang bibilhin na ipapasalubong sa mga kamaganak niya. Sinabi ko naman na sasamahan ko muna siya pero sabi niya kaya na niya kaya ayon nauna na ako.
BINABASA MO ANG
Someone to hold (uncut)
Teen FictionDisclaimer: The story is intended only for people age must be 19 years old and above. If you are not the intended recipient you are notified that disclosing, copying, distributing or taking any action in reliance on the contents of this informatio...